THIAGO Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Ibang-iba sa Hana na kasama namin sa bahay ang hana na kaharap ko ngayon. “Ikaw ang spy ni Tanita?” “Spy? I’m proud of myself Thiago, biro mo? Nagawa kong linlangin ang isang mafia boss na si Thiago Profaci.” Nakangising sabi niya sa akin. Sa kapal ng make-up at iksi ng suot niya hindi ko na siya halos makilala. “Kung ganun sino ka?” Seryosong tanong ko sa kanya. Nilapitan niya ako at dinampian ng kanyang daliri ang aking labi kaya iniwas ko ang aking mukha. “I’m your number one…enemy” Mahinang bulong niya sa tenga ko. “Tanita?” “Surprise! Nagulat ka ba?” Nagtangis ang bagang ko nang sabihin niya yun. Ang babaeng matagal na naming hinahanap! Ay kasama lang pala namin sa bahay! Tama si Keyla! Kung hindi kami tumigil sa pag

