"What is your plan?" Wala akong kinikibo ni isa man sa mga taong narito sa bahay. Gusto kong magwala para maibsan man lang yung nadarama ko ngayon. Iniwan ako ni mom para mapag-isa.
Katahimikan ang bumalot sa kwarto ko.
Hindi ako nag-isip! Buong atensyon ko ay nakatuon sa emotional na aspeto ng buhay.
Dahil sa ginago ako ng tatlong taong pinagkatiwalaan ko ay nakaligtaan ko na ang sa pisikal na pag-aalaga.
Umiyak ako sa clinic kanina kung saan ako dinala ng mom ko para komunsulta dahil delayed ang buwanang dalaw.
Takot na takot akong baka nag bunga ang kung ano mang pangyayari na naganap sa Isla. Niyaya akong lumabas ni mom na kahit ayaw kong sumama ay napilit niya ako.
I want to blame them so bad, but I remember that I engaged myself in all the things we've done.
My world stopped when I confirmed that I was carrying a child in my womb.
I cried because I knew that I couldn't do it.
Mom was crying with me when I sobbed after hearing the news from the doctor.
"No!" I screamed. Mahigpit akong niyakap ni mom para akong binomba sa utak ko. Hindi maaari!
Kung kailan naghihilom pa yung sugat nainiwan nila tapos ganito?! Gustong gusto kong kalimutan silang lahat! Hindi ako makapag sisimula kung may naiwan silang alaala!
Bobo mo Amastrise! Bakit nakalimutan mong mag pills! Hinayaan mong mabuntis ka!
Halos mag histerya ako sa loob ng clinic kaya mahigpit talaga akong niyakap ni mom.
Ayaw ko nito!
"Mom, please help me get rid of this. I don't need these baby! " Umiiyak kong sigaw pero sa Ikalawang pagkakataon ay lumagapak sa pisngi ko ang kamay niya.
Maski siya ay nagulat at nanlaki ang mga mata.
Tumabingi ang mukha ko, mas lumabo pa ang paningin ko dahil sa mga luhang ayaw paawat. Her slapped sting.
"Amastrise, please don't. Pag-uusapan natin." That was the last thing I heard before darkness swallowed me.
Sa bahay na ako nagka malay.
Gusto ko ulit mag laslas yung matutuluyan na sana ako!
Ngayon ko napagtanto yung mga pangaral nila sakin na huwag ko hahabulin yung pagmamahahal kasi bata pa ako. May tamang panahon para roon.
Kung bakit hindi ako nakinig kay Mom at Dad! Mas inuna ko ang landi, makipagtanan kaysa sa mga importanteng bagay na dapat ay roon ako nag focus.
Bumukas ang pinto ng kwarto.
I just let my tears flow.
"Get out." Mahinang sabi ko sa gitna ng hikbi.
Umupo ito sa tabi ko at mas lalo akong naiyak. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko!
Hindi pa ako handa sa responsibilidad lalo na at ang ama ng dinadala ko ay sinusumpa ko! Kung hindi sana ako tanga tanga!
"Dinalhan kita ng pagkain." Ayaw kong kumain! Hindi ko inimikan si Seleucus.
Pinunasan niya ang saganang luha na lumalabas sa aking mga mata. Nang makita ko ang mukha niya ay para ko siyang gustong sampalin ng malakas dahil yung tatlo ang nakikita ko!
The memory of the day I found out that they had done me dirty is still fresh. While I was expressing my real feelings towards them, they were just faking it and recording everything.
"Amastrise! You're trembling!" Tumaas ang boses ng dating kalmadong Seleucus.
Hinagod hagod niya ang likod ko at pinaypayan. Inubo narin ako sa kakaiyak.
"Samahan mo ako Seleucus." Humarap ako sa kaniya, labis ang pag-aalala niya sakin.
"I'll go with you, kahit saan pa." Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko. Yung wala na akong magiging problema pa na iisipin.
"Help me abort t-"
"Hindi mo gagawin yang bagay na iyan!" Sigaw na sabi nito sakin kaya hindi ko natapos ang sasabihin. Umiling siya sakin habang namumula na ang mata.
Nanikip ang dibdib ko.
"Ayaw kitang magsisi sa bandang huli Amastrise. I'm not stopping you from doing it just because the baby is my brother's or cousin's child. I'm stopping you because that baby in your womb is innocent!" May luhang pumatak sa kaliwang mata niya.
He held my hand tightly, like he was begging me to change my mind. He shook his head and kissed my palm.
Fresh tears are now flowing again.
"I'm not ready. I'm broken and getting crazy. How can I be a mother to this child? It was the right thing to do!" Inalis ko ang hawak niya sakin at tinulak siya palayo.
I'm too numb to feel everything.
"Can you stomach not giving the child you're carrying a chance to see the world? You will kill your blood and flesh because you hate those three men. Is that what you want, Amastrise? You may be angry, and nothing can make your anger and hatred go away, but the child has the right to see the world. " Para akong sinampal ng pangatlong beses. Tinamaan ako ng konsyensya.
Bakit kita susukuan kung Ikaw lang ang tanging tama sa buhay ko?
Hindi ko kaya!
Niyakap niya ako at mas lalo akong naiyak dahil sa napagtanto kong hindi ko pala kayang gawin iyon. Nasasaktan ako sa kaisipang aalisin ko ito ng karapatang mabuhay.
