MAYAMAYA ay dumadating na ang kaibigan nilang si Nickson. Nakakunot ang noo nito at halos kung tumingin ay pailalim. Maghahamon pa ata ng suntukan dahil sa salubong na mga kilay nito. Ibinagsak ni Nickson ang sarili paupo sa upuan na katabi si Omar. Tinitingnan lang siya ng dalawa niyang kaibigan. Saka napahilot sa sintido niya at nakita ang mapanuring tingin ng dalawa sa kanya. "What?!" bulyaw na tanong ni Nickson. Napasandal siya sa upuan. "Hey! Maghunus dili ka, Mr. Nickson Balderama. Para kang sasabak sa giyera sa mukha mo," sita ni Omar dito. Sinalinan ng alak ni Ely ang baso at ibinigay ito kay Nickson. "Inumin mo para kumalma ka. At para makapag-isip ka," ani Ely. Kinuha naman iyon ni Nickson at straight na ininom. Pagkatapos ay inilapag ang baso sa lamesa. "Bakit ba ako nagpu

