Tulala at para siyang nakalutang sa ere. Namamanhid ang buo niya katawan. Parang nagslow motion ang Buo niya paligid. Naalipungatan siya ng makarinig ng galabog at ganun na lamang ang pag-aalala niya ng makita wala sa tabi niya ang dalaga. Pagkaraan bigla may kung anong putok siya narinig. Agad na sinaklot siya ng takot,nanggaling sa labas ng kwarto ang putok na yun. Nagmamadali lumabas siya ng kwarto at ganun na lamang ang takot niya ng makita si Gabbie sa salas at ang magulong gamit. He went blank ng makita niya may dugo ito. Mabilis na naalala niya ang panaginip niya noon. Isang babae na yakap-yakap niya at duguan. Si Gabbie..si Gabbie ang babae iyun na wala ng buhay na yakap niya sa kanya panaginip. "Tatagan mo ang sarili mo,malalagpasan niya ito.." pukaw ng kaibigan si Dave. Tuli

