Mike's POV
Napatigil kami sa pagtatawanan ng biglang napaiyak na lang si Claire at nahulog pa nito ang cellphone niya. “Sayang ang iPhone,” nasasayangang sabi ni Justin ngunit mahina kong hinampas ang braso niya at pinanlakihan siya ng mata.
“Nanantsing ka na naman.” sabi niya. Umiling ako at inginuso si Claire. “May tissue ka ba d'yan?” tanong ko sa kaniya.
“Sa supermarket ka magtanong, huwag sa akin.” pilosopo niyang sagot na binatukan ko. “Oy! Mahiya kayo. May umiiyak, nagbibiruan pa kayo.” suway ni Estella sa amin. Natahimik naman ako at iba ang tingin ni William sa akin kaya hindi na ako umimik pa. Itinikom ko na lang ang bibig ko at pakurap-kurap siyang tiningnan.
Lumapit si Jerome kay Claire at hinagod niya ang likod nito. "Claire, why are you crying?” saka umupo si Jerome sa tabi niya. Umiyak lang siya at hindi sinagot ang tanong ni Jerome.
Yumuko naman si Justin at tila may inaabot sa silong ng mesa. Nang yumuko rin ako upang silipin ay muli ko siyang binatukan. “Sinisilipan mo ba siya?” pabulong kong tanong sa kaniya.
“Gago, hindi ako pero 'yang mata mo,” sagot niya at inabot ang cellphone ni Claire at umayos sa pagkakaupo. Habang ako ay nanatili sa silong at may tinitignan ngunit kinalabit ako ni Justin. “Huwag kang manilip, wala kang masisilip d'yan. Nakapantalon, eh.” sabi ni Justin.
Umayos ako ng upo at masama siyang tiningnan. “Ssshh. Stop quiet.” suway ni Melissa. Mahina kaming tumawa.
“Silence please.” dugtong ni Kitian.
“Ano 'yang nakalkal mo sa cellphone niya? Yayamanin naka-Iphone pero hinulog lang.” sabi ni Jerome. We're trying to change the mood dahil napaka seryoso. Pilit kaming nagpapatawa pero may mangilan-ngilan ding natatawa sa amin ngunit bumabalik kami sa pagka seryoso. Nahahawa kasi kami kay Kitian, hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon. Ice King talaga ang hayp na 'to.
“From: Dominic,” panimula ni Justin nang basahin niya ito. Palihim namang napakuyom ang kamao ko. Sabi ko na nga ba eh, kakasabi ko lang.
“Babe, sorry kung masasaktan ka sa sasabihin ko. Mahal kita pero parang na-realize ko na mas mahal ko pa ang ex-girlfriend ko kaysa sa'yo. Bumalik ang nararamdaman ko sa kaniya, simula 'nung magkita kami ulit last month. Aaminin kong, kaya kita niligawan dahil gusto ko lang siyang makalimutan na kahit pansamantala ay makaramdam din ako ng saya. Pero oo, sumaya ako pero sa tuwing nakakasama kita at 'yung mga ginagawa mo sa akin ay gano'n din mismo ang ginagawa sa akin ng ex-girlfriend ko na mas lalong nagpapa-alala sa akin. Kaya sorry kung ginawa man kitang panakip butas.”
“Gago 'yan!” pagmumura ko nang marinig kong lahat ang mensahe niya kay Claire. Mas lalo namang umiyak si Claire nang marinig niyang muli ito. Gusto ko siyang aluhin, patahanin kaso natatakot akong baka magalit pa siya sa akin.
Lumapit din si Estella sa kaniya at niyakap ito at pinatahan, gaya ng ginawa ni Estella ay gano'n din ang ginawa nila Melissa at Jerome. Siniko ako ni Kitian. “Ikaw, hindi ka ba yayakap?” tanong niya.
“Hindi. Gusto ko ako lang 'yong yayakap hindi 'yong sisiksik pa ako.” sabi ko. “Aba! Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo, papaalisin ko sila.” sabi ni William.
