Chapter 4

3276 Words
NAPANGITI si Oreo nang makita si Branon sa swimming pool area sa ikasampung palapag ng condominium building na tinitirhan nito. Naroon siya bilang guest ni Tazmania kaya malaya niyang magagamit ang pool. Sa tulong ni Tazmania, nalaman niya na tuwing alas-nuwebe ng gabi ay nagbababad sa pool si Branon kung saan madalas itong mag-isa. Natawa siya sa isipan nang maalala kung paano nalaman ng movie producer ang tungkol sa bagay na iyon. "Branon is always inviting me to take a dip with him every night at exactly nine PM. Sa tingin mo, hindi pa 'ko makakahalata n'on?" Kaya si Oreo na ang "tumanggap" ng imbitasyon ni Branon nang hindi nito nalalaman. After all, they needed to talk man-to-man. "Hey," bati ni Oreo kay Branon na naghahanda sa pagtalon sa pool. Nang lingunin si Oreo ni Branon, sinabay niya ang paghuhubad ng robang suot. Kaya ngayon ay swimming trunks na lang ang suot na sinigurado niyang maganda ang pagkakahapit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Hindi siya nagsusuot ng ganoon kapag lumalangoy dahil nang huling beses na mag-swimming trunks siya, muntik nang may pumikot sa kanya. Pero ginawa niya iyon nang gabing iyon dahil gusto niyang akitin si Branon. At paaminin sa tunay nitong seksuwalidad. Hindi naman nabigo si Oreo dahil huling-huli niya nang napalunok si Branon habang pasimple siyang hinahagod ng tingin mula sa matitipuno niyang dibdib, pababa sa pipis na tiyan, hanggang sa magandang pagkakabakat ng p*********i niya. Yes, s**t, call Oreo a narcissist but he was very aware that aside from having good-looks, he was also blessed with a gorgeous body enough to make every woman—and gay—go gaga over him. Confirmed. Branon was definitely gay. Sorry, bro. I have to do this. Hindi naman gusto ni Oreo na akitin si Branon, pero ginagawa niya iyon dahil kahit lalaki siya, naniniwala rin naman siyang lahat ay patas sa pag-ibig at giyera. Pero may paraan pa rin para maging makatao kapag may ipinaglalaban, at iyon ang ginagawa niya ngayon. "Oreo," gulat na bati ni Branon. "Fancy meeting you here." "Yep. Taz invited me here. Pero mukhang hindi siya makakapunta dahil sa biglaang meeting niya, kaya ako na lang ang pinapunta niya rito." Inilibot ni Oreo ang paningin sa malaking pool at asul na asul na tubig niyon. "Nice pool." "Uh, yeah. Nice pool." Pinigilan niya ang mapangiti dahil sa gilid ng mga mata, napansin niyang napapalunok si Branon habang nakatitig sa kanyang katawan. Kung ganito ang reaksiyon ni Branon sa kanya, imposibleng magkaroon ito ng interes kay Kookie. But what if Branon swings both ways? Mabilis din niyang inalis iyon sa isipan. Sa nakikita niya ngayon kay Branon, halatang mas interesado ito sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Nakahinga siya nang maluwag dahil ngayon, nararamdaman niyang walang namamagitan dito at kay Kookie. Kailangan na lang niyang alamin kung bakit may "s*x video" ang dalawa. Pinulot ni Oreo ang roba niya sa sahig, kinuha mula sa bulsa niyon ang lollipop, binalitan at isinubo, bago niya hinarap si Branon na tila nahihirapan sa sitwasyon nito nang mga sandaling iyon. Dumeretso na siya sa pakay sa lalaki para matapos na. "Branon, may gusto sana 'kong malaman. I hope you'll be honest with me." Napatitig si Branon sa dila ni Oreo nang dilaan niya ang bilog na candy. Muli, napalunok ito bago pinuwersa ang sarili na mag-angat ng tingin sa kanya. "What do you want to know?" "I want to know the real score between you and Kookie," deretsahang sagot ni Oreo. When he sucked his lollipop, Branon suddenly turned his back on him. Hinablot ni Branon ang roba nito na nakasampay sa lounging chair, saka iyon isinuot na parang may itinatago mula sa kanya. Ah. He's probably aroused. "She's my woman," sagot ni Branon sa tila nahihirapang boses. Dinurog ni Oreo ang candy sa loob ng bibig. Bihira