Nagising si Ara sa pang gigising ni Devin habang inaalog s'ya sa balikat. Bahagya pa s'yang na silaw sa sinag ng araw na nag mumula sa labas ng bintana ng kuwarto n'ya. Napangiwi pa s'ya ng bahagya ng gumalaw at maramdaman ang kirot sa balikat at buong katawan na. "Wala bang gamot na puwede kong inumin?" daing pa n'ya. "Kumain ka muna paiinumin kita ng gamot." "Gamot muna please. Ang sakit ng katawan ko Dev." "Hindi, puwede kumain ka muna kahit konti. Susubuan kita." tumayo si Devin sa pag kakaupo sa gilid ng kama n'ya at kinuha ang tray ng pagkain na mukhang iniready na talaga nito bago s'ya ginising. Pinilit naman ni Ara na kumain na lang para makainom na s'ya ng gamot. Napansin rin n'ya na may nakakabit na rin dextrose sa kamay n'ya. "Nilalagnat ka pa rin kaya kumain ka muna ng mar

