Chapter 9

2963 Words

MASUYONG hinahaplos ni Oreo ang magaling nang pisngi ni Kookie habang pinapanood itong mahimbing na natutulog. Nalinis at ginamot na niya ang mga sugat nito kagabi, pero namamaga pa rin ang isang pisngi nito at nangingitim na ang pasa sa gilid ng mga labi. Nagtagis ang mga bagang niya. Kapag nalaman niya kung sino ang nanakit sa baby niya, hindi niya alam kung ano ang magagawa sa taong iyon. Kahit pa siguro babae ito. Bahagyang kumunot ang noo ni Kookie saka unti-unting nagmulat ng mga mata. Ilang minuto nitong tinitigan si Oreo bago dumaan ang rekognisyon sa mga mata. "Oreo..." "You were too drunk last night. Kung hindi mo naalala, nagwala ka raw sa bar at napaaway kaya dinampot ka ng mga pulis. Ako ang pinatawagan mo sa kanila kaya sinundo kita at inuwi dito sa bahay ko." Bumuntong-h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD