One week later…. THIAGO Andito ako ngayon sa room ni Doc. Alvin. Upang ipagtingin ang sugat ko. Mabuti na lang mabilis ang naging paghilom ng sugat ko at mas okay na ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw. “Good Thiago, mabuti naman sinunod mo ang bilin ko.” Nakangiting sabi niya sa akin habang tinitignan ang sugat ko sa tiyan. Tuyo at sarado na rin ito. “Anong bilin?” “What? Don’t tell me hindi mo ginawa ang bilin kong wag muna kayong magtatabi ni Keyla? Ako pa naman ang naki-usap sa kanya para mabilis ang maging pagaling mo.” Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya sa akin. Kaya naman pala kapag inaaya ko siya ay tinatangihan niya ako at palagi niyang sinasabi na masama ang pakiramdam niya. Dahil pala yun sa paki-usap ni Doc. Alvin! “Oh? Bakit ganyan ka makatingin