“Kumain na lang tayo habang pinapanood silang ganyan mabuti pa.” sabi ko at kumagat sa sandwich. “Ikaw na lang, tira-tira na.” pag-ayaw ni Justin.
“Sayawan ka na lang namin mabuti pa,” suhestyon pa niya.
"Niloko lang niya ako. Ang sakit." sabi ni Claire sabay punas niya sa mga luha niya. Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo at inilagay ito sa kaniya. Ayaw pa niyang tanggapin ng kunin agad ito ni Jerome sa kamay ko at ipunas sa luha ni Claire.
"What? Is that true? Who's that girl?" gulat na tanong ni William na para bang ngayon lang niya narinig ang lahat.
"Binasa na nga 'di ba 'yung text, 'di mo pa narinig. May pruweba na nga hindi mo pa gets? Ganiyan ka ba talaga since wala na kayong communication ni Jem?" pambabara ni Kitian sa kaniya. Napakamot na lamang sa ulo si William at ngumusong humingi ng paumanhin. "Sorry naman."
"Pupuntahan ko siya. Langyang 'yon. Niloko lang ako, nagpaloko naman ako. Karma ko na yata 'to bilang isang playgirl." sabay tayo niya. Ibang klase ang babaeng 'to, may gana pa siyang sugurin ang dalawang 'yon. Warfreak talaga ang Claire na 'to.
Tumayo rin ako. "Huwag mo ng puntahan, mas lalo ka lang masasaktan sa makikita mo." pigil ko sa kaniyang balak. Isang naiinis na tingin ang isinagot niya sa akin tapos tatlong beses na pag-irap.
"Eh, gusto kong alamin ang dahilan niya. Wala ka ng pakialam don, Mike.” inis niyang singhal sa akin at lumabas. Sinundan ko naman siya agad at bago pa siya makalayo ng tuluyan may pahabol akong sinabi sa kaniya dahilan upang mapatigil ito sandali sa paglalakad.
"Hindi pa ba sapat ang tinext niya at kailangan mo pang tanungin ang ibang dahilan? Nasaktan ka na nga, mas lalo mo pang sasaktan ang puso mo sa gagawin mo." sabi ko sa kaniya. Humarap siyang mamula-mula ang ilong niya.
"That's impossible! Imposible na nagkabalikan sila ng ex niya eh, laging negative sides ang sinasabi niya sa akin tungkol sa kaniya. Sinabi pa niya ngang hindi na niya mahal ang ex niya sa'kin, tapos sila agad?" sunod-sunod niyang sabi na may halong inis ang tono niya.
"Edi pumunta ka na. 'Yan naman ang gusto mo at ayaw mong magpapigil. Bahala ka dahil buhay mo naman 'yan at ikaw ang nasaktan at concerned lang kami." sabi ko sa kaniya at hindi na tinignan pa ang reaksiyon niya.
Bumalik na lang ako sa loob at umupo na lang ako sa tabi ni Jerome. Ayoko lang namang masakatn siya lalo. Iniiwas na nga siya sa ikakasakit ng kalooban niya siya pa ang matigas ang ulo. She's a masochist, pero alam kong hindi 'yon masasaktan ng sobra. Siya pa, mukhang pusong bato ang isang 'yon. Nararamdaman ko nga hindi pa niya nahahalata.
For me as a playboy, I never feel a heartbreak. All relationships that I have was not serious. All of those is a fun for me. Puso ko bato, hindi nasasaktan. “Ba't andito ka?” tanong ni William.
“Kakain pa ako.” sagot ko na lang.
“Sundan mo siya dahil 'yon ang gusto mo, huwag mong pigilan ang sarili mo.” sabi ni William. “Kapag susundan ko ba siya mapipigilan ko siya sa gusto niya? Hindi. Kilala mo naman ang pinsan mo, gusto niya, gusto niya. Hindi nagpapapigil.”
“Pero mahal mo?” tanong ni Kitian. Natahimik ako at napatingin sa kanila.
“Matagal na.” sagot ko.
“Naman pala.” sagot ni Justin.
“Complicated ang sitwasyon mga bro., wala akong pag-asa sa kaniya,” sabi ko. “Tama nga yata ang sinabi mo sa akin William, hindi ako mapapansin ng pinsan mo kahit napaka guwapo ko.” nanghihinayang ko pang sabi.
Nagsiubuan ang tatlo sa tabi ko. Mabuti na lang at wala 'yong tatlo pa rito. “May mali ba akong nasabi?” taka kong tanong sa kanila.
“Maganda na 'yong linya mo eh, nilipad pero ng kayabangan mo.” pailing-iling na sabi ni Kitian.
“Bahala nga kayo diyan. Ang tino niyo talaga kausap!” inis kong sabi sa kanila at mas minabuti ko na lang umalis sa cafeteria.
••••••••••••••••
Claire's POV
Mahal naming ang isa't isa tapos… what a life! He's a damn liar. I take this relationship into serious but what he did? He just played and I became the loser. I trust him, I stop flinging with boys because of him. Pero anong nangyari? Niloko lang pala niya ako.
Sinipa ko 'yong basurahan dahil sa inis at sa galit na nararamdaman ko sa puso. Ako na nga 'yong manloloko, naloko pa ako.
Nang makarating ako sa classroom niya ay pinunasan ko na muna ang basang-basa kong pisngi. Nang masigurado kong okay na ako, may lakas na akong sumugod ay pasimple akong sumilip. Nakita ko silang nakaupo roon.
Tuloy tuloy lang akong pumasok kahit trespassing na ang ginagawa ko sa classroom nila. Mabuti na lang at wala pa silang professor, kahit outsider ako ay may isa pang outsider dito. Ang saya-saya pa nilang dalawa at hindi napansin ang pagpasok ko kahit sinusuway na ako ng mga kaklase niya.
Walang takot kong hinila ang buhok ng babae. Gulat namang napatayo si Dominic pero hindi man lang niya ako sinira at suwayin. "Hoy, babaeng mang-aagaw. Iniwan mo na nga siya at parang basura mo lang siyang iniwan. Tapos nang nalaman mong malinis at maayos na siya noong iniwan mo saka mo siya babalikan! Langya ka naman!" galit kong sabi sa kaniya habang hawak-hawak ko pa rin siya sa buhok. Hinigpitan ko lalo ang pagkakasabunot sa buhok niya habang napapasigaw siya sa sakit. Nakakagigil!
Hindi siya sumasagot kaya sa galit ko ay pinaghihila ko ang buhok niya. Matangkad ako sa kaniya kaya todo ako maksabunot nang may bigla na lang tumabig sa kamay ko. "Tama na!" blangkong ekspresiyon niyang suway pero pansin sa boses niya ang galit at inis.
Tumigil naman ako sa ginagawa ko at bumitaw sa buhok ng babae. "Tama na? Sa tingin mo ba sapat na ang ginawa mo sa'kin? Nakipagbalikan ka sa taong pinabayaan ka na! At sabi mo walang iwanan at ikaw pa nga 'yung takot na takot na iwanan kita. Pero anong nangyari? Mukhang nabaliktad ikaw ang nang-iwan at ako ang umasa na 'wag mo akong iwanan." may bahid din na galit na sabi ko mismo sa kaniya. Siya pa nga 'yong takot na takot na iwanan ko siya dahil alam niya ang gawain ko. Siya pa nga rin 'yung laging nagpapaalala sa akin na walang iwanan.
"Hindi ko na kasalanan kung bakit bumalik ang nararamdaman ko sa kaniya." mahinahon niyang sabi pero alam kong naiinis na siya sa'kin. Sa isa't kalahating taon namin? Sino sa amin ang hindi kilala sa isa't-isa? Malamang ay kilala namin pareho ang isa't isa.
