LORENZO CLYDE Kakatapos ko lang magyosi at papasok na sana ako sa loob nang makarinig ako ng mga boses na parang nag-uusap sa may gilid. Na-curious ako kung sino ang mga iyon kaya napasilip ako. Nagulat pa ako nang makita at makilala ang mga iyon na sina Lorkan at Lovely. Napatigil ako saglit dahil do'n. Hindi na muna ako tumuloy at pasimple akong nagtago habang pinapanood sila. Hindi ko masyadong maintindihan ang usapan nilang dalawa pero kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha ni Lorkan ay mukhang may kakaiba silang pinag-uusapan. Nakikita ko kasi ang nakakalokong tingin at ngiti nito habang kausap ang babae. May pahawak-hawak pa ito ng sa kamay ni Lovely. Ito kasi ang nakaharap sa akin banda kaya kitang-kita ko iyon. At sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan iyon. Hindi ko na rin napig

