There's always a rainbow after the rain. Sa buhay natin marami tayong kabiguan. Maraming pagsubok na hangga't nabubuhay yata tayo ay nakakakabit na sa atin. Pero sadyang mabait ang Diyos dahil kahit gaano kahirap, gaano ka bigat at kahit may pagkakataong suko ka na. May ibibigay siya sa iyong magiging katuwang mo sa lahat. Pag tuntong pa lang ng bagong taon ay busy na kami sa preparation ng aming kasal. Gusto ni Sabrina ay sa June iyon ganapin dahil feel raw niya ang maging June bride. Kakatapos lang namin i-meet ang wedding planner namin para sa araw na iyon ng makaramdam ng pagkahilo si Sab. "Pa chekup ka na kaya. Napapadalas na ang pagkahilo mo," nag aalalang sabi ko habang pinagmamasdan siyang mabuti. "Pagod lang siguro," tugon niya at saka uminom ng tubig. Pinagbuksan ko siya ng

