Chapter 34 NAPOLEON… NAKATITIG AKO SA likod ng Lolo ni Carmella habang nakatalikod itong nakahiga sa papag. Ako naman nakahiga sa sahig sa mismong ibaba ng papag nito. Mula kanina nang sabihin ko ang mga nangyari, nanahimik siya at hindi na nagsalita pa. kahit na kumain kami ng hapunan wala siyang kahit na anong salitang binitawan hanggang sa magpasya na kaming matulog. Hindi ko siya magawang pilit na magsalita, may karapatan naman itong magluksa. Anak at apo nito ang nawala nang sabay at ang masakit matagal na pala niyang hindi nakakasama ang mga ito. Dahil nga sa ang alam ng pamilya nito ay nasa kabilang buhay na ang matanda. Huminga ako ng malalim bago ko ipatag ang likod ko sa kinahihigaan ko. Nakatitig ako sa kawalan habang iniisip ko ang lakagayan ng asawa ko ngayon. Dalawang ar

