Syviel
"Kumusta kayo?" tanong ng babae na maikli ang buhok habang lahat ng kasuotan ay itim.
Nakalagay ang dalawang baril sa gun holder na naka-attach sa magkabilaang hita niya. She have a siren eyes that made her face looks fierce.
"Maayos naman kami, maraming salamat sa pagliligtas ninyo sa amin." pagpapasalamat ko.
Utang na loob ko sa kanila ang aming buhay. Kung hindi dahil sa kanila ay wala na kami ngayon. We are given another chance to live.
"Wala iyon, at this point kailangan natin na magtulungan." sagot niya at ngumiti. Kung may mga mapagsamantalang mga tao,mayroon din namang tumutulong.
Nasa isang abandonadong gusali kami ngayon at nagmamasid sa mga nangyayari. Kung sana lahat ng layunin ay katulad sa kanila, mas marami ang lalaban, pero hindi. May mga sakim pa rin kahit sa ganitong sitwasyon.
"Ash meeting na raw." singit ng isang lalaking kulay ash gray ang buhok kaya nabaling sa kaniya ang aming atensiyon.
"Sige." sagot nito bago tumingin sa akin.
"Maiwan ko muna kayo. Tawagin niyo lang ang kahit sino sa amin kung may kailangan kayo." sabi niya at ngumiti kaya tumango ako.
Ang pamilyar ng mukha niya, halata rin na hasa siya sa mga labanan. Pakiramdam ko ay kabilang sila sa Chimera Organization, bihira lang ang nakakapasok doon. Mahigpit ang namamahala.
Flasback
Napapikit nalang ako, ito na ata ang katapusan ko pasensiya na Aztec hindi ko mahahanap ang kapatid mo.
Nagulat ako ng biglang may pumutok.Isang malapot na likido bigla ang tumama sa aking mukha. Pagdilat ko ay natumba ang nilalang na aatake sana sa amin. Maya-maya ay may babaeng tumalon mula sa sirang kotse at may hawak na dalawang baril sa kamay.
"Sa likod mo!" sigaw ni Zsofia nang may nais umatake sa kaniya mula likod at paglingon niya-
"Kung sino man ang bumaril, patay ka sa akin mamaya." matalim na sabi niya habang pinupunasan ang dugo na tumalsik sa kaniyang mukha. Ang lalapit sana sa kaniyang taong halimaw ay binaril ng kasamahan niya. Saktong paglingon niya ay tumalsik sa kaniya ang dugo nito.
"Ang lapot sa mukha." reklamo ng babae at humarap sa amin.
"Si Zin iyon." sumbong ng isang babae na mahaba ang buhok at may bangs habang may hawak na katana.
"Mia sumbongera." sabi ng isang lalaki na kulay ash gray ang buhok at may hawak na riffle assault. Pamilyar sa akin ang mga hawak nilang armas.
"Zin sinungaling." sagot nito at umirap.
"Imbes na makaalis tayo agad, nagbangayan pa kayo." sagot ng isa pang babae na may red highlights ang buhok habang hawak ang dalawang arnis na may tulis sa magkabilaan.
"Bilisan niyo nalang para makaalis tayo rito." sabi ng isa pang babae na wolf cut hairstyle ang buhok at may hawak na pana.
Sino ba sila? Miyembro ba sila ng Chimera Organization? Hindi kaya ay galing sa gobyerno?
"Klent, kutsilyo nga." sabi ng babae na nakalapit na pala sa amin at nilagay sa gun holder ang hawak niyang baril.
"Ako na gagawa." sagot ng isang lalaki na ang seryoso ng mukhang naglakad palapit sa amin. Ang lakas ng presensiya nila, hindi sila basta-basta.
Magkapareho kami ng tangkad nito at messy style ang kaniyang buhok na bumagay sa pigura ng kaniyang mukha.
"Alis na tayo rito." sabi ng babaeng may red highlights ang buhok."May mga paparating pa na mga kigwa." sabi nito. Anong kigwa? Kigwa ba ang tawag sa mga taong halimaw?
End of flashback
Napatingin ako sa anim na nagligtas sa amin mukhang mapagkakatiwalaan naman sila.
Ashlea
"Ano na ang susunod nating gagawin?" tanong ko sa ash gray na buhok na lalaking katabi ko.
Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay, mabuti nalang at may nahanap kaming pwede naming mapagpahingahan. Ang hirap maghanap ng ligtas na lugar dito sa syudad. Hindi lang mga taong halimaw ang kaagaw kasi pati mga taong masasama ang loob.
"Tapos na ang araw na ito at wala pa ring bakas niya. Pasensiya na rin kanina hayaan mo sa susunod kahit pagpiyestahan ka ng mga taong halimaw ay hindi ko babarilin para maintained ang mukha mo." may halong biro na sabi niya kaya sinamaan ko ng tingin. Inakbayan niya ako kaya siniko ko sa tagiliran.