lang siya magseryoso. At ngayon ang isa sa mga pagkakataong iyon. Sa pag-uusap na iyon nakasalalay ang kinabukasan niya. "Branon, you can be honest with me. I promise there will no judging here." Pumihit paharap kay Oreo si Branon. Bakas sa mukha nito ang labis na pagtataka. Na napalitan ng paghihinanakit. "Ginagawa mo 'to para malaman kung ano ang sexuality ko?" "Branon, calm do—" "Yes, I'm gay!" frustrated na pag-amin ni Branon. Pagkatapos ay inihilamos nito ang mga kamay sa namumulang mukha. "Nandito ka ba para insultuhin ako?" "No, of course not," mabilis na tanggi ni Oreo sa kalmadong boses. "There's nothing wrong with being gay, and I'm cool with it. Kaya bakit kita iinsultuhin?" Mukhang kumalma si Branon, pero binibigyan pa rin siya ng nagdududang tingin. "Then why are you doing this to me?" "Gaya ng sinabi ko kanina, gusto kong malaman kung ano'ng namamagitan sa inyo ni Kookie. Hindi ako naniniwalang kayo talaga." Napaderetso ng tayo si Branon at pinagmasdan si Oreo. Pagkatapos ay ngumisi ito nang mapait. "You like Kookie, don't you?" "A lot," matapat na sagot niya. Kung si Branon ay umamin na sa tunay na seksuwalidad nito, dapat ay umamin din siya sa kanyang damdamin. Even if there was a chance that Branon swings both ways, and that it was also possible that he and Kookie were really in a relationship. Mas mabuti na iyong sa kanya manggaling, kaysa sa ibang tao. Binigyan si Oreo ni Branon ng nagsisimpatyang tingin, bago ito ngumiti nang malungkot. "Tigilan mo na 'yan, Oreo. You don't stand a chance with Kookie." Sa sobrang pagkagulat ni Oreo sa narinig ay hindi kaagad siya nakakilos at nakapagsalita. Nang makabawi siya, naglalakad na palayo si Branon, at kahit tinawag niya, walang lingon-likod pa rin itong lumabas ng swimming pool area. What does he mean by that? *** NAPANGITI si Oreo nang makita si Kookie na mag-isang umiinom ng wine sa pandalawahang mesa sa restaurant na iyon. Ang ganda nito sa suot na little black dress habang iniikot-ikot ang alak sa loob ng baso. Nakapangalumbaba si Kookie at base sa pamumula ng mga pisngi at mapungay na mga mata, halatang lasing na ito. Ah, baby. Bakit ba parati kang lasing tuwing nagkikita tayo? Dinurog ni Oreo ang lollipop sa loob ng bibig bago naglakad palapit kay Kookie. Hinayaan lang niya na nakaipit sa pagitan ng mga labi ang puting stick niyon. Nang mag-angat ng tingin ang dalaga, ngumiti lang siya at inokupa ang silya sa harap nito. "Hello, baby." Kumunot ang noo ni Kookie at tinitigan siya nang matagal bago dumaan ang rekognisyon sa mga mata nito. Pagkatapos ay bumungisngis ang dalaga. "Oreo, the lollipop boy." Ipinatong niya ang mga braso sa mesa at dumukwang para bulungan si Kookie. "Do you know how hot you are when you're drunk, baby?" "I know, baby," natatawang sagot ni Kookie. "Where's Branon? Kami dapat ang magkikita ngayong gabi. Don't tell me, ikaw ang pinapunta niya para maka-date ko?" "You can say that. He can't make it tonight." Bumakas ang pagtataka at pag-aalala sa mukha ni Kookie. "Why? What happened to Branon?" "Don't worry, he's fine. Kailangan lang nilang mag-usap ni Taz. Seryosong usapan." "Tazmanian Devlin Fortunate?" "Yep." Noong una ay bumakas ang pagtataka sa mukha ni Kookie, hanggang mapalitan iyon ng realisasyon. Pagkatapos ay napasinghap ito. "Oh, my God. Don't tell me...?" Tumango si Oreo. "Yes. Nagtapat na si Branon kay Taz." Nakagat ni Kookie ang ibabang labi habang tila nag-iisip nang malalim. Habang si Oreo naman, napatitig sa mga labi ng dalaga at nahiling bigla na sana, siya ang kumakagat sa mga iyon. Her lips looked soft, sweet and kissable. Ah. What I would give to taste those lips... "Sana hindi maging rude si Taz kay Branon," nag-aalalang sabi ni Kookie. Pinuwersa ni Oreo ang sarili na iangat ang tingin sa mukha ni Kookie bago pa tuluyang magising ang junior niya dahil sa pagpapantasyang mahalikan ang dalaga. "Hindi gano'ng klase ng lalaki si Taz. Kung gano'n siya, hindi na 'ko makikipagkaibigan sa kanya." "You're not... you're not judging Branon because of his s****l preference?" "Who am I to judge? I have a fair share of gay friends, dahil karamihan sa mga artistang bida sa mga indie films na nagawa ko ay mga bading. They're cool, and really hardworking. No'ng nakatrabaho ko sila, ang masasabi ko lang ay ang gagaling nila at talagang ang sisipag pa. Isa pa, karamihan sa mga baklang kaibigan ko ay mas lalaki at mas responsable pa sa mga 'straight' na lalaki diyan. So, going back to your question, no. I won't judge Branon, or anyone for that matter, based on his s****l preference. He's free to become whomever he wants. No judging." Napangiti si Kookie na parang humanga sa mga sinabi ni Oreo. "Bihira lang yata ang mga straight na tulad mo ang hindi nahihiyang ipagtanggol ang mga karapatan ng mga baklang gaya ni Branon. That's so nice of you." Tinawanan lang niya iyon. "With all due respect, baby, I'm not being nice. I'm just being a decent human being." Tumaas ang isang kilay nito at mayamaya ay natawa nang mahina habang umiiling. "The world needs more decent human being like you." Nangalumbaba lang si Oreo habang nakatitig kay Kookie. Hindi niya mapigilang mapangiti, lalo na ngayong alam na puwedeng-puwede na niyang pormahan ang dalaga. Niyakap ni Kookie ang sarili at umarteng natatakot. "Hinuhubaran mo na 'ko sa isip mo, 'no?" Tinawanan lang niya iyon, pero hindi itinanggi dahil totoo naman. He always imagined her naked under him, moaning his name, and making love to him again and again. "It's hard not to, baby." "Pervert." Pero mukha namang hindi talaga nababastusan si Kookie sa kanya dahil nakangiti lang ito habang umiiling. Muli, tinawanan lang iyon ni Oreo. "Bakit pumayag ka sa plano ni Branon, Kookie? Ayaw mo bang magpakatotoo siya sa sarili niya?" Naging seryoso si Kookie, pero mukhang hindi naman nagalit sa mga tanong niya. "Branon is my best friend. Wala akong ibang gusto para sa kanya kundi ang mag-out na dahil naniniwala akong wala naman siyang dapat ikahiya sa sexuality niya. Ilang beses ko na 'yong sinabi. "But my best friend is in love. Ayaw niyang layuan siya ni Taz kapag nag-out siya. Halos magmakaawa na siya sa 'kin para lang tulungan ko siya. Hindi ko naman matitiis ang best friend ko. No'ng naglayas ako sa amin just right after college, siya ang tumulong sa 'kin. Dapat lang na ako naman ang tumulong sa kanya this time." "Kahit na ikaw naman ang nasira dahil sa pekeng s*x video na 'yon?" Natawa nang malakas si Kookie dahilan para mapatingin ang ibang customers sa kanila, pero hindi iyon pinansin ng dalaga. Oreo didn't mind. He instantly loved the sound of her laugh. "It was actually fun. Favorite movie namin ni Branon ang Easy A, kaya nang nagde-device kami ng plan para matigil ang pagkalat ng tsismis na bakla siya, naisip namin, bakit hindi namin gawin 'yong ginawa sa movie? Pumayag ang bidang babae na magpanggap na nakipag-s*x do'n sa schoolmate niyang bakla. "Branon and I didn't expect that a lot of people will believe the video. Natatawa na lang kami kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa reaksiyon ng mga tao. Lalo na ang daddy at kuya ko na galit na galit at pinapauwi na naman ako sa bahay. "To answer your question, yes. I will help a friend even at the expense of my own reputation. Because I'm the type of person who doesn't care at what other people think about me. I've given up a long time ago on pleasing everyone. Because no matter how nice you are, people will still have something to say and something to criticize about you. But it's not because you're a horrible person. It's simply because they hate you. You can do nothing about it, except let them hate you while you're