Kitian's POV Noong umalis siya, umalis na rin ako. Tutal, nasabihan ko naman ang assistant chef ko na siya ang bahala. Napadaan lang naman ako dito dahil iyon ang sadya ko pero hindi ko napansing nandoon pala siya. Nagsasalita pa ang assistant chef ko pero hindi ko na lang pinansin, puros katsismisan lang naman niya ng sasabihin niya. "Chef, saan ka ba pupunta? Siguro pupuntahan mo 'yong babae kanina 'no?" usisa niya. "Tss. How many times do I need to tell you that mind your own business. Ano na bang pakialam mo kung saan ako pupunta?" malamig kong saad para matigil na siya. "Ito naman si chef nagtatanong lang ako para alam ko ang sasabihin ko kapag sakaling nagpunta dito ang lolo mo." sagot nito. "Sa hospital ako pupunta. Sasama ka?" prangka kong tanong at hindi ko na hinintay ang s

