Kabanata 3

1477 Words
"Listen, Alli." Natigil ako sa pagkuha sa chips na nasa harapan ko nang suwayin ako ni Gon. Nasa kwarto ko kami at tinototoo niya nga iyong pagtuturo sa akin sa Accounting. Kaya ngayon, nakadapa ako sa kama habang siya naman ay hinila iyong swivel chair na nasa may computer ko at doon naupo imbes na sa kama ko. Tiningnan ko ang A4 na ginawa niyang scratch upang maglagay doon ng mga sample problems na dapat kong i-solve. "Whatʼs your tanong ba?" tanong ko na may kunot sa noo. He sighed. "Youʼre not listening kasi. Iʼm asking you if you do know the Nature and Aims of Business, maganda kasi na simulaʼt-simula ituro ko saʼyo para kapag nasa how to get the interests, discounts as well as balancing, hindi ka malito," salubong ang kilay na ulit niya sa tanong. I pouted and sat down my bed with fallen shoulders. "N-Nahihirapan ako, Gon. P-Parang nasasayang lang tuition ko dahil...everytime na may ituturo? Mabilis kong nakakalimutan," pagpapakatotoo ko. "Actually, kahit college na ako? Hindi ko maiwasang mangopya." I confessed. He stared at me. "Accounting is basic. You just have to understand the technique." he coldly remarked. Gusto kong matawa na hindi. Hindi ko alam sasabihin o ire-react dahil basic lang daw ang Accounting sa perception niya. Saan ba school niya at nadadalian siya? I shook my head a bit and smiled scarcely. "Kahit madali o may technique, kung hindi mo bet---nonsense! Hindi kaya masarap mag-strive kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo." may bahid ng pait sa boses na sambit ko. "...pero para sa parents ko, gagawin ko. Kahit super hard sa part ko. At kahit may ibang taga-UP na ang tingin sa akin...bobo. Kasi hindi ko magawang intindihin ang simpleng bagay." I continued with a sigh. "Letʼs continue studying na, Gon. Hindi ka lang pala bodyguard, tutor din." He just stared at me coldly. Kailan ka kaya ngingiti? Ihinarap niya sa akin ang laptop. "Letʼs start having an overview about the Philipine Economy. Since youʼre into business, let me ask you about it," he said. "Do you know or do you have a prior knowledge about the PE?" he seriously asked. I nodded as I smiled a bit. "As far as I can remember...Philippine Economy has low productivity in the workplace, graft and corruption in the government. Another, the declining value of the peso and an unfavorable balance of trade are just some of the more serious concerns affecting it." sagot ko. Napangisi siya. "Why do you think that dreaming for affluence canʼt attain by most of the Filipinos?" he asked again. Nagtataka ako kung bakit may alam siya dito. Kung bakit may kaalaman siya sa inaaral ko---bodyguard siya, hindi ba? Well, halatang may utak siya, unang tingin pa lang. In addition, nagsusumigaw din ang mataas na pinag-aralan base sa actions. ...e, why chose to be a bodyguard? "Tsk. Lutang ka na naman, Alli. Ganyan ka ba sa loob tuwing magdi-discuss ang prof mo, ha?" medyo inis niyang tanong. I composed myself. "Ahm, because the Philippine economy has always been saddled with difficulties which appeared to be insurmountable." sagot ko at ngumiti nang pilit. "Tama ba?" He snarled. "Tsk, tsk. Right. So donʼt degrade yourself too much. Look, you can answer. You know something." he said. "And not because youʼre suck at one thing, youʼre suck at everything." makahulugan niyang wika. Napatitig ako sa kanya. Kasi ang gwapo niya talaga. Seryoso! Ihinarap niya muli sa kanya ang laptop at nagta-type doon. "Always remember, hindi por que hindi mo magawa ang kaya ng iba, bobo at tanga ka na. Plant in your mind that every one has their own forte." he continued his witty saying. I prevented myself from smiling widely. "Why do you know about all these things pala, Gon? And---" Hindi ko natapos ang aking itatanong dahil sa biglaan niyang pagsasalita, still, tutok ang mga mata sa laptop. "Never ask something about me, Alli. Kung anong ipinapakita ko, paniwalaan mo na lang. Letʼs continue studying. We have quiz tomorrow," seryosong saad niya. I winced. "Youʼre secretive, Gon." puna ko at dumukot muli ng chips bago marahang nginuya. "Ano bang ito-teach mo sa akin today, by the way?" Muli niyang ipinakita sa akin ang laptop. Binasa ko naman ang ilang tanong na naroon na may kunot na kunot na noo