Lumulutang sa kawalan ang isip niya mula ng sabihin ni Kian na gusto din siya nito. Napaamin siya nito at ganun din naman ito sa kanya. Gusto nila ang isa't-isa. Mangyayari na ba ang sinabi ng Ate Erin niya. Mula sa I like you na magiging I love you? Pero parang ang advance naman niya mag-isip. Nakagat niya ang daliri. Hays,nagkaaminan na sila,ano na ang mangyayari ngayon? Hanggang sa makatulog siya ay hindi niya nasagot ang mga tanong sa isip niya. Kinabukasan,hindi niya inaasahan na susunduin siya ng binata para ihatid sa opisina niya. Mataman na nakatingin ang Kuya Dave niya Kay Kian. "Pwede ko naman siya ihatid eh," seryoso nito saad sa kaibigan. Kinakabahan siya. Ayaw niya mag-away ang mga ito. "Dave..tama na yan," pagsulpot ng Ate Amelia niya. Wala naman nagawa ang Kuya Dav

