“The baby is healthy.” Napangiti si Ruthie nang marinig ang tinuran ng doktor. Iyon lang naman talaga ang hiling niya, ang maging malusog ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. “The baby’s heartbeat is also normal for the age of gestation.” Binigyan siya ng reseta ng doktor para sa mga bitamina at gatas sa buntis na dapat niyang bilhin. Wala ng mapagsidlan pa ang saya niya. Ito ang gusto nila ni Luther, ang makabuo sila ulit at heto’t ibinigay na nga. Tinanong din niya ang doktor kung isang heartbeat lang ba ang narinig nito, at kung may posibilidad ba na triplets ulit ang nasa tiyan niya, o kahit kambal kaya. The doctor explained that on some cases, two or more babies may not be officially detected especially during the earliest phase of pregnancy. Abot tainga ang matamis niyang ngi