talaga dahil sa mga explanations! "What is business?" wala sa sariling tanong ko. "Yes. Dapat alam mo 'yan. Hindi naman pwedeng sasabak ka sa gyera na walang bala, Alli." Doon ko nilingon si Gon. "W-What are you saying? What gyera? Goodness, Gon...Iʼm am soon to be businesswoman! I donʼt have plans entering a military," sagot ko, with knitted forehead. He facepalmed. "f**k," he cussed. I pouted. "Donʼt mura me. Iʼm just telling totoo here," He looked at me, as if lack of patience. "T-Thatʼs not what I mean, f**k it!" he implied. "Damn. Canʼt you distinguish a metaphorical sayings to explicit one?!" timping aniya. I pouted and scratched my nape. "E, what ba?" hiyang tanong ko. He huffed. "Hah. What I mean is---hindi ka makakapagpatuloy mag-aral sa course mo kung kahit kaunting idea, wala kang alam. Iyon, Alli. Iyon ang ibig kong sabihin. Damn," he explained and shook his head a bit, out of disbelief. Napatango-tango naman ako. "P-Pasensya na...bobo lang---" He held my hand, causing me to stop talking. "Stop calling yourself bobo. Walang taong bobo. Tanga, pwede pa. Youʼre a bit stupid but youʼre not bobo, alright? Hindi ko alam kung mai-insulto ako o matutuwa dahilnsa sinabi niya, e. Sinabi niyang hindi ako bobo pero sinabi niyang tanga ako! So not me! Napansin kong hindi niya pa tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko kaya naman tiningnan ko iyon saglit. Noon ko lang napagtanto na may tattoo siya sa may wrist niya. LG lang naman iyon at naka-mark using black ink. "LG? You mean...La Galliene, Gon?" I suddenly asked, and lifted my gaze back at him. Tinanggal niya ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay at malamig akong tiningnan bago isandal ang likod sa swivel chair. "I told you earlier...never ask something about me." he recalled, with a hints of warning in his voice. I breathe cooly. "Sorry! Napaka-serious mo naman, goodness. Tara, letʼs aral na." yaya ko na lang muli. He asked me again about the definition of business and I answered it naman, correctly. At aaminin kong medyo na-iintindihan ko ang mga pinag-aaralan namin. Hanggang sa ang itanong naman niya ay sa mga kinds ng business. To clear things out, ang coverage ng long quiz namin is about sa mga itinuturo niya nga sa akin ngayon. Sa susunod na week ay exam about sa Accounting kaya makakapag-aral pa kami sa mga susunod na gabi. At dahil bawal bumagsak doon, binibigyan kami ng pagkakataon upang mag-aral. "Business may be classified in several ways. But I am just got to ask you...what are the three main divisions as to the nature of the principal activity?" I yawned. "Commerce. Industry and Services, right?" hindi siguradong sagot ko at muling humikab. Mga tatlong oras na kasi kami nag-aaral at mabuti na lamang ay 8 pa ang klase naming dalawa bukas. He nodded and closed the laptop. "Hindi mo alam na alam mo ang mga aralin, Alli. But trust me, you know something. Itʼs just that...hindi mo nga talaga gustong pag-aralan dahil ayaw mo. Tsk." aniya. Imbes na sagutin siya at tumango na lang ako nang mababaw bago nahiga nang ayos sa aking kama. "Sleep na ako. Salamat sa pagtuturo, Gon." sabi ko at ipinikit ang mga mata. I heard him cussed. "Damn, sleepy head. You make sure, you could pass tomorrow!" paalala niya. I pursed my lips. "Kapag na-mental block ako, pa-copy na lang ng answer mo." I said with sleepy voice. Naramdaman ko ang pagdampot niya ng mga ginamit namin sa pag-aaral. "Hindi papa-kopyahin." malamig na sagot niya. Kahit antok na antok na, pinilit kong magmulat ng mga mata para tingnan siya. "Seatmate naman tayo. Sagot mo, sagot ko din. Teamwork!" sabi ko. He smirked at me. "Ayoko," I pouted and just closed my eyes again. "Edi hayaan na akong bumagsak sa quiz bukas," walang kagatol-gatol kong sagot at ibinalot ang katawan sa comforter. "Okay lang dahil hindi naman ako katalinuhan at walang manghihinayang na makakuha nang mababang scores." Ramdam ko ang mga yabag ni Gon na papaalis. Mukhang palabas na siya ng kwarto ko. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko ay nagbitiw siya ng mga salita na naging dahilan upang mapangiti ako palihim. "High score isnʼt the measurement of intelligence. Attitude is. Goodnight, young lady."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD