"Dra! Wala pong heartbeat!" "Teka! Sasamahan ko ang asawa ko!" giit ko nang isasara na ng nurse ang pinto. "Sige na po, sir! Kami na po muna ang bahala." Habol ko ang paghinga dahil sa matinding takot at kaba, at ang huli kong nakita bago tuluyang maisara ang pinto ay ang pagsalba ng buhay ng babaeng mahal ko. "Nanganak na si Sab?" tanong ni Ate Zarina. "Magkape ka muna. Bumili kami ng kape," aniya sabay lapag ng kape sa upuan. "Pre?" tawag ni Zion. "Zack, b-bakit?" nagkanda utal na tanong ni ate at sinapo ang mukha ko. "Si Sab.... Si Sab..." paulit ulit kong sambit sabay patak ng aking mga luha. "Umalis lang kami saglit may ganito na?! Ano bang nangyayari, Zack?" naiiyak na ring yugyog ni ate sa akin. "Tumigil ang t***k ng puso n'ya..." usal ko na kahit ako ay hindi rin makapaniw

