Chapter 2

1149 Words
2: Blindness Pagkatapos bisitahin ni Than ang dalagang si Rinzen sa ospital na wala paring pagbabago, bumalik siyang muli sa opisina kong saan siya nagtatrabaho ng mahigit tatlong buwan, kaya nang makapasok siya agad sa kanyang pinahawak ang kasong ‘to, wala namang reklamo si Than sa trabaho niya lalo na’t interisado siya sa nangyari sa dalaga at kong bakit nabuhay pa ito, isa pa napapansin niya ang itim na aura sa paligid ng dalaga sa tuwing bibisita siya doon. Malamig din ang temperatura ng silid na hindi na papansin ng iba kong di siya lang o talagang mahilig lang siyang mag-obserba sa kanyang paligid. Hininto niya ang kotse niyang kulay pula sa parkingan ng opisina nila, nang makalabas siya doon ay agad naman siyang pumasok sa loob ng opisina, paminsan-minsan ay bumabati siya sa mga nakakasalubong niya at minsan ay tatahimik na lamang siya. Dumiretso siya sa opisina ng magkakaibigan na sila Alex, Dante at Jane, mga senior niya na siyang nag-utos sa kanya na asikasuhin ang kaso ni Rinzen. Kumatok siya at narinig niya ang sigaw mula sa loob na pwede na siyang pumasok kaya pumasok siya, nakita niya sa gitnang lamesa nakaupo sa harapan nito ang tatlong matatagal nang pulis kesa sa kanya. “Kumusta ang dalaga?” tanong ng seryosong binata sa kanyang pulis, si Alex. “Ayos naman siya, ‘yon nga lang tulog parin siya ng madatnan ko siya doon, hindi ko naman nakausap ang doktor niya dahil may ibang inasikaso at ang mga magulang niya,” paliwanag ni Than sa tatlo. Tumango-tango naman si Dante habang ngumunguya ng chocolate bar na hawak, “talagang matatagalan tayo sa kasong ‘to guys,” sabi nito sa mga kasama. “Wag naman sana, marami pa tayong gagawin kaya wag naman sana,” saad ni Alex habang may tinitignan sa folder na puti nang buklatin ito. “Oo, tama si Alex, tapos magbabakasyon na rin, ang dami nang kasong nahawakan natin dapat makapagpahinga man lang tayo ng maayos,” suwestyun ni Jane habang hinihilot-hilot ang sariling batok. Hindi na nagsalita pa si Than sa mga hinaing ng mga senior niya, bagkus nagpaalam na lang siya na may aasikasuhin pa siyang iba at ipapaalam naman sa kanila kong may bagong balita. Pagkatapos niyang mag-report tungkol doon agad na siyang lumabas at bumalik sa kanyang kotse. Matagal na niyang kilala ang tatlong senior lalo na si Alex, sikat na sikat ang tatlo sa opisina lalo na sa kasong hinawakan nito sa isang paaralan, isa na ‘yon sa mga successful na kasong nagawa nila ng tulong-tulong. Natigilan si Than sa pag-iisip nang mag-ring ang cellphone niya kaya agad niyang kinuha ito at tinapat sa tenga, “hello si Detective Than ‘to,” sabi niya sa kabilang linya. Narinig niya ang singhal at mahinang tawa sa kabilang linya ng isang lalaki, “Than wag kanang magpormal sa akin, alam naman natin kong ano ka, may trabaho ka pang kailangan gawin,” sabi ng pamilyar na boses sa kanya. Tama ang naturan ng kausap niya sa cellphone maliban sa pagiging detective may isa pa siyang pinakaimportanteng trabahong kailangan niyang gawin, “oo na, oo na Gab, saan ba yan?” Narinig na lamang ni Than ang lokasyon kong saan siya kailangan magpunta at agad niyang pinaandar ang kotse niya nang mahinto ang tawag sa kanya ng kaibigan. ----- Nagising si Rinzen sa isang silid na wala siyang makita kong di ang puti sa buong paligid niya, napakalawak na silid, hindi niya alam kong may hanggan pa ba ang dulo na ‘yon kong na saan siya ngayon, nakasuot siya ng hospital gown, nakatapak ang mga paa niyang walang sapin sa malamig na sahig, nagtataka siya sa mga oras na ‘yon kong na saan siya at paano siya napunta doon. “Rinzen,” nang lamig ang buong katawan niya at nanigas sa kinatatayuan niya nang may marinig siyang boses ng lalaki. “Rinzen,” tawag muli sa kanya, ang lakas ng kalabog ng dibdib niya, nilakas niya ang loob na libutin ang paligid kong may makikita ba siya, pero wala naman kong di siya lang, “Rinzen!” sa pagkakataon na ito ay isang sigaw ang kanyang narinig. “Si-sino ka!?” umalingawngaw ang boses niya sa buong paligid na animoy bumalik lang sa kanya ang kanyang tanong. “Rinzen,” tawag muli sa kanya pero sa pagkakataon na ito malapit lang sa kanya ang tumawag. Pagharap niya mula sa likuran nakita niya ang tatlong babae at dalawang lalaking pamilyar sa kanya pero hindi niya maalala kong anong mga pangalan nito, puro dugo ang mga suot nito at mas malala ang isang ulo ng babae ay tapyas na kita na ang buong utak, kaya hindi niya maiwasang matakot at magtaka kong bakit niya nakikita ang mga ito. Dahan-dahan itong lumalapit sa kanya habang hindi nawawala ang titig, dahil sa takot ay lumalayu din siya para hindi siya madikitan ng mga ito, nanginginig ang buo niyang katawan, maya-maya lang ay nagbago ang mga anyo nito, nawala na ang mga mata nito at napuno ng luhang dugo ang pisngi nito, lalo siyang nangilabot nang makita niyang may mga insektong sumasabay sa luhang ‘yon at nagsusuka ng mga dugo mula sa bibig, nakita na lamang niya ang sarili na sumisigaw ng buong lakas niya dahil sa nakikita. *** Napabalikwas ng bangon si Rinzen sa kanyang kama, dahil sa panaginip at ang wala siyang makita lalo pang nadagdagan ang kanyang takot sa mga oras na ‘yon, dahan-dahan niyang dinala ang kamay sa mukha hanggang sa madala niya sa mga mata na may takip na gasa, nagtataka siya kong bakit siya may ga’nun, bakit pakiramdam niya may nakatusok sa kanyang pulso at masakit ang ulo niya. Pilit niyang inaalis ang gasa sa mata pero niya alam kong paano, “tulong! Tulong! Bakit wala akong makita!? Tulungan ninyo ako! Ayoko sa dilim!” Sigaw niya dahil sa takot. Nagsipasukan ang mga bantay sa silid niya at pinatawag ang doktor niya, nang makapasok ang mga doktor sigaw parin ng sigaw ang dalaga, “na saan na sila mama at papa, si Kiefer?! Tulungan ninyo ako, may tao ba dyan!?” “Rinzen mga doktor kami,” kalmadong saad ng isang boses na narinig ni Rin dahil wala nga siyang makita, umiiyak na siya sa ilalim ng gasa dahil hindi siya sanay na walang makita. “Tulungan ninyo ako!” hindi mapakalma ni Rin ang sarili niya kahit na alam niyang may tao na sa paligid niya, takot na takot siya sa mga oras na ‘yon, kaya walang nagawa ang mga doktor na tinurukan siya ng pang kalma, unti-unti siyang nang hina hanggang sa mapahiga muli siya sa kanyang kama. Hindi parin mawala ang takot niya sa mga oras na ‘yon pero wala siyang lakas para sumigaw pang muli, hanggang sa tuluyan na naman siyang lamunin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD