Jacinto Lagdamana

1571 Words
Kanina pa nagmamasid si Spade at humahanap siya ng magandang tiyempo para lapitan ang driver ni Jacinto na naghihintay sa loob ng sasakyan. Inayos ni Spade ang kanyang basket na may laman na balut. At nang masiguro niya na hindi na siya makikilala sa ayos niya ay naglakad na siya. "Balut! Balut! Balut! Balut kayo dyan!" Malakas niyang sigaw habang naglalakad. "Kuya, balut?" alok niya sa driver na nakaupo sa loob ng sasakyan. Mabilis naman itong lumabas upang tingnan ang tinda ni Spade. "Sir, balut, bili na," alok niya. "Isa nga. Pahingi na rin ng asin, may suka ka ba? " tanong nito kay Spade. "Yes, sir. Dalawa na po para bente na lang," alok niya. Umiling-iling naman ito. "Isa lang at palabas na ang boss ko," sabi pa nito habang namimili ng balut sa basket. "Ang sarap nito, mainit-init pa," bulalas niya pa. "Nasaan ba ang boss mo, sir?" usisa ni Spade, habang nasa balut ang atensyon. Tumawa pa ito. "Confidential. At alam kong kiala mo ang mga Lagdamana, isa ang boss ko roon," pagmamalaki pa nito. Hindi naman umiik si Spade at nanatili siyang walang kibo. Matapos makapagbayad ng driver kay Spade ay muli itong pumasok sa loob ng sasakyan niya. "Salamat, sir." Tiningnan pa ni Spade ang suot niyang orasan. Saka naglakad palayo Makalipas ang ilang minuto ay nagmamadaling lumabas ang driver ng sasakyan habang hawak-hawak nito ang kanyang tiyan. At ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Spade. Mabilis ang naging kilos niya upang samantalahin ang pagkakataon. "Spade, palabas na si Jacinto," pagbibigay-alam pa ni Flip sa kanya. Kaya naman nagmamadali pang nagpalit ng polo si Spade at naglakad pabalik sa sasakyan ni Jacinto. Walang hirap niyang nabuksan ang pinto ng sasakyan nito. Nang makita niya ang cellphone ng driver ay mabilis niyang pinatay ito. Walang kamalay-malay si Jacinto na nahulog na siya sa patibong pagpasok niya ng sasakyan. "Peter, anong amoy 'ba yan? Ang baho!" reklamo nito at hindi niya alam na isa ito sa plano ni Spade. Nanatili na tahimik si Spade habang nagmamaneho kaya naman muling nagreklamo ito. Nagsuot si Spade ng N95 mask. At sa pagkakataon na ito ay may maliit na bote na hawak siya at ginamit niya ito sa pag-spray ng kemikal sa hangin. "Ang baho pa rin!" Sigaw pa muli ni Jacinto. Kaya naman muling nag-spray si Spade. At sa pagkakataon na ito ay naubo si Jacinto at nakaramdam ng panghihina, pagkahilo at antok. Humarap si Spade sa kanya. "A-anong nangyayari s-sa akin? S-Sino k-ka?" Hirap niyang tanong sa dalaga. Tumawa lang si Spade at nagpatuloy sa pagmamaneho ng sasakyan. "Mamaya ko ipapakilala sayo ang aking sarili," sambit pa ni Spade at muling tumawa nang malakas. "Gising na." Tawag pa ni Spade kay Jacinto habang sinasampal niya ito sa pisngi. Unti-unti naman itong nagmulat ng mga mata at ganun na lang ang kanyang gulat nang makita niya na nasa isang abandonadong lugar siya. Mababakas ang pagkabahala sa mukha niya ngunit nanatili siyang matapang. Minura niya si Spade. "Anong kailangan mo sa akin?! Sino kang putangina mo! Akala mo ba ay basta-basta mo na lang akong mapapatay? Pwes, nagkakamali ka! Ngayon pa lang ay hinahanap na nila ako! Hindi mo yata kilala ang mga Lagdamana!" Isang malakas na sampal ang binitawan ni Spade at saka siya humalakhak. "Kilalang-kilala ko kayo! Kayo ang mga demonyo dito sa lupa!" Nanlilisik ang mga mata ni Spade habang nakatingin kay Jacinto. "Walanghiya kang babae ka! Hindi kita kilala! Wala akong atraso sa'yo! Kung mahal mo ang buhay mo, pakawalan mo ako, ngayon na!" Mas lalo pang tumawa si Spade dahil sa sinabi nito. Hindi halos maipinta ang mukha ni Jacinto nang makita niya ang mga bomba na nakapalibot sa katawan niya. Halos mamutla siya sa takot at ilang beses pang napalunok. Nagmasid-masid pa sya sa paligid at mukhang dito na siya inalihan ng matinding takot at kaba. "Natatakot ka ba?" pang-uuyam pa ni Spade at hinila ng silya na nasa harap nito at saka siyan umupo paharap kay Jacinto. "S-sino ka? W-wala akong kasalanan sayo, p-pakawalan mo a-ako…" halos manginig ang boses nito at pinagpawisan na rin pati ang mukha. Halos hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya at nanatili lang siyang nakatingin kay Spade. "Jacinto Lagdamana, magpapakilala ako para sa'yo, baka kasi sa impyerno na tayo magkita, makinig kang mabuti!" "M-magbabayad ako kahit pa m-magkano—" "Wag kang maingay, Lagdamana! Magpapakilala muna ako sayo," saway pa ni Spade. "Isang gabi habang may isang pamilya na masayang kumakain, nagtatawanan at masaya. Nang bigla na lang may mga taong pumasok sa kanilang bahay. At sa takot ng nanay at tatay na may mangyari sa anak nila ay itinago nila ito sa isang silong. Takot na takot ang bata sa lahat ng mga nasaksihan niya. Nakita niya kung paano naligo sa sariling dugo ang kanyang mga magulang. Labis ang hinagpis ng bata dahil sa pagkawala ng kanyang mga magulang…." Nang tingnan ni Spade si Jacinto ay namumutla na ito at tila hindi maipaliwanag ang kanyang ekspresyon. Tila parang binuhusan ng malamig na tubig ang lalaki. Ni hindi nito magawang magsalita man lang kay Spade tila naumid ang dila nito sa naging kwento ni Spade. "A-anak ka ng mag-asawang Santiago? P-paanong buhay ka?" Namilog pa ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Spade. Bigla naman tumayo si Spade at pumalakpak. "Magaling! Hindi ka pala madaling makalimot." Patuloy sa pagpalakpak si Spade habang naglalakad paikot kay Jacinto. "Ako nga ang anak ng mag-asawang Santiago. Ako lang naman ang batang ninakawan niyo ng isang buong pamilya! Ako lang ang batang inalisan niyo ng karapatang maging buo! Ako ang batang lumaking ulila! Pero ngayon, yung mga anak mo naman ang nanakawan ko rin ng karapatan!" Muling humalakhak si Spade habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "S-sabihin mo lang kung magkano ang kailangan mo! M-magbabayad ako ngayon na!" Umiling-iling si Spade at binuhay ang isang malaking screen na nasa harap ni Jacinto ngayon. "Panoorin mo kung paano ko pasasabugin ang pasugalan mo, demonyo!" "Wagggggg! Ang pera koooooooo!" At pilit nitong kumakawala. Malakas na sigaw ni Jacinto ng mapanood niya ang ilang malakas na pagsabog na nagaganap loob ng pasugalan niya at maging sa kanyang opisina. Hanggang sa tuluyang nawala na ang pinapanood niya. "Hayoooooop ka! Kung hindi ka namin napatay noon, ngayon ka namin papatayin—" Natigil ito sa pagsasalita ng inangat ni Spade ang hawak niyang remote saka ngumisi. "Relax ka lang, Jacinto. Excited ka na ba sa reunion niyong tatlo sa impyerno?" pang-uuyam pa ng dalaga. "I-ikaw ang pumatay kina SPO4 De Guzman at Miranda?" Namilog pa ang mga mata ni Jacinto habang nakaawang ang bibig. "Nagulat ka ba?" Ngumisi pa si Spade. "Hayoooooop ka! Wala kang pinagkaiba sa amin! Ako mismo ang papatay siya!" Akma pa ito tatayo ngunit napatigil ito nang muling mapansin ang mga bomba na nakasuot sa buong katawan niya. Tumawa nang malakas si Spade. Ngayon mo ako pagbantaan, Jacinto! Kung ayaw kong mapadali ang buhay mo! Maglalaro pa tayo…." "Isa kang baliw! Baliw!" Sigaw niya pa kaya naman napatigil sa pagtawa si Spade at isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito. "Kung may baliw man sa atin ay kayo 'yon!" Hinawan niya pa ang panga nito at pinisil nang mariin. "Saka, wag kang mag-alala, kasi mauuna ka lang naman tapos…tapos isusunod ko ang iba mo pang kapatid!" At saka niya binitawan ang panga nito at tumawa. "Pero maglalaro muna tayo. At dito nakasalalay ang buhay mo, Jacinto Lagdamana." Pinidot pa ni Spade ang hawak niyang remote kung kaya naman umalingawngaw ang sigaw ni Jacinto sa loob ng silid. "Natakot ba kita? Oh, bakit tahimik ka?" pang-uuyam ni Spade habang may kakaibang ngiti sa kanyang labi. At hindi na nagawa pa na makapagsalita si Jacinto at nakatitig na lang siya sa mga bombang nakapalibot sa katawan niya. Sa pag-aakala na katapusan na niya. "No worries, hindi pa kita papatayin, bibigyan pa kita ng oras…" "K-kahit magkano, magbabayad ako! W-wag mo akong papatayin!" halos magmakaawa pa si Jacinto kay Spade. "Pera? N-negosyo? Sasakyan? Property? Bahay? Name it! I-ibibigay ko sayo! I'm begging you!" Mangiyak-ngiyak niyang sigaw. Umiling-iling naman si Spade. "Hindi ko kailangan nyan, Jacinto Lagdamana. Wag kang mag-alala, ikaw ang may hawak ng kapalaran mo." Tinuro pa ni Spade ang isang box na gawa sa salamin. At nasa loob nito ang isang cellphone. "At sa pamilya mo naman nakasalalay ang buhay mo, Jacinto, kung kaya ka ba nilang iligtas?" "S-salamat!" Sigaw niya pa. At nagmamadaling inalis pagkakagapos ng kanyang ang mga paa. At isang kamay. "Your timer starts now!" Tumawa pa si Spade at saka naglakad palayo. Halos hindi magkaintindihan si Jacinto sa kanyang gagawin dahil sa takot, nerbyos nang mapansin nito na bumibilis ang kanyang oras. Samantalang tumatawa naman si Spade habang humahakbang palabas ng lugar. Nang malayo ay kaagad siyang sumakay sa sasakyan ilang metro ang layo sa bahay kung saan iniwan niya si Jacinto. Habang naghihintay naman si Flip sa loob ng sasakyan. "Good job, Flip!" sambit ni Spade habang nakatingin sa dako ng bahay. Samantalang wala naman inaksaya na oras si Jacinto at nagmamadali ang bawat kilos niya. "Papatayin kita kapag nakaalis ako rito! Pagbabayaran mo ang pagpapasabog sa pasugalan ko!" Sigaw niya pa. Saka mabilis na binuksan ang box at isang malakas na pagsabog ang dumagundong sa buong paligid. Lingid sa kaalaman ni Jacinto na isang patibong ito sa kanya. "Boom! Rest in peace, Jacinto Lagdamana!" Sigaw ni Spade. "Spade, simula na ng totoong laban…."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD