THIAGO Lumipas ang magdamag ay hindi ko man lang magawang umidlip. Nasa panganib silang lahat at wala akong magawa para makatakas dito. Wala akong magawa para mailigtas silang lahat. Kung hindi sana ako nagpadalos-dalos at kung nakinig lang ako kay Keyla nang sabihin niya ang tungkol kay Hana sanay hindi nangyari ang lahat ng ito. Ngunit wala na rin akong magagawa pa. Nahuli na ako ni Tanita. At balak pa niyang kunin ang anak namin at putulan ako ng binti upang hindi ko na magawa pang lumaban! “Hoy! Kumain ka muna!” Sigaw sa akin ng lalaking kakababa lang may dala siyang dalawang platong pagkain at isang bote ng tubig. Ipinatong niya ito sa mesa na nasa tabi ng bintana. May isang upuan din ito. “Tanga ka ba? Nakikita mo bang nakatali ako?” Inis na sabi ko sa kanya. “Ay! Oo nga pala!”

