Sobrang nakakapagod ngayong araw na ito dahil sunod sunod ang ginagawa ko dahil parang ako na ang nag mamanage ng company ni Lawrence dahil wala siya dito para imanage dahil kung siya easy easy niya lang dahil alam niya ang ginagawa niya.
Isang araw nalang bago gaganapin ang meeting na ako at si Ms.Saltiban ang haharap sa business partner ni Lawrence na ang pamilyang Mondragon.
Buti nalang at naka prepare na rin ang lahat ,kung saan gaganapin yung meeting at mga foods dahil talagang kailangang mag prepare ng bongang bonga dahil Mondragon na ang makakaharap ko.
Nag practice ako pano maki pag communication sa mga Mondragon dahil ikaw ba naman ipa harap sa mukhang dragon este mga Mondragon ay kakabahan ka talaga.Para bang yung pakiramdam ko sasali ako sa pageant.
Hindi ko naman first time maki pag meeting tungkol sa business dahil ginagawa ko naman ito sa past work ko pero iba parin pag dating sa Mondragon.Napaka rami nilang business dito sa Manila at ang sabi rin ni Ms.Saltiban na pati sa abroad ay marami rin silamg business .Mapapa sana all ka nalang talaga.
The day has come .Grabe ang kaba ko at pati si Ms.Saltiban ay nadadamay sa sobrang kaba ko.
"Ms.Menerva kaya mo yan ,haharap ka lang naman sa isang dragon hehehe"di ko alam kung ma susuport ako sa sinabi ni Ms.Saltiban saakin dahil parang mas lalo akong kinabahan.
Thankful naman ako dahil nag kakaintindihan kami ni Ms.Saltiban kahit na ilang araw ko palang siyang nakakasama .Para ko siyang bff kasi mag ka vibes kami parang Cristal vibes siya pero mas hindi realtalk lang si Ms.Saltiban dahil mas formal siya mag salita pero yung kaibigan ko na si Cristal parang baril ang bunganga daredaretso mag salita.
Bago kami pumunta ni Ms.Saltiban sa meeting place ay pumunta muna kami sa office para sa papers ng business.
Pumunta na kami sa meeting place at nagulat ako dahil mas pinaganda ng mga staff yung table.Alam din kasi nila na Mondragon ang makakarap namin.
Mag 9:30 am na ng umaga at ang time na mag sisimula yung meeting is around 10 am.
Mas maaga na kaming pumunta dahil mas magandang kami ang mag hintay kaysa ang Mondragon kung hindi baka bugahan kami ng apoy HAHAHAHA eme.
Tudo practice parin ako sa garden ng restaurant dahil napaka peaceful dito.
Para na akong baliw dahil kinakausap ko yung sarili ko.
"Good morning Mr.Mondragon have a sit"tama kaya yan hays parang napaka simple naman ata.Baka sabihin saaakin ng Mondragon na parang hindi ako nag grade 2.
Habang practice parin ako ng practice ay may narinig akong sumigaw na tumatakbo patungo sa gawi ko.
"Ms.Menerva andiyan na ang mga Mondragon"sigaw niya saakin at agad na kaming napatakbo ni Ms.Saltiban para salubungin ang mga mondragon.
Ang formal nilang tignan para silang mga Mafia boss ang dating dahil naka black silang lahat.Sobrang kinabahan na talaga ako.
"Mr.Mondragon good morning ,have a pleasant day and have a sit "
"Morning too,ikaw pala yung sinabi ni Mr.Lawrence na makikipag usap about the business"
"Yes sir ako nga po and kasama ko po si Ms.Anne Saltiban "
Ngumiti lang siya at umupo na.Kasama niya pala yung anak niya na si Gracia pero wala si Maynard at nakapag tataka.
Ilang minuto na din ang nakakalipas ,sobrang kaba ko parin dahil english siya ng english.Kaya ko naman mag english pero nablablanko ako pag may kaharap ako at lalo na isang Mondragon.
Nabulol ako sa sinabi ko at agad akong pinagtawanan ni Mr.Mondragon at ang kanyang anak.
"Oh my gosh ito pala yung sinabi ni Mr.Lawrence na kasama sa meeting e parang wala namang alam sa business and even in speaking ay hindi ata marunong"
Nakita ko namang pasimpleng tumatawa si Gracia.
"Sorry sir kinakabahan lang po ako sa inyo"nakayukong sabi ko dahil hiyang hiya ako dahil sa kaba ay nabulol ako sa pag sasalita ng english.Nahihiya narin ako kay Lawrence dahil ang laki ng tiwala niya saakin.
"Minsan tutorial ko nga si Mr.Lawrence dahil di niya alam pumili ng assistant niya parang need pa niya mag aral ng english major,nakapagtataka pano mo nauto si Mr.Lawrence at bakit kaniya kinuha "at sabay halakhak niya.Nag tawanan din ang mga kasama nila.
Parang gustong gusto nang tumulo yung luha ko dahil in my past 2 years na pagtratrabaho at pag harap sa mga ganitong meeting first time ko lang mapahiya sa mga tao.And tama siya bakit nga ba ako kinuha ni Lawrence to this job that i don't deserve it.
"Mr.Mondragon grabe naman po kayo kay Ms.Menerva "pagtatanggol saakin ni Anne
"Sana naman yung boss niyo galingan sa pagpili hays nadidisappoint tuloy ako "at nakita ko sa mukha niya na pang iinsulto saamin ni Anne ng isang Mondragon na ito.
Nang biglang may isang boses lalaki sa likod namin na nag salita.
"Mr.Mondragon you don't have the right to speak like that to my secretary and assistant.Wala lang ako sa meeting na to ganyan mo na pagsalitaan.Business ang pinag uusapan dito hindi tungkol kung anong kaya ng mga assistant at secretary ko.Wag mo ding kuwestiyonin ang pagpili ko sa kanila dahil hindi naman ikaw ang boss nila kundi ako ,kaya ako mag dedesisyon at may tiwala ako sa kanila.Bakit ko sila ilalagay sa ganyang posisyon kung hindi nila kaya diba?"nilingon ko ang boses na iyon at laking gulat namin ni Anne na si Lawrence pala iyon.
Nagulat din ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya dahil pano kung hindi maging successful ang business dahil lang sa pagkakamali ko.
"How dare you Mr.Lawrence at pagsalitaan ako ng ganyan ,hindi ka ba aware sa business natin dahil kayang kaya ko itong i cancel within in a seconds"
"How dare you too Mr.Mondragon ,alam mo pala ang pakiramdam ng pinagsalitaan ng masakit na salita .Do it , cancelled it ,sa tingin mo ba natatakot ako ?Hindi lang ikaw yung mga ka business partner ko."
"Okay i cancelled it ,hindi mo alam ang binabangga mo Mr.Lawrence"at agad nag walkout si Mr.Mondragon at lumabas na ng restaurant.
Agad ng tumulo ang luha ko.Hindi ko mapigilan at parang sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari.
"Okay lang kayo ?"
Nakita ako ni Lawrence na umiiyak at agad akong niyakap ng mahigpit sabay sabing "sorry Mernerva kasalan ko bakit nangyari to sayo at wag kang mag alala wala kang kasalanan"
"Nahihiya ako sa yo dahil nag tiwala ka saakin at sinabi kong kaya ko pero hindi pala"
"Dont say that you did well and i appreciate that,so don't be sorry ako dapat ang mag sorry sayo,and also sayo Ms.Saltiban you also did well at sa pag support kay Ms.Menerva sa business meeting na ito"
Humiwalay na ako sa pag kakayakap saakin ni Lawrence at nabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa mga nangyari.Gagawin ko itong challenge at inspiration na sa susunod ay hindi na ako mapapahiya pa ulit sa nga taong mas nakakataas sakin at nag palasalamat ako kay Lawrence dahil ni minsan hindi niya ako pinagalitan at inulsulto kundi na appreciate niya ang mga ginagawa ko.
Nag ayos na kami at bumalik na sa office pero bago kami dumaretso sa office ay nilibre kami ni Lawrence sa isang mamahaling restaurant dahil deserve daw namin ito kahit na hindi successful ang meeting namin ni Anne with Mondragon.