Pinaraanan ng tingin ni Luther ang kabuuan ng Villa Altieri. Hindi na siya malimit magtungo roon. Kung nagpupunta man siya ng Villa ay para lang bisitahin ang kabayo niyang si Wind Walker sa kuwadra. Hindi rin siya nagtatagal sa loob ng malaking bahay. Ngayong nagkita na sila ng tunay niyang ina ay tila mas naging mahapdi ang isiping inabandona at iniwan siya nito sa lugar na iyon. His mother didn’t want him. Ngayon ay tumuntong ulit siya sa sala mayor at naghihintay sa kanya ang matandang si Señor Giuseppe Altieri, ang kanyang ama at ama rin ni Nazaron. Kagalang-galang pa rin itong tignan kahit na matanda na ito. Tila ito isang hari na nasa trono at naghihintay sa pagdating niya. “Maupo ka,” iminosyon nito ang sofa. “Salamat.” “Nagkita kami ni Fabiola sa Altieri Cosmetics at nakapag-

