Kabanata 2

2051 Words
Sa kabila ng medyo nagdidilim na langit, nagpatuloy pa rin sa kanyang paglalakbay si Menerva patungong Tagkawayan. Ang battered ng Toyota na kotse niya ay naging tampulan noon ng amusement at iritasyon ni Maynard na palaging nagsasabi sa kanya na i-trade-in niya ito sa mas bagong sasakyan. "Okey lang siya," nakatawang giit niya sa nobyo. "Huwag kang mag-alala, dinadala niya ako sa pinupuntahan ko at ito ang mahalaga. Wala akong hilig na maging stylish." "Kapag kasal na tayo," banta ni Maynard, "dadalhin ko na iyan sa magbubulok at ibibili kita nang maayos na kotse. Ayaw kong nagmamaneho ng isang antique ang asawa ng big boss ng Gavina Construction." Hindi na sila muling magtatalo pa tungkol dito, naisip ni Menerva nang mapansin niyang nagsisimula nang pumatak ang ulan. Ngayon ay nakita niyang may storm clouds na namumuo at medyo binilisan niya ang pagmamaneho. Ngunit tila naging mahirap ang daan dahil hindi pa kongkreto ang karamihan sa mga ito. Dumagdag sa problema ni Menerva ang widescreen wipers. Bumigay matapos makipagbuno sa malakas na buhos ng ulan. Nagmumura siyang lumabas sa kotse para tingnan ang diprensiya. Ngunit ang malakas na ulan ay nagpahapdi sa kanyang mga mata at nagpamanhid sa kanyang mga kamay. Sinundot niya ang wiper ngunit ayaw talagang gumana ang mga ito. Basang-basa na ang suot niyang damit at pinasok ng tubig ang loob ng sapatos niya. Gininaw siya at naisip niyang sana ay pinaayos muna niya ang heater ng sasakyan bago siya lumakad. Alam niyang hindi na gaanong malayo ang destinasyon niya at kung magiging maingat siya at magmaneho nang marahan, agad niyang matatagpuan ang cottage na sinabi sa kanya ng kanyang ninang. Sinundan niya ang twists and turns sa dirt road na tinatahak niya. Lalong lumakas ang ulan at dumilim. Natanaw niya ang daang lumiliko sa kanan sa susunod na kanto. Nabuhayan ng loob si Menerva. Binagtas niya ang makitid na daan na tila hindi kasya para sa dalawang kotse to pass each other. Napangiti si Menerva. Hindi na magtatagal at makikita na niya ang bahay ng ninang niya. Katapusan ng isang medyo mahirap na paglalakbay, naisip niya habang nanginginig siya sa ginaw na nagpatuloy sa pagmamaneho. Nang malapit na siya sa susunod na kurbada ng daan, may naulinigan siyang ugong ng makina sa likuran niya at sa pakiramdam niya ay medyo mabilis ang pagdating nito. "Dapat niyang malaman na hindi siya dapat magmaneho nang mabilis sa mga daang tulad nito," bulong ni Menerva sa sarili. Hindi pa siya halos natatapos na bumulong nang makarinig siya ng isang naghihisteryang busina sa likuran niya nang sinakop ng kotse ang kurbadang tinatahak ng sasakyan niya. Halos mabangga na siya nito nang makuha niyang pihitin ang steering wheel para iwasan ang isang obvious na pagbabanggaan. Ang driver ng kotseng iyon ay naging mabilis din at biglang nag-swerve ito para huwag mabangga ang Toyota. Naiwasan niya ito sa pamamagitan ng ilang pulgada lamang at sumadsad ang kotse sa isang mababaw na kanal sa kabilang panig ng daan. Tumigil si Menerva at sa ilang sandali lamang ay nakalabas na siya sa kanyang kotse. Tumawid siya sa kalsada para alamin kung ano ang magagawa niya. Sa puwersa ng pagkaka-swerve ng kabilang sasakyan para iwasan siya, masuwerte ang mga sakay nito kung hindi sila nasaktan. Ang nababahalang mga paningin ni Menera ay tumuon sa nag-iisang pasahero ng kabilang kotse, isang lalaki at sa paraan ng marahas na paghiklas nito ng kanyang seatbelt, tila hindi naman ito gaanong nasaktan. Nakahinga siya nang malalim nang lumapit siya dito para tumulong sa pagtulak sa buckled front door para makalabas ang mayari. Mukhang naka-survive naman ito at hindi nagalusan man lamang. Ngunit nahalata agad ni Menerva na kung naiwasan man ng katawan ng lalaki ang sakuna, hindi naitanggi ng estranghero ang pagwawala ng temper nito. Ang galit niya. "Ano sa akala mo ang ginagawa mo?" singhal ng lalaki. "Kamuntik na tayong dalawa na mamatay, stupida!" Hindi nahulaan ni Menerva kung ano ang magiging reaksyon ng driver ng kotseng kamuntik nang bumangga sa kanya, ngunit ang galit sa tinig nito ay nakakuha ng agarang tugon mula sa kanya. "Ano ang ginagawa ko?" uminit ang ulo ni Menerva. "Ikaw ang dapat na magpaliwanag. Para kang isang maniac kung magmaneho. Dapat kang mag-slow down sa mga daang tulad nito." "At ang tila pagong mong pagmamaneho ang higit na nararapat para sa public safety? Dapat ka sigurong bumalik sa driving school." "Para sa kaalaman mo," inis na wika ni Menerva. "Ang mga wipers ko ay hindi gumagana at hindi ako maka-drive nang mabilis sa lakas ng ulan. Nasa tamang lugar ako at ... " Bigla siyang tinalikuran ng lalaki at tiningnan nito ang pinsala sa kotse niya. Naiwan si Menerva na nakatayo sa gitna ng daan. Galit na galit siya at hindi makaapuhap ng tamang salita para sabihin sa walang modo niyang kausap. "At kung iniisip mo ang kapakananng ibang nagmamaneho, sana ay hindi ka nakaharang sa daan. Ang susunod na nagda-drive ay maaaring hindi kasing-bilis ko sa pag-iwas sa iyo. Marahil naman ay tama na ang isang aksidente para sa iyo ngayong araw na ito, hindi ba?" Impertinenteng impakto, naisip ni Menerva. Ganu'n pa man, agad siyang lumipat sa gilid ng daan na malapit sa kinasadsaran ng kotse ng estranghero. Tuluyan na siyang nabasa dahil sa walang tigil na pag-ulan. Nangatog siya at gininaw nang husto. Nakadukwang angestranghero sa may gulong ng kotse nito sa harapan na nakalubog sa putik. Pinagmasdan siya ni Menerva. Ang una niyang napansin ay ang taas nito as he towered menacingly over her. Mga six feet tall ang lalaki at malaki ang bulas ng pangangatawan. Kung hindi marahil madilim ang anyo ng mukha nito, maaaring guwapo ito. Moreno ito at maitim ang makapal na buhok. Malapad ang mga balikat at maskulado. Si Maynard ay maputi, slim at mestisuhin. Humalukipkip si Menerva para mabawasan ang ginaw niya at naitanong niya sa sarili kung gaano pa katagal bago malaman ng lalaki ang extent at pinsala sa kotse nito. "Wala ka bang isip?" Ang matangkad na pigura ng lalaki ay muling napapunta sa harapan ni Menerva. Tila tapos na ang pagsisiyasat nito sa damage sa kanyang sasakyan. "Bakit hindi ka nagbalik sa kotse mo at doon mo ako hintayin sa halip na magbabad ka sa ulan?" Dapat nga marahil ay kanina pa ako sumakay at iniwanan na lamang kita, naisip ni Menerva. Tingnan ko lang kung anong gagawin mo. "Iniisip ko kasing baka may magagawa akong tulong," sa halip ay nasabi na lamang ng dalaga pagkatapos nitong pigilin ang kanyang temper. "Talaga?" Nabigla si Menerva sa bahid na inis sa tinig ng lalaki. "Ang dami mo nang nagawa kaya hindi ko na kailangan ang tulong mo." Nang ibinuka ni Menerva ang bibig niya para magsalita, buong pagkairitang naunang nagsalita ang lalaki. "Huwag ka nang makipagtalo at tayo na sa kotse mo." Patakbo nilang tinungo ang kanyang lumang Toyota. Nang nakaupo na silang dalawa sa harapan, tinanggal ng lalaki ang mamahaling driving gloves nito. "Buksan mo ang heater, puwede ba? Baka naman gusto mo na akong patayin sa ginawngayon?" "Sinabi ko naman sa iyong hindi ko kasalan" "Oo na, kalimutan mo na. Wala akong ganang makipagtalo. Buksan mo na lamang ang heater bago tayo manigas sa ginaw na dalawa." "Sira ang heater ko." Nagbubulong ang lalaki at napansin ni Menerva na hirap itong pigilin ang galit. "Dalhin mo na lamang ako sa lugar na may telepono para makacontact ako ng motor repair shop. Kailangan ko ng tow-truck para hilahin ito.? "Nasa probinsiya tayo at wala akong alam na telepono dito, kundi sa bayan. At baka may repair shop na rin doon." Ngumiti si Menerva . "May tow-rope akong dala sa likod ng kotse para sa ganitong mga emergencies. Baka puwede nating gamitin?" "Miss ... Mrs .... ?"" "Miss Reyes. Ruby Reyes." "Miss Reyes," tila nagsasalita ang lalaki sa isang mangmang na limang-taong bata. "Kailangang truck ang hihila para makaahon ang kotse ko mula sa putik na kinabaunan nito. At ang kailangan ko ay makarating sa isang motor repair shop. Sa palagay mo kaya ay naintindihan mo na ako at kaya mo akong dalhin doon?" "Of course. Pero hindi ka dapat magsalita na tila isa akong boba o something." "Nagsasabi ako nang akma sa nakikita ko." "Gusto ko lamang makatulong." "Huwag na." Yumuko ang lalaki at inayos ang laylayan ng pantalon nito. Nang makita ni Menerva ang likuran ng ulo nito, nagkaroon ng masidhing hangarin ito na batuhin ng kung ano ang lalaki. Gusto na niyang ideposito ang lalaki sa kung saan nito gusto sa bayan dahil mukha namang wala siyang silbi para dito. At okey lamang ito sa kanya. Itinanong ng dalaga kung saang motor shop nito gustong pumunta. "Malay ko?" iritadong tugon nito. "Hindi ako tagarito." Ayaw na niyang galitin pang lalo ang lalaki para sabihin niyang wala siyang ideya kung nasaan na sila at hindi din siya tagaroon. Matagal bago umi-start ang kotse at kahit na tahimik ang kasama niya, halatang inis na inis ito. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Pero napangiti si Menerva nang maisip niya na marahil ay masarap makipagkuwentuhan sa estrangherong katabi. "Hindi maganda itong nangyari para maging dahilan ng iyong pagngiti "anang lalaki nang mapansin ni Menerva. "O talagang " ugali mo na ang ngumiti na walang nginingitian?" Inignora ni Ruby ang patutsada ng lalaki. Naging aware ang dalaga sa pagsulyap-sulyap sa kanya ng lalaki at nagkamali-mali tuloy siya sa pagmamaneho. "Mahusay naman akong magdrive, hindi ko lamang alam kung anong nangyayari sa akin ngayon," paghingi niyang excuse. "Talaga?" Napikon ang dalaga. Isa pang patutsadang ganoon ... isa pang pagpapakita ng pagka-arogante at ... "May mga ilaw doon," anang lalaki. "Marahil ay iyan ang kabayanan." Pinahinto niya ang sasakyan nang may madaanan silang tindahang maliit at bumaba ang lalaki para magtanong. "Doon daw sa banda roon," anito nang bumalik. "Inalok tayo ng mainit na kape pero sabi ko ay huwag na dahil wala tayong panahon at nag mamadali tayo". Nainis ang dalaga dahil sa totoo lang,gustung-gusto sana niyang mag-kape dahil sa ginaw. Lihim niyang minura ang lalaki. "At ni hindi mo man lamang ako tinanong kung gusto ko bang magkape?? inis na tanong niya. "Hindi na nga, Miss Reyes. Hindi mahalaga sa akin kung ano ang gusto mo. Ang oras ko ang mahalaga na masyado nang naaksaya dahil sa kagagawan mo. Kailangang makarating na ako sa pupuntahan ko para makapagpahinga. Maaga akong aalis bukas dahil may business conference ako sa Lucena City." "Masyado ka palang makasarili." "Alam ko din namang gusto mo nang alisin ang presensiya ko sa kotse mo. Tama ba ako, Miss Reyes?" "Oo, tama na," asik ng dalaga at nagmaneho na ito. Nakarating din sila sa motor repair shop na nag-iisa lamang sa bayan. Nakahinga nang maluwag si Menerva. She wanted to get rid of her unwelcome passenger ngunit naging maganda pa rin ang ginawa niyang pagpapaalam dito. "Sana ay maayos ang kotse mo at hindi ka masyadong matagal na maghintay," aniya at inilahad niya ang kanang kamay bilang pamamaalam. Hindi ito pinansin ng lalaki. "Masuwerte ka na wala akong panahon para kita at pagbayaran sa pinsalang ginawa mo sa kotse ko"malamig na saad nito. "Malaki sigurado ang bill na dapat mong sagutin. Pero dahil ginawa mo naman ang lahat para ipakitang apologetic ka, nakahanda akong kalimutan ang mgapangyayari." "Alam mo bang may pagka-magaspang ang ugali mo, mukhang may pinag-aralan ka pa naman," sa wakas ay natalo si Menerva sa pakikipaglaban sa kanyang temper. "Lalo namang gusto kong kalimutan ang bangungot na ito. Ngayon lamang ako nakatagpo ng isang napakabastos, napakawalang konsiderasyon na tao. Ang tanging consolation ko ay hindi na marahil ako makakatagpo nang higit pa sa iyo ang sama ng ugali." "Hindi ito ang panahon para magpaligsahan tayo ng insulto." "Dahil hindi na magkakaroon pa ng ibang pagkakataon. Ayaw na kitang makita pa at salamat sa Diyos na hindi na marahil." Tila inignora ng lalaki ang huling paglait nang lumabas siya mula sa lumang Toyota. Ngunit hindi agad isinara ng lalaki ang pinto. "Tila may isang bagay tayong pinagkakaisahan ng damdamin, Miss Reyes. Wala din akong hangarin na makita kang muli." Isinarang padabog ng lalaki ang pinto ng kotse at lumayo na ito na hindi man lamang lumingon. "Asuwang ... impakto!" singhal ni Menerva. Pero of course, ang kanyang nilalait ay malayo na para marinig siya. Ngunit kahit na paano, nakagaan sa nagpupuyos na damdamin ni Menerva ang mga sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD