TBW SERIES6: TEN

487 Words
Nabigo sila ng Kuya Dave niya na nakumbinse ang lalaki na makaharap sila muli nito. Ayos lang yun sa kanya atlis may oras pa siya para paghandaan ang posible magiging resulta nito. Itinutok na lamang niya ang sarili sa pag-iikot sa processing area. Hands on siya,lalo pa nga mga alaga niya rosas ang main ingredients ng alak. Sa pagiging abala niya nawaglit din sa isipan niya ang lalaki. Mabuti na siguro na hayaan niya na lamang ang lalaki sa desisyon nito. Alam niya natakot niya ito. Tuwing katapusan ng buwan ay bumibisita siya sa opisina ng Kuya Dave niya. Personal niya ginagawa ang paglalagay ng alak sa mini bar ng opisina ng Kuya Dave niya. Alam niya imposible na magtagpo sila doon ni Kian dahiL malaki ang gusali at magkahiwalay ang opisina ng mga ito. Abala siya sa pagsilid ng isang dosenang rose wine na nasa lata sa mini ref ng bumukas ang pinto ang opisina ng Kuya Dave niya. Babatiin sana niya ito pero kasama nito si Kian. Si mate! Alingawngaw ng makulit niya inner wolf. Agad na kumoble siya,nilundag niya ang kisame sapat para komportable siya pumuwesto roon na hindi nag-aalalang mahulog roon at bumagsak sa kinaroroonan ng mga ito. Bakit ka nagtatago? Harapin mo kaya siya?! Sulsol ng inner wolf niya. Hindi niya ito pinansin. "Mabuti na lang nakuha natin sa mababang offer,porket kilala tayo eh tataasan nila,wais 'to!" masayang saad ni Kian. Nakaupo ito kaharap ng Kuya Dave niya. "Yeah,at buti na lang nandyan si Gael,kaya nakamenos tayo ng 10% nakadiscount tayo ," anang ng Kuya Dave niya. "Oo nga,arkitekto pala ang napangasawa ng sister in-law mo," tugon nito. "Oo,galing London kaya hasang-hasa ang skills niya dun," sang-ayon nito sa kaibigan. Tumayo ang Kuya Dave niya at binuksan ang mini-ref nito. Nangunot ang noo nito marahil nagtaka na may supplies na doon at hindi man lang siya nito nakita. Nagtataka nilibot nito ang paningin sa paligid. Nagring ang phone ni Kian kaya tumayo ito at lumayo ng kaunti sa kaibigan pumuwesto ito sa salamin na dingding. Agad na lumundag sya sa harapan ng Kuya Dave niya habang nakatalikod ang lalaki. Nagulat ang Kuya Dave niya sa kanya. "Sorry,Kuya Dave..I have to go.." mahina niya anas. Panay ang sulyap naman ng Kuya Dave niya sa kaibigan na nakatalikod at abala sa kausap nito. Walang ingay na lumabas siya ng opisina na mismo ang Kuya Dave pa niya ang nagbukas ng pinto Para sa kanya. Saka lamang niya pinakawalan ang hangin na pigil-pigil niya kanina habang palabas ng opisina. Alam niya hindi gugustuhin ng lalaki na makita siya roon at nauunawaan iyun ng Kuya Dave niya. Buntong-hininga na umalis na siya roon. Mas okay na siguro na hanggang doon na lamang ang pagtatagpo nila ni Kian tutal naman bata pa siya kaya hahayaan muna niya samantalahin gng pagiging dalaga. Kung hindi man sila magkatuluyan ng mate niya,wala siya magagawa roon. Nandyan naman ang pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD