Napupuno ng kaligayahan ang dibdib niya sa bawat araw na magkasama sila ni Kian at sa pinaparamdam nito pagmamahal para sa kanya. Tuluyan na nito natanggap ang tunay niya pagkatao. Nakita na din siya nito magpalit anyo bilang lobo. Isang kulay puting lobo. Buo paghanga na pinagmasdan siya ng kasintahan. Minsan nagpapalit siya bilang lobo kapag nasa Baguio sila at nakahiga sa kanya ang binata para mainitan ito. Gaya na lamang ngayon. "Alam mo bang pinapanuod ko ang pagpunta mo sa silid ko," sabi nito. "Naglagay ako ng CCTV sa kwarto ko kasi alam ko magpupunta ka roon habang wala ako doon," pagtatapat nito. Masuyo nito hinahaplos ang balahibo niya. "Narinig ko ang mga sinabi mo at sama ng loob mo sakin,I'm sorry naging unfair taLaga ako sayo.." nakangiwi nito saad. Nanatili nakatingin

