Sa isang mamahalin restaurant siya dinala ni Kian. Nasa private area sila at sila lamang ang tao roon. Nakangiti sa kanya ang binata mula ng sunduin siya nito. May napuna siya pasa sa panga nito. Hindi lang niya matanong kung anong nangyari roon. Kasulukuyan pinagsasaluhan nila ang masarap na pagkain na inorder nito para sa kanila dalawa. "Kamusta ang araw mo?" Pagsisimula nito ng usapan. "Okay naman naging busy lang ako this day kasi pinag-iisipan ko magiging theme para sa publicity ng alak.." aniya. "Wow,Oo nga,nakita ko nga may kausap ang Kuya Dave mo na taga-Network.." anito. "So,may naisip ka na ba?" usisa nito sa kanya. "Hmm,mayroon na kaso hindi ko alam kung may makukuha ako modelo para dun," aniya. "Okay,ano ba ang naisip mo theme,baka makatulong ako?" nakangiti nito offer.