Naging makasarili at masama ako dahil gusto kong makapag simula ng panibagong buhay na walang dala dalang nakaraan.
"Don't do it, Amastrise; I'm begging you. Please!" Parehas na kaming umiiyak.
Sorry baby ko dahil pinag-isipan kitang ipalaglag dahil galit na galit ako sa mga tatay mo. Abot abot ang paghingi ko ng tawad sa anak ko.
Nakatulugan ko na ang ayos naming ganun.
Kinabukasan ay bumangon ako ng maaga, sa kusina ang una kong punta. Bumungad sakin ang nakatalikod na si Seleucus habang nagluluto.
Humarap siya at agad akong inalalayan para maka-upo. "Morning." At nilapag ang bagong saing na kanin na may tocino sa ibabaw, scrambled egg sa gilid tapos may gatas siyang inabot.
Tahimik kaming kumain na dalawa.
"Lalabas ako ngayon para magpa check up" panimula ko sa usapan.
Sinulyapan ko siya dahil natigil itong sumubo ng pagkain pero ng kalaunan ay masayang ngumiti sakin.
Pagkatapos ng agahan, kinausap ko si Mom para ipaalam sa kaniya na itutuloy ko ang pagbubuntis ko. Pinagsisisihan ko tuloy ang naging unang desisyon ko.
Baka kung wala silang dalawa ni Seleucus ay baka wala narin ang.... Baby ko.
"I'm sorry, mom, if I thought of aborting my child. I was overtaken by fear and loathing for the men I thought were real. I regret thinking about an unforgivable sin. Mom, please forgive me because I always disobeyed you. I don't listen to your and dad's advice, so I'm losing track of the right path. Please forgive me, mom." Mainit na yakap ang sinagot sakin ni mom. Inayos niya ang buhok ko at ngumiti sakin.
"I will always forgive you, Amastrise. Ipangako mo sakin na aayusin mo ang buhay mo kasama ang magiging anak o mga anak mo. Wala akong ibang hangad kundi ang maayos at masayang buhay para sayo. Hindi ka nag-iisa anak. We are always here for you."
Mom and Seleucus are with me during my first check up. Tapos na ang konsulta sa hospital kaya andito kami naglalakad sa park. Walang pagsisidlan ang saya ko sa sinabi ng doktora. Bagamat may agam agam parin sa akin minabuti kong isantabi iyon para sa mga anak ko.
Oo, mga anak, dahil triplets ang pinagbubuntis ko.
"I have to go somewhere Amastrise kaya kayong dalawa na muna ni Seleucus." Hinatid namin ang mom ko sa appointment niya para sa negosyo.
Wala kaming kibuan habang nagmamaneho siya. Ngayon ko lamang napansin ang white polo na kaniyang suot at faded jeans pang ibaba.
His features leave no doubt that he was a Salem. The side of his face was so attractive; what more with the whole sight of his face with a darker shade of green orbs and a mix of black and red in his hair?
I heard him mutter a soft "thank you and congratulations" during my ultrasound a while ago.
"Amastrise." I looked at him when he called my name. His eyes were telling me that he was debating with himself whether to tell me something or not.
He licked his lips before he grabbed my hand and kissed it. I gave him a small smile when I felt how nervous he was.
"I want to take care of you and your babies." He chuckled a bit, but then he seriously looked at my eyes.
He took a pause before continuing what he was going to say.
I was just there, sitting beside him inside his car, waiting for him to complete his words.
"Would you fly with me? Start a new life and let me take care of you and our babies?" I felt my heart beat so fast that it hurt me how good and kind he is.
I bit my lip to not let my sob be heard in the silence, where I knew that I didn't deserve him.
For someone like me who has been used countless times, is he sure to accept me and my babies?
"I don't know Seleucus. Let me think about it. I'm not the only one right; I have babies to think off before I do something."
Later that night, I asked my mom what I should do. I haven't told my dad that I am pregnant.
May inutusan ang mom ko to pack my clothes. I decided to start a new life somewhere far away. Hindi ako nabigo dahil pumayag ang mom ko sa aking gagawin.
Tama sgurong magpapakalayo layo na muna ako hanggang ma-ipanganak ko sila. Lumapit sa tabi ko ang lalaking kanina tumititig mag mula ng tumawag ako para sabihing lilipad kami.
"I made you a milk." Ininom ko na ito habang mainit pa. Sinuklay niya ang buhok na humaharang sa mata ko.
"Thank you, Seleucus." Hindi ko na ma-isatinig pa dahil hinapit niya ako sa bewang at mabilis na pinatakan ng halik.
"No, you don't have to thank me. I should be the one to thank you for giving me a chance."
Napatakip ako ng bibig nang lumuhod siya sa harapan ko at tinapat ang mukha saking impis na tiyan at humalik bago tumayo. Nilabas niya sa bulsa ang isang itim na kahon kaya nanubig ang mata ko.
Binuksan niya ito at isang bracelet ang nasa loob.
"I bought this promise bracelet as an oath that I will do my best to take care of you and our babies. I love you so much, Amastrise, and I love you even more now that we're having babies. Will you start a new life with me?"
Kumislap rin ang kaniyang mata sa luhang nagbabadyang bumagsak. Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay at tumango. Hindi pa niya nakuha ang ibig kong sabihin kaya natawa ako ng mahina.
"Oo, Seleucus." Sinuot niya sakin ang bracelet at binuhat ako habang paulit-ulit niyang sinigaw nang malakas ang "Yes!"