Two

1085 Words
Chapter: Two            NAPOLEON…   MASIGABONG palakpakan ang sumalubong sa kanya ng bumalik siya sa head office ng Olympus . Sinalubong siya ng mga kasamahan niya roon na may ngiti at masayang pagbati sa katatapos lang niyang mission.   “Ikaw talaga ang lucky charm ng Olympus ,” bungad sa kanya ni Henry ang kanang kamay ng Daddy niya.   Ngiti na lang ang naisagot niya dito, pasimpleng luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang Ama ngunit hindi niya ito nakita.   “Kung hinahanap mo ang Tatay mo, wala siya. Narinig ko kanina kausap niya si Luther, may pupuntahan yata silang dalawa.” Bulong sa kanya ni Henry.   Malalim na napabuntong hininga na lang siya bago nagtuloy sa opisina niya sa loob ng head office ng Olympus . Kukunin lang niya ang mga kailangan niyang mga gamit para sa bagong mission niya.   “Ewan ko ba naman kasi d’yan sa Tatay mo, kung bakit hindi niya nakikita ang effort mo sa trabaho.” Sabi ni Henry na hindi niya namalayan na sumunod pala sa kanya.   “Baka kasi kulang pa ang mga nagawa ko, malayo pa naman ako sa mga achievement ng Tatay ko,” sagot niya dito.   Hindi lang basta kanang kamay ng Ama niya si Henry, malapit na kaibigan din ito ng pamilya nila. Kaya alam nito ang personal na buhay nilang pamilya. Kasa-kasama na ito ng Tatay niya mula pa ng mga binata ang mga ito. Nakita ng bawat isa kung paano nagkapamilya ang bawat isa at magkasama rin ang mga ito na bumuo ng Olympus .   Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Henry, “achievement? Sa tagal ko ng kasama iyang Tatay mo, mas alam kong mas marami ka pang achievement kaysa sa kanya. Mataas lang ang pride niyang Tatay mo at mas nauungusan mo siya. Isama mo pa na hindi niya mayakag-yakag dito ang paborito niyang anak na si Luther.”   Hindi na lang siya sumagot at ipinagpatuloy ang ginagawang pagkuha ng mga kakailanganin niyang mga gamit sa susunod na mission niya.   “Sa Palawan ang susunod na mission ko tama ba?” pag-iiba niya ng usapan.   Pero mukhang walang balak na tumigil ang kausap sa nauna nilang topic.   “Hindi ka ba nagsasawa na suyuin ang Tatay mo? You’ve been a good son already, ang dami mo nang pwedeng ipagmalaki sa Tatay mo. You graduated Summa c*m laude, you’re the top on your board exam in civil engeneering. Now your the most highest paid engineer all over the Philippines , and now your the top agent here in Olympus . Kung ako ang Tatay mo, palagi kitang ipagmamalaki sa lahat at walang araw na nandoon ako sa mga achievements mo,” anito na may seryosong tono ng pananalita.   Huminga siya ng malalim, bago umayos ng tayo at harapin ito. May ngiti sa mga labi niya pero hindi naman aabot ang ngiting ito sa mga mata niya. Malungkot na ngiti kung tawagin ng iba.   “But you’re not him, para sa kanya si Luther lang ang anak niya. Matagal ko na iyong tanggap, ginagawa ko lang ang lahat ng ito para naman kahit na hindi na nga ako tanggap ng Tatay ko iisipin pa niya na wala akong kwenta.”   Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Henry at pinagpatuloy na ang ginagawa. Mabilis ang bawat kilos niya para matapos na siya agad sa ginagawa niya at nang makaalis na siya sa lugar na ito.   “Send me all the details of my new mission, Artemis.” Bilin niya kay Henry bago siya umalis.   He called Henry’s code name, para malaman ng kausap niya na ayaw na niyang pag-usapan pa nila ang tungkol sa pamilya niya.   “Copy, Zues.”   He always makes it sure that his always professional when he's dealing with all the member of Olympus. Hindi lang sa Olympus maging sa construction firm kung saan siya nagta-trabaho bilang engineer. Si Henry lang naman ang nakakausap niya na tungkol sa personal na bagay tungkol sa kanya tulad ng pamilya. Because to be honest he doesn’t have any closed friend from the beginning.   Hindi naman sa ayaw niya ng mga kaibigan, ayaw lang niya na may attachment siya sa ibang tao lalo pa at marami siyang mga bagay na inililihim tulad na lang ng isa pa niyang trabaho bilang Zues sa Olympus.   ………………………………….   He’s on site right now, madaming tao ang nasa pagilid lahat mga bakasyunista. And if people will see him iisipin din naman ng mga ito na bakasyuninsta lang din siya. Humalo siya sa kumpulan ng mga tao sa pagilid habang nagmamasid siya sa paligid.   His target, leader ng isang kilalang gang sa bansa na ang target ay ang mga mamahaling sasakyan. Ang ginagawa ng samahan na ito ay ang mag-carnap ng mga mamahaling sasakyan na on-sale. Magpapanggap na mga buyer ang mga ito, magpapakita ng maraming pera sa magiging biktima para hindi paghinalaan na mga kawatan. Kapag nakuha na ang tiwala ng biktima, sasabihin na ite-test drive ang sasakyan pero hindi na ibabalik ang mga sasakyan na makukuha.   Ngayon nagmamanman siya para mahuli  na ang pinaka-leader ng grupong ito, walang kahit na anong lead kung sino ba talaga ang leader ng limousine gang. Pero may nakalap silang lead na maaaring nasa Palawan ito ngayon at nagbabakasyon.   Alam niyang suntok sa buwan ang gagawin niyang trabaho ngayon pero hindi siya basta-bastang susuko.   Bukod sa nagpapanggap siyang isang bakasyunista, nandito rin siya ngayon para magpanggap na ibebenta ang sasakyan niya. Isang Jaguar C-X75 lang naman ang dala niyang sasakyan, he owns the car and one of his collection. Sa presyo nito alam niyang maaakit niya ang leader ng limousine gang. After all the car cost one million dolar, at isusugal niya ang sasakyan niyang ito mahuli lang niya ang target niya.   Hindi mahalaga sa kanya ang mga bagay na mayroon siya, ang rason niya kaya naman niyang kitain iyon. Ang mahalaga sa kanya ay ang ma-please ang Tatay niya, at iyon ang gagawin niya hanggang sa mapansin na siya nito. He is in the middle of the crowd when he saw someone, a breathtaking view. Parang nag-slow motion ang buong paligid niya. Hindi lang iyon parang nawala pa ang lahat ng tao sa paligid niya, whe he set his eyes to the most beautiful woman he ever saw.   At hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na ito para makilala ang babaeng ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD