CHAPTER 8

390 Words
Chapter 8: The Missed Note Mabilis lumipas ang oras. Biyernes na—ang huling araw ng *Bean & Books*, at ang huling araw ni L sa siyudad. Maaga akong nagising para ayusin ang sarili ko. Isinuot ko ang paborito kong crochet terno na tinatago ko para sa special occasions. Gusto ko, sa huling pagkikita namin, maalala niya ako bilang ang "History Hater" na may pinakamagandang style. Bitbit ko ang isang maliit na regalo: isang vintage-style notebook na binili ko sa budget na pinag-ipunan ko talaga. Doon ko isinulat sa unang page ang lahat ng pasasalamat ko. Pero pagdating ko sa café, tumigil ang mundo ko. Wala siya sa corner table. Akala ko ay late lang siya, kaya umorder ako at naupo. Lumipas ang isang oras. Dalawang oras. Ang dating puno ng tao na café ay unti-unti nang nalalamangan ng mga bakanteng upuan at mga kahon na pang-empake. "Excuse me," tawag ko sa barista na pamilyar na sa amin. "Nakita mo ba 'yung guy na laging nakaupo doon? 'Yung naka-hoodie?" Umiling ang barista habang nagpupunas ng counter. "Maagang dumaan kanina, miss. Nagmamadali raw siya dahil maaga ang flight o byahe nila. May iniwan siyang note para sa 'yo, pero..." "Pero ano?" kabadong tanong ko. "Naku, pasensya na talaga. Sa sobrang gulo ng pag-e-empake namin kanina, parang naisama yata sa mga basurang naitapon sa labas. Hinahanap ko rin kanina pero hindi ko na makita." Para akong nanghina. Ang tanging paraan para makapag-paalam kami nang maayos, nawala pa. Hindi ko alam ang buong pangalan niya, hindi ko alam kung saan siya lilipat, at ang tanging "note" na sana ay hawak ko ngayon, nasa basurahan na. Umuwi ako na parang pasan ang mundo. Binuksan ko ang ML ko, umaasang online siya. Pero "Last online: 5 hours ago" ang nakasulat sa profile niya. Kahit sa laro, hindi ko siya maabutan. Napaiyak na lang ako habang nakatingin sa vintage notebook na sana ay ibibigay ko sa kanya. *Is this how history ends?* Isang hindi natapos na usapan? Isang note na hindi nabasa? Sa sobrang lungkot ko, hindi ko napansin na may nag-notif sa phone ko. Isang message mula sa isang unknown player sa ML na may IGN na **"L_Stranger"**. > *"Jana, sorry hindi ako nakapaghintay. Masyadong naging mabilis ang lahat. Huwag kang iiyak. Check your history. Hindi ang textbook—ang history ng laro natin."* >
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD