Chapter 46 CARMELLA… MALAKAS AKONG napasinghap ng makita ko ang pagsalpok ng yacht sa may vessel na paparating. Ang yacht kung saan nakasakay ang asawa ko at si Minard. “NO! Napoleon, Minard!” narinig kong sigaw ni Mama Margot sa tabi ko. Nasa gitna pa rin kami ng dagat, palutang-lutang habang naghihintay nang sasagip sa aming dalawa. Napoleon told me parating na ang mga kasama niya, and I saw them too riding in a speed boat. Pero hindi iyon ang mahalaga sa akin ngayon, kung hindi ang asawa ko. “Napoleon,” tawag ko sa kanya. Nagsisimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko, I can’t see anyone coming out from that yacht. Na ngayon ay papalubog na, habang nagkapira-piraso ito nang bumangga sa malaking barko na paparating. The vessel stop but it didn’t help a bit to lessen the impact, mab