"Nagsimula na kayo?" biglang sulpot ni Klent. Kung may sakit siguro ako sa puso ay matagal na akong inatake dahil kay Klent at Mia na parang ninja kung mawala saka sumulpot.
Galing ata sa labas nagmanman. Matalas kasi ang paningin at pandinig niya kaya siya palagi ang pinagbabantay namin.
"Mia kausapin mo itong si Zin, vibes naman kayong dalawa." sabi ko kay Mia at bumuntong hininga.
"Bakit ako?" tanong naman niya pabalik.
"Let's just proceed to planning." Sabi ko kasi mukhang hahaba na naman ang usapan sa asaran at tuksuhan.
Nagbibiro lang naman ako kay Zin tapos sineryoso ng loko. Masyado akong pinagkakatiwalaan.
"Nagsimula na kayo?" tanong ni Sofia habang naglalakad papalapit sa amin.
Halatang kakagising lang, kung may laging puyat sa amin mayroon ding antukin. "Kakasimula palang." sagot ko.
"Going back to the plan." sabi ko sa kanila at nilapag sa mesa ang mapa ng siyudad pati na rin ang gubat-gubat na parte.
Ang siyudad na kinaroroonan namin ay nakatayo sa isang isla. Walang nakakalabas sa isla ngayon dahil mahigpit ang mga bantay para maiwasan ang pagkalat ng gulo.
Even the government is affected and being tested. The outbreak is now being investigated by the organization. We still don't have a lead about the issue.
"Napuntahan na natin ang mga ito diba? Sa kanluran naman tayo pupunta bukas." sabi ko sa kanila. Kami na ata papalit kay Dora the Explorer nito.
"Ikaw ba si Ashlea the explorer? Kung saan-saan ka pumupunta." sabi ni Mia, parang nabasa lang ang nasa isip ko.
"Ikaw ba si Mia Wurtzbach? Ang dami mong sagot sa mga sinasabi ko." sabat ko sa kaniya kaya nagtawanan kami.
"Pero Ash, hindi ba masyadong delikado para sa mga kasamahan natin? Kailangan pa natin silang isama sa mga lakad natin at may bata pa." nag-aalalang sabi ni Zin.
"Iyon nga eh, pero hindi naman pwedeng pabayaan natin sila diba?" sabi ko sa kanila.
Mas mainam na sumama nalang muna sila sa amin lalo na at mapanganib. Medyo malayo na rin kami sa Chimera.
"Siguro naman, alam nilang depensahan ang mga sarili nila diba?" tanong ni Sofia at napatingin sa kanila na nag-uusap. Naaawa ako sa bata na kasama nila. Naalala ko sila,kailangan ko silang hanapin kasi nangako ako.
"Let's give them a weapon malay natin, diba?" tanong ko. Mukhang marunong si Syv sa armas kaya bibigyan nalang namin.
"Oo diba? Puro kayo diba. Kaya walang sumeryoso sa inyo eh, mga walang kasiguraduhan sa buhay." biro ni Zin at tumawa. Porke, binigyan ng assurance makapang-asar akala mo naman talaga.
"Nagsalita ang akala mo naman talaga eh." sabi ko at inirapan siya. Nilapitan na namin ang mga niligtas namin para makapag-usap kami ng maayos.
"Marunong kayong gumamit ng armas?" tanong ni Zin kila Syv.
"Marunong ako, I am a criminology student. Sanay ako sa mga armas at laban." sagot ng lalaki na nagngangalang Syviel.
Kanina pa siya nakatingin sa akin, minsan nahuhuli ko na nakatitig tapos iiwas din. Baka na-love at first sight sa akin, feeling ko lang naman.
"Ikaw?" tanong ko sa babae.
"Hindi po,pero I am good at first aid and medical stuffs." sagot niya. She is a nursing student, I guess.
"Sige ganito nalang, huwag kayong lalayo sa amin." sabi ko sa kaniya.
They are students,they should be studying right now for their future, not fighting with this human kigwa na sabi ni Shemai.
"So, let's rest for this night and bukas na bukas ay aalis na rin tayo." sabi ko sa kanila.
"Kami naman muna ang magbabantay, pahinga na kayo." sabi ni Zin kaya tumango ako.Inaantok na rin kasi ako.
Nararamdaman ko ang pagod sa buong sistema ko pero hindi ako pwedeng sumuko hangga't hindi ko sila nakikita.
"Sige, kapag may nangyari tawagin niyo lang kami." sabi ko sa kanila.
"Let's rest for a while, bukas ay aalis na tayo." sabi ko kila Syv at tumango naman sila.
Sana kinuha ko nalang sila noong nawala si mama pero hindi mo magawa dahil mabigat ang paratang sa amin.
I can't let them carry the burden.