ORLENE "Ms. Simeon!" Dinig kong tawag sa akin ni Sir Lorenzo Clyde nang tuluyan akong matumba. Naramdaman kong mabilis niya akong dinaluhan para tulungan. Totoo namang nanlalambot ang mga tuhod ko kaya hindi ko na napigilan pa. Hindi ko lang lubos maisip na halos kamuntikan na akong matsugi nang wala sa oras. Kung tutuusin ay ayos lang naman ako. Hindi naman ako nasaktan. Hindi naman ako napuruhan. Wala namang akong sugat o galos na natamo. At higit sa lahat ay okay lang naman ako. Medyo kinabahan at natakot lang ako kaya nanginginig ako. Actually, ay hindi naman talaga ako nahimatay Nagpapanggap lang ako na nahihilo. Gusto ko lang bawian si Sir Lorenzo Clyde dahil sa ginawa nitong muntikang pagsaga sa akin. Hindi ko alam kung sinadya ba nito iyon o hindi. Pero sa totoo lang ay hindi

