Chapter 38 CARMELLA… ISANG MALAMYOS NA musika at malamig na simoy ng hangin ang gumising sa akin. Parang hindi ko pa alam kung papaano ako napunta sa lugar na ito. Na sa huli, naalala ko hindi ko naman talaga alam papaano ako napadpad sa lugar na ito. Ni hindi ko na naman alam kung nasaan ako, pero alam kong nasa bagong lugar na ako. Wala na ako sa bahay na walang kahit na anong bintana man lang, dito sariwa ang hangin. Hindi na hangin na galing sa air conditioning ang nalalanghap ngayon. Babangon na sana ako ng maramdaman kong nakatali ang mga kamay at paa ko sa kama. Naiba nga ang lugar kung nasaan ako, naging mas masahol naman sa preso ang kalagayan ko. “Hija,” anang isang malamyos na boses. Nang lingunin ko nakita ko ang isang babae, na sa tingin ko kasing edad lang ni Mommy. Ang

