KEYLA Pabalik na sana kami nang masalubong namin si Nara at Isaiah. Seryoso lang silang nakatingin sa amin habang papalapit kami sa kanila. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko na hawak niya. “Kanina pa namin kayo hinahanap. Papalubog na ang araw at nag-umpisa na kaming mag-ihaw.” Wika ni Nara sa amin. “Nag-usap lang kami ni Thiago sa ilog.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Puwede ko ba siyang makausap?” Wika naman ni Isaiah. Kaya napatingin ako sa kanya. “Bakit? Hindi ba puwedeng kasama ako?” Seryosong tanong ko sa kanya. Baka kasi kung ano ang sabihin niya kay Thiago. “Wala ka bang tiwala sa akin? Wala akong sasabihin sa kanyang masama tungkol sa relasyon niyo kaya wala kang dapat na ikabahala.” Napatingin sa akin si Thiago at nakangiti siyang tumango sa akin bilang pag

