Inantay ni Thiago na tumigil ang pag-ikot ng CCTV camera dahil yun ang hudyat na tulog na ang mga nagbabantay nito. Kaagad siyang tumayo sa kanyang higaan. At nagbihis ng pantalon, puting t-shirt at jacket pati na rin sapatos. Wala siyang armas kaya kailangan niya munang kumuha sa mga tauhan ni Tanita. Kaagad niyang binuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-locked. Alam niyang sa kabilang kuwarto lang ang kinaroroonan ng kanyang anak dahil yun ang sinabi sa kanya ng nurse pagbalik nito. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kuwarto ni Baby Seb. Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nang makita ang mga paa ng dalawang tauhan ni Tanita na nakabulagta sa loob ng kuwarto. Nag-angat siya ng tingin madilim ang paligid at tanging anino lang ng sa tingin niya ay babae ang kanyang nakita.

