THIAGO Napadilat ako nang marinig ko ang isang malakas na sigaw. Naghiwalay ang labi naming dalawa ni Tanita. “Hana! Pakawalan mo ako dito!” Nabosesan ko agad kung sino ang sumisigaw ng malakas. Hangang sa may bumaba ng tauhan nila. “Anong nangyari? Bakit nag-iingay ang isang yun?” Seryosong tanong ni Tanita sa tauhan niya. “Sorry po Madam Tanita. Natangal niya yung busal sa bibig niya. Pero inaayos na nila.” “Tonto!” Sinampal niya ito ng malakas at napahawak ito sa kanyang pisngi. “Doon niyo siya ilagay sa kulungan ng hayop para hindi maka-abala!” Sigaw niya na ikinatango nito at mabilis na nagpaalam. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Hindi ako maaring magkamali. Nasisiguro kong si Doc. Alvin ang sumigaw na yun. “Akala ko ba nag-usap na tayo? Bakit dinadamay mo