"Eh, sino ang dapat sisihin? Ang ex mo? Tanga ka ba?!" anong klaseng sagot 'yong sinabi niya sa akin. Hindi niya kasalanan? Eh, sino ang may kasalanan? Puso? Eh, puso niya 'yon eh. Edi siya ang may kasalanan kung bumalik ulit ang feelings niya sa ex-girlfriend niya, hindi pala. Pareho nilang kasalanan at ako ang nagmukhang tanga.
"At ikaw naman. Bakit ka pa bumalik? Ang saya-saya na namin tapos babalik-balik ka pa!" baling ko sa ex-girlfriend niya na dinuro ko pa.
"Bakit ba?" tanong naman sa akin nang babae habang hawak-hawak ang ulo niya. Umusok naman ang ilong ko sa tono niya. Aba't tanga ba talaga 'to? O sadyang sinadya niya na bumalik para bawiin sa akin yung iniwan niya.
"Anong bakit? Sana naman nagtanong ka man lang sa mga kaibigan mo o sa kaibigan niya na kung may nobya na ba siya? Dahil alam mo naman na may past kayo. At ang malupet pa ay one month na pala kayong palihim na nagkikita. Kaya pala siya laging nagpapalusot dahil kayo na pala. At ako naman si tanga, hinayaan ko lang kahit 'yung isa naman na kaibigan ko ay parang demonyong makabulong sa akin na may iba na si Dominic, kaso hindi ako naniwala dahil mahal ko siya." paglalabas ko nang hinanakit sa dalawang bwiset na hinayupak na 'to. Langya! Nauto na naman ako sa pag-ibig. s**t, ang sakit. One and a half years? Ang haba pero nauwi din sa hiwalayan. Wala talagang forever.
"Sana naman ipinagpabukas niyo na lang na sabihin sa akin para masaya. Bukas lang naman kasi ang monthsarry namin. Sana sinakto niyo na lang para sobrang sakit. Magpakasaya kayo, pero 'wag sobra ha? Kasi maghihiwalay din kayo. Wala kasing forever." umiiyak ko ng sabi sa kanila. At gaya ng inaasahan, nagmistulang teleserye na naman ang buong paligid. Pinapanood kami.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong pigilan ang emosyon ko kaya napaiyak na lang ako sa harap nila. Ang sakit kasi eh, 'yung sineryoso mo at minahal mo ng sobra tapos mauuwi din pala sa ganito. “Claire!” boses niya. Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil sunod-sunod ang bwiset sa buhay.
“Scandal! Scandal!” sigaw niya at naramdaman ko na lang ang presensiya niya sa tabi ko na humawak sa magkabilang balikat ko. Tinabig ko ang kamay niya at iniwas bahagya ang sarili ko ngunit ibinalik niya ito.
“Tapos na ang scandal! Tayo na.” aya niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mga pinagsasabi niya. Kung may lakas pa talaga ako, sinipa ko na 'to palabas.
Iginiya na niya ako palabas upang makaalis na. Nanghihina akong naglalakad kaya hinigpitan ni Mike ang pagkakahawak sa magkabilang balikat ko. Kahit gaano man ako kataray at ka playgirl, siyempre alam ko rin ang salitang masakit. Masakit maiwan sa ere.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin patalikod. Naiilang ako sa ginawa niya. Alam na nga niyang badtrip ako rito, aasarin na naman niya ako. Talaga bang wala na akong peaceful day?
“Masaya ka ng tama ka?” sabi ko. Hindi siya nakasagot. “Bakit ako matutuwa? Hindi mo mga alam kung gaano ako nasasaktan sa nangyari sa'yo.” I heard his concerned voice. Ang boses niyang nyayon ko lang narinig, ngayon ko lang nalaman na may ganiyan pala siyang side. Ramdam ko ang mga bisig niyang nakayakap sa akin.
“Talaga? Baka matapos mong magsabi ng ganiyan ay mang-aasar ka na naman.” sabi ko.
“Hindi. Gano'n na ba talaga ang pagkakakilala ni sa akin?” tanong niya habang nanatili kami sa gano'ng posisyon na patuloy naman ako sa paghikbi.
“Gano'n naman na talaga. Pa-fall, babaero, manloloko, bolero. Lahat yata nasayo na kaya lahat ng babaeng nakikita mo ay idinadaan mo sa mga matatamis na salita kaya sila nahuhulog sa'yo.” sabi ko na hindi siya nakaimik at segundong tumigil sa paghinga.
“Hindi mo pa ako kilala. Hindi 'yan ang totoong ako. The fact that oo ganiyan ako, pero try to know me more.” salita niya at kumalas sa yakap.
“Wala na akong balak kilalanin pa ang totoong ikaw dahil mas pinapairal mo ang ugaling pinapakita mo ngayon. At iyon ang totoong ikaw.” sabi ko at humakbang paalis. “And can you please give me some space? I want to be alone right now.” pakiusap ko at umalis.
Hindi pa ako nakakalayo mula sa kaniya ng marinig ko ang mga yabag ng paa niyang nakasunod sa akin. Habang naglalakad ako na siyang sinasabayan niya ay hinawakan niya ang braso ko at iniharap niya ako sa kaniya.
“Claire,” banggit niya sa pangalan ko. “Kailangan mo ng mapaglalabasan ng sama ng loob. Nandito lang ako.”
Ngumiwi ako. “Kailangan ko ng seryosong makakausap hindi 'yong gaya mo na walang alam gawin kundi ang ibahin ang usapan.” pabalang kong sabi sa kaniya.
Umupo ako sa bench na nasa silong ng nakakalbong puno. Tumabi rin naman siya sa akin na tila wala na talagang balak na lubayan ako at iwang mag-isa.
“Argh! Pwede bang bigyan mo muna ako ng kaunting space? I want to cry out loud to ease the pain I feel right now. So could you, please?” nagmamakaawa ko ng pakiusap sa kaniya. Naiirita ako sa presensiya niya, naiinis akong nasa tabi ko siya. Hindi ko alam kung bakit.
Walang umiimik sa aming dalawa. Ilang beses na siyang sumipol para kahit papaano ay hindi maging tahimik kaso wala ako sa mood para magsalita.
“Playgirl ka pero ikaw pa pala ang naging rebound girlfriend. Di ba dapat alam mo kung sino ang mga taong manloloko sa hindi.” wika niyang pinapangaralan pa ako. Umirap lang ako at bumusangot lang sa kaniya.
“Hindi porket playgirl ako, manloloko, mapaglaro sa pag-ibig ay hindi na ako maloloko,” salita ko.
“Kahit nga ako ay naloko na.” salita rin niya. “Talaga? Hindi halata sa'yo.” seryosong sabi ko.
“Aish. Minsan ang sakit mo magsalita, ay hindi pala minsan. Palagi.” prangka nitong sabi na halatang naiinis na siya.
Natahimik ako at biglang tumulo ang luha ko. I never expect na ganito na pala ang nangyari. Bukas na 'yon eh, bukas na. Nasayang lang ang inihanda kong regalo sa kaniya. Sayang.
Napansin ni Mike ang pag-iyak ko kaya niyakap ako nito at isinandal ako sa dibdib niya. “Iiyak mo lang.”
"Alam mo ba 'yung feeling na nagmahal ka at tumigil ka sa pagiging playgirl mo nang dahil sa kaniya. 'Yung feeling na ang saya niyo, mga tawanan na kahit corny ay makatawa pa rin kayo ay wagas. Ang sweetness niyong pati langgam ay magsasawa na sa asukal, at ang kabitteran niyong dalawa pagdating sa mga couple na dumadaan. 'Yung saya namin sa isa't kalahating taon ay napalitan ng sobrang sakit.” iyak ko sa kaniya.
“Ang sakit. Sobrang sakit, Mike. Sineryoso ko tapos ang bagsak sakit.” pahikbi kong sabi. Hinagod hagod niya ang likod ko. Bumuntong hininga siya ng malalim.
"Haist, ganiyan naman kayong mga babae eh. Alam niyo na ngang masasaktan kayo sa malalaman niyo, pilit pa rin ninyong tinatanong ang dahilan. Para nga kayong pulis eh, may ebidensya na nga ayaw pa maniwala." humiwalay ako sa pagkakadantay sa dibdib niya at napapahid sa pisngi ko.
"Eh bakit ba? Mas maganda na 'yong malaman mo ang totoo kaysa manahimik ka na lang. Mas masasaktan ka kung hindi mo aalamin. Patuloy ka lang sa pagtatanong at baka hindi mo pa siya makalimutan." sagot ko naman sa kaniya habang pinupunasan ko ang uhog ko.
Napakamot siya sa kaniyang ulo at pangiti-ngiting tumingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniyang ikinikilos at tinaasan pa siya ng kilay. “Pwede bang maging tayo na lang?” walang pag-aalinlangan niyang sabi na hindi pa nautal.
“Wow! Idol 'yang mga moves mo ah, walang patumpik-tumpik.” pabalang kong sabi sa kaniya. “Hindi ka ba na-inform na kahit katabi na kita na kaka-break lang namin?” sabi ko pa at napairap sa kaniya. Tanga ba 'to?
“Alam ko naman iyon, kaso…” nahihiya pa niyang sabi kahit kanina ay wala na siyang hiya. “Ano?!” galit kong singhal na ikinagulat niya.
“Matagal na kasi kitang gusto hanggang sa naging mahal na kita.” pag-amin niya. Napaawang ang bibig ko sabay tawa. “Nahihibang ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Wala na yata 'to sa sarili kaya biglang napasalita ng ganito.
Minsan talaga may mapapaamin ng wala sa oras. Iyong bang wala sa magandang sitwasyon. Masaya ako sa narinig ko sa kaniya ngunit masakit. Masakit pa rin ang nangyari.
“Wrong timing but it's mutual.” sagot ko.
Nangunot ang noo niya at napapangisi. “Anong ibig mong sabihin sa mutual?” nakangisi niyang tanong at makikita mo sa mga mata niya ang tuwa.
“Mutual friend tayo,” sagot ko at bahagyang napatagilid saka pasimpleng tumawa. Siguro mas maganda na itong pang-aasar na gagawin ko kaysa ang magmukmok at mag-iiyak muli.
“Linawin mo. Hindi ko naintindihan ang punto mo.” sabi niya at nangungulit na naman.
“Aba! Bahala ka na lang intindihin.” asik ko sabay tayo.
“Ano ba kasi? Magpinsan talaga kayo ni William, minsan magulo kausap at slow. Mabuti na lang hindi ka slow," pabulong niyang sabi kahit naririnig ko naman.
“Kapag bubulong ka, hinaan mo. Dinig na dinig ko kasi.” parinig kong nakahalukipkip na nakatayo sa tabi niya. “Aish. Sabi ko, can you be my baby?” sabay tayo nito at hinawakan ang palad ko.
“Baby? Ano ako sanggol? Sa tingin mo, ilang taon na ba ako para maging baby pa?” pabalang kong tanong sa kaniya na may halong pang pagtaas ng kilay ko.
“Pinapahiya mo naman ako,” nakanguso nitong sabi.
“Ang landi mo.” diretsa kong sabi sa kaniya na may patapik-tapik pa akong nalalaman sa balikat niya.
“Malandi tayong dalawa.” pagtatama niya. Hinampas ko siya sa braso. “Walang malandi, sadyang ang puso lang natin ang nagtutulak sa atin.” katuwiran ko.
“Magkakaroon kaya ng kuryente sa ating dalawa?” tanong niya. Nagkibit balikat ako.
“Wala namang poste para magkaroon ng kuryente sa pagitan nating dalawa.” pilosopo kong sagot.
“Ang pilosopo mo kausap, psh.” pikon nitong sabi at binitawan ang kamay ko.
May mabubuo kayang spark sa'min? Mukhang meron na wala. Malabo yata, ewan.