NAGISING si Kookie na masakit ang ulo. Nang bumangon siya at tumingin sa paligid, kumunot ang noo niya dahil hindi pamilyar ang kuwartong kinaroroonan niya. The room was pastel colored, but the scent was familiar to her. Ang huli niyang natatandaan, nag-iinuman sila ni Oreo. Pagkatapos, nakaramdam siya ng antok at humilig sa balikat ng binata. Naramdaman pa niya nang binuhat siya nito at isinakay sa kotse. Tiwala naman siya dito kaya hinayaan na lang niya dahil antok na antok at lasing na lasing na siya kagabi para bumalik pa sa hotel na pansamantala niyang tinutuluyan. Hindi pa kasi naayos ang paglipat niya ng apartment sa ibabang floor lang ng apartment nila dati ni Branon. Gusto pa sana ni Branon na doon muna siya hangga't hindi pa nakakalipat, pero dumating na si Robin at nakakahiya n

