Masaya naman ang naging celebration ni Ivan kahit tatlo lang silang namasyal sa mall. Sinamahan nilang bumili ng gitara si Ivan. Ulysses volunteered to pay pero tumanggi ang anak. Gusto raw nitong bilhan ang sarili. Pauwi na sila nang maalala ni Ivan ang pangako ni Ulysses kay Arvin kaya napilitan siyang dumaan sa toy shop. Hindi niya alam kung paano napagpapasensyahan ni Ivan ang bata. Habang tumitingin ng mga laruan ay hindi maiwasang pumasok sa isip niya si Isela. Kailan niya kaya ito maisasamang mamasyal? If only he could be with her, bibilhin niya kahit anong magustuhan nito. Inagahan na lang nilang umuwi para makadaan sila sa bahay ni Noelle. Pupunta rin kasi si Ivan kila Dustin dahil ipinaghanda ito ni Dianne. “Hindi pa kasi sumama na lang sa’min,” inis na bulong ni Ulysses. “