happy being you." Lumuwang ang pagkakangiti ni Oreo. Tingnan mo nga naman, magka-wavelength pa sila ng babaeng gusto niya. Kinuha niya ang basong walang laman at sinalinan iyon ng wine. "I actually share the same sentiment with you. I also believe that the best way to get even with the people who hate you is to annoy them more by being happy doing the things they envy about you." Itinaas ni Kookie ang baso nito. "Let's cheers to that. Haters gonna hate." Inumpog ni Oreo ang baso sa baso ni Kookie. "It's fun to act like we're famous people sometimes." Ngumiti lang si Kookie habang umiiling. "People—mostly women—think I'm a slut. I act like one to annoy them." Tumingin ito sa kanya, seryoso na sa pagkakataong iyon. "Most men also think I'm a loose woman. Gano'n din ba ang tingin mo sa 'kin kaya kinukulit mo 'ko? You just want to get in my pants because you think I'm easy." Nagtagis ang mga bagang ni Oreo. Ni sa hinagap ay hindi iyon pumasok sa kanyang isip. Yes, he fantasized about making love to Kookie but not because he thought she was an easy woman. "I like you a lot, Kookie. That's why I'm asking you to date me." "You don't want s*x?" Napabuga ng hangin si Oreo. Napakatigas talaga ng ulo ng babaeng ito. "Fine. Kung ikagagaan ng loob mo, sige, aaminin ko na. I want to do that with you when the right time comes. Pero hindi iyon ang intensiyon ko kung bakit kita niyayang mag-date." "Then, what is it?" "I just want to be with you, Kookie." Natigilan ito, halatang nagulat sa sinabi ni Oreo. Ilang saglit na nakatitig lang sa kanya si Kookie. Hanggang mayamaya ay bumuntong-hininga ito. "I don't want to be with anyone right now." Sa halip na panghinaan ng loob si Oreo sa sinabi ni Kookie ay lalo lang siyang nabuhayan. Alam niyang ang babaeng mahirap makuha, pangmatagalan. At iyon ang gusto niya. Hindi siya susuko dahil lang sa unang pagtanggi. "I'll make you change your mind, baby," determinadong sabi niya. Ngumiti lang si Kookie. Akmang may sasabihin ito, pero natigilan nang tumunog ang cell phone nito. Napailing ito mayamaya. "Branon. He needs me." *** "OREO, this is too much..." "Nah, you'll need them, trust me." Ngumiti si Oreo nang bigyan siya ng nagdududang tingin ni Kookie, bago dumako ang mga mata nito sa hawak niyang magkakapatong na isang galon ng ice cream, at isang box ng tissue. Pagkatapos ay sa malaking teddy bear na yakap ni Kookie. Ang lahat ng iyon ay binili ni Oreo kanina bago ihatid ang dalaga sa condo unit na tinitirhan nito kasama si Branon. "Tazmania turned him down, didn't he?" malungkot na tanong ni Kookie. "Yes. Taz is straight," sang-ayon ni Oreo. "Pero sigurado akong maayos ang ginawang pagtanggi ni Taz kay Branon. He may be a heartless businessman, but he's a decent human being, trust me." "Alam mo 'yon, kaya siguro binili mo ang mga 'to para kay Branon." Tinawanan lang niya iyon. "I have a stepsister. Kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya, tinatawagan niya ang best friend niya. Mag-o-overnight sila sa iyakan, pagkukuwentuhan, at pagkain ng ice cream. Afterwards, my stepsister will feel better. Naisip ko lang na baka 'yon din ang kailangan ni Branon ngayon, kaya naisip ko rin na bilhan kayo ng mga ito." "Because you're a decent human being?" "Yes, that. At dahil ayokong malungkot ka rin para sa best friend mo." Napangiti si Kookie, nawala ang kalungkutan sa mukha. Pero mayamaya ay napabuntong-hininga ito. "You're making me want to date a decent human being." Lumuwang ang pagkakangiti ni Oreo. Ramdam niya, kaunti na lang ay mapapalambot na niya si Kookie. Pero pinili pa rin niyang bagalan ang pagporma dahil ayaw niyang madaliin ang dalaga. Sa ngayon, kontento na siyang malaman na pinag-iisipin nito ang alok niya. "Goodnight, Kookie. Hug Branon for me." Halatang nabigla si Kookie dahil sa pagpapaalam ni Oreo, pero nang makabawi ay tumango ito. "Sure. Goodnight. Call me when you get home." "Huh?" "09066640124." Did she just give him her number? Lumuwang ang pagkakangiti ni Oreo. "Copied. 09066640124." "Wow." "I have good memory, baby," nakangising sabi niya sabay kindat. Ngumiti lang uli si Kookie habang umiiling saka pumasok sa kuwarto. Si Oreo naman ay ngingiti-ngiti lang saka isinubo ang lollipop sa bibig. Pakiramdam niya, lutang siya. He had tried drugs when he was in college, but the high it gave him was nothing compared to the "high" he felt at the moment because of Kookie. "Happy Hearts Day!" masiglang bati ni Oreo sa lahat ng taong nakakasalubong niya. They would either give him a weird look, smile at him or ignore him. But he didn't care. He was too happy to care at what people thought about him. Gusto lang niyang ibahagi ang kasiyahan bago pa sumabog ang kanyang puso sa sobrang saya. So as soon as he got in his car, he called up his closest friends. "Stone," bati niya sa pagsagot ni Stone. "Nasabi ko na ba sa 'yong botong-boto ako sa 'yo para sa kapatid kong si Kisa?" "Ngayon lang. But thanks, bro." "Halos pitong taon na kayong nagde-date ni Kisa, pare. Mag-propose ka na kaya ng kasal sa kapatid ko at gumawa kayo ng maraming chikiting?" Narinig ni Oreo na nasamid si Stone. Duda niya ay namumula na ang mukha ng kaibigan. "Uhm... yeah. I might do that soon." Ngumisi lang siya at nagpaalam na. Hindi na siya nagtaka na may balak na palang mag-alok ng kasal si Stone sa kapatid dahil nakita niya kung gaano nito kamahal si Kisa noon pa mang nasa kolehiyo ang mga ito at hindi iyon nagbago sa lumipas na mga taon. Sunod na tinawagan niya si Snap na minura agad siya. "What the f**k do you need, Oreo?" Tinawanan lang niya iyon. May ideya na siya kung bakit mainit ang ulo ni Snap. "Nalaman na siguro ni Cloudie ang tungkol sa pambababae mo." "We're not together so it's not cheating!" defensive na sagot ni Snap. "She can't expect me to stay faithful to her when she's been ignoring me for the past seven years! I'm just trying to move on after she rejected me... again!" Napangiwi si Oreo. "'Yan eksakto ang dahilan kung bakit walang tiwala si Cloudie sa 'yo. Nanliligaw ka pa lang, ang bilis mo na agad matukso sa ibang babae." Natahimik bigla si Snap. "Bull's-eye," natatawang sabi ni Oreo. "f**k you, Apostol," naghihinanakit na sabi ni Snap, saka pinutol ang tawag. Natawa siya nang malakas. Ang pikon talaga ni Snap kahit kailan. Ang sunod naman niyang tinawagan ay si Garfield. "Bro! Nasabi ko na ba sa 'yo kung ga'no kita kamahal?" "Are you high?" "Higit pa sa high, pare. It's about Kookie..." "Naka-homerun ka na sa kanya?" Ngumisi lang si Oreo. "Nah. But she gave me her number." Napaungol sa protesta si Garfield. "You're definitely high. Sa tono mo, akala ko naman naka-score ka na. Ibinigay lang pala sa 'yo ang number niya." "It's an achievement, pare." "Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na. Natutulog na ang asawa ko at ayoko namang magising siya dahil lang sa walang-kuwentang usapan natin. Akala ko pa naman, importante ang tawag na 'to." "Hey, this is important," giit ni Oreo. "I'm finally one step closer to the woman of my dreams. Hindi ka ba masaya para sa 'kin?" "Tumawag ka na lang uli kapag magpapakasal na kayo ng babaeng pinapantasya mo. I'm hanging up." And Garfield did. Gusto rin sanang tawagan ni Oreo si Tazmania, pero naisip niyang baka hindi maganda ang mood nito. Si Tazmania kasi ang tipo ng tao na pilit mang magpakabato, eh, mabait na tao pa rin naman. Kaya malamang ay nalulungkot ito dahil nasaktan nito si Branon. Sumandal na lang siya at ngumisi na parang baliw. Pumikit siya at walang ibang imahen na nakita sa isipan kundi ang magandang mukha ni Kookie. "You'll be mine, baby. You'll be mine soon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD