Chapter 3

1411 Words
Katana's POV 4 am na ako nakauwi kanina kaya naman inaantok ako ngayon. Halos 'di pa ako naka tulog ng maayos dahil may pasok ngayon at bawal akong mag absent. Kahit na antok ako pumasok pa rin ako dahil wala naman akong kasama sa mansion. Nandito ako ngayon sa isang bench at naka higa. Hindi din ako pumasok sa class dahil wala akong matutunan. Pero dapat talaga sa mansion na lang ako tumambay at natulog. Kaysa naman sa ganito nagtsatsaga ako sa matigas na upuang 'to! Napapapikit na ako kaso may naririnig akong ingay. Hindi ko na lang pinansin dahil inaantok na talaga ako. Kaso lang— "What the actual f**k?!" Napabangon ako kaagad ng malaglag ako sa bench. Nalaglag ako dahil may tumalak ng bench. Tumingin ako sa dalawang hinayupak na nagsusuntukan. Hindi naman talaga sila nagsusuntukan more lang parang laro-laro lang. "Hoy, kayong dalawa!" Napatingin naman sila sa akin. "Bakit anong problema miss?" Hindi siya as in matangkad, tama lang naman. Pero may itsura siya ah, kaso 'di ako madadala ngayon ng kagwapuhan n'ya! Antok na antok ako kaya 'di ko 'to papalampasin. "Talagang nagtanong ka pa huh?" Inirapan ko siya dahil pang tanga 'yong tanong n'ya. "Miss kong may problema ka sabihin mo ng diritso. Kaya nga kami nagtatanong dahil hindi namin alam." Ito naman mas maliit sa kanya, parang halos malapit ko na maabutan ang height n'ya. May pangka singkit 'yong mga mata n'ya. "What a jerk!" Naiinis ako dahil ganito sila umasta kaya sinuntok ko siya! "Katana!" Napatingin naman ako kay Greyn na kararating lang din. Hindi ko alam kong saan siya galing. "Agad-agad nandito ka?" Napakabilis naman ng instinct n'ya. "Tama na 'yan," saway n'ya sa akin. Dzuh! As if naman mapapatigil n'ya ako. "Miss kong may problema ka pwede bang sabihin mo na lang. Hindi 'yong naghahanap ka pa ng gulo!" Sabi naman nitong isa. "Sobrang tanga n'yo kasi alam n'yo namang nandito ako sa bench. Tapos kayo parang mga gunggung na 'di man lang marunong tumingin sa paligid." "What a rude girl." Rinig kong sabi nong singkit. "Yes I am! May problema ka ba dun?" Tinaasan ko pa siya ng kilay ko. "Mabuti pa mag-usap na lang tayo dun sa office." Umiling naman ako kay Greyn "No, it's a waste of my time." "Miss nakakainis kana talaga!" "Blake!" Sigaw nong singkit dito sa isa. Napa wow reaction na lang ako nong nag back tumbling siya. Alam kong ako 'yong patatamaan n'ya sa sipa n'ya kaya umilag ako. Pero dahil nasa likod ko si Greyn siya ang natamaan. Ang gaga 'di man lang umilag. "Ouch, mister bakla ka ba? Ba't ka pumapatol sa babae?!" Tumayo si Greyn at napatingin kaming lahat sa lalake ng may marinig kaming nag c***k. "Ano 'yon?" Hindi ko alam kong matatawa ako or ano dahil nabutas lang naman 'yong pantalon n'ya. Napatingin naman ako sa kulay ng panloob n'ya bulaklakin amp. May kulay na Green, Blue and Red. Parang Color Coded Gangster lang. "Blake, nakakahiya ka." Sabi sa kanya nong unanong singkit. "Anong nangyari?" Napatingin ako sa kararating na lalake. Siya 'ata 'yong vice president ng student council. Gwapo siya lalo pang nakakadagdag attract 'yong blue hair n'ya. Hindi naman kasi bawal dito sa school ang may kulay ang buhok. Wala rin kaming uniform dito naka depende sa amin kong mag u-uniform kami. "Okay ka lang ba Greyn?" Okay, edi sila ng close. "Oo ayos lang ako." Sa tagal ko ng nandito sa school bakit ngayon ko lang siya na pansin. Xander pala talaga name n'ya akala ko kasi gawa-gawa lang ng isipan ko 'yong name n'ya. "Hoy kayong dalawa mag-uusap tayo sa office." Turo n'ya dun sa dalawang hinayupak na ginulo ang pag tulog ko. "Bakit 'yong babae na 'yan hindi kasama? Masyado namang unfair 'yon." "Mister hindi 'yon unfair, una sa lahat lalake ka pero pumatol ka sa babae. Mabuti sana kong iniwasan mo na lang siya. Tsaka kakausapin ko rin siya after n'yo." "Bye bye!" Pang-aasar ko sa kanila pero bago ako umalis tumingin muna ako kay Xander bago nginitian siya. Ngumiti rin naman siya sa akin. Parang nakikita ko na tuloy na playboy ang isang 'to. Well that's good to know kong totoo man 'tong instinct ko. I think I like him na talaga. **** Greyn's POV Bakit ba sa tuwing nagkakagulo ako lagi ang natitsimpuhan para umawat? Ito tuloy na sipa pa tuloy. Buti na lang 'di ganon ka sakit, 'di naman din kasi tumama talaga sa akin as in. Pero bakit na warak or na butas ang pantalon nitong isa? Ganon na ba ka lokal ang pantalon n'ya? Baka luma na talaga ang pantalon n'ya tapos pinilit n'ya pa rin suotin o baka masikip sa kan'ya. Mukha naman siyang mayaman. Pumunta ako kaagad sa office pagkatapos ng mga nangyari. "Greyn ako na lang kakausap sa kanila." Sabi naman ni Xander sa akin. Mukhang kilala n'ya rin 'yong dalawa. "Okay, pero excuse me mister paki ayos 'yang pantalon mo patahi muna." Napangiti ang lahat maliban syempre sa sinabihan ko. Pero na agaw ng atensyon ko si Xander na hagalpak na ang tawa nakahawak pa sa tiyan. Over acting naman 'tong isang to, napaka alien talaga. "Hwag ka sanang ma offend." Dagdag ko pa. Hindi naman siya nag salita pa pero halatang namumula siya. "Sige, alis na ako meron pa akong class." Aalis na sana ako pero nag salita naman 'tong pandak. "Bakit pala 'di kasama si Katana, Greyn?" Tanong ni Xander. "Ako na lang bahala sa kanya mamaya. Pero kong gusto mong ikaw na ipatawag mo na lang siya." Sagot ko. Naisip ko kasing kong si Xander pwede n'ya parusahan si Katana. Baka kasi kong ako 'di na naman siya sumunod. Tingin ko kasi susunod siya kay Xander lalo na nakita ko kanina mga tingin n'ya. **** Sky's POV Naglalakad na ako papunta sa likod ng engineering building. Kaso nakasalubong ko si Katana. Papansinin ko sana siya kaso napaka weird n'ya. Anong nangyari dun? Ngumingiti kasi siyang mag-isa, may sapi ba siya? Sinaniban ng masamang espirito? Ay, sa bagay matagal na palang may naka sanib sa kanyang masamang espirito. Mukha rin siyang bangag ang laki ng eyebag n'ya, e. Anong oras ba 'yon umuwi kagabi? Hindi ko na lang pinansin pa si Katana at nagpa tuloy na ako sa paglalakad. Kaso napahinto naman ako ng makita ko 'yong lalake na nakaupo tapos butas ang pants. Shocks! Dapat 'di na lang ako tumingin. Kasama nila si Greyn, kaso 'di na ako nag abala pang lumapit sa kanya. Lalo na walang nakakaalam dito sa school na magkakakilala kami in person at magkakasama sa iisang bahay. "Girl, may mga bagong transferee daw di'ba?" Rinig ko lang naman 'dun sa mga nag-uusap. Sa likuran ko kasi sila kaya naririnig ko. "Oo nga, e. Excited na nga akong makita sila. Balita ko member sila ng Dark Dangerous Hunter. Kasi nga di'ba matagal ng 'di nagpaparamdam ang DDH simula ng 'di na dito nag-aral 'yong dalawang member." Dark Dangerous Hunter? Sounds familiar to me. Gusto ko rin sanang tumambay sa rooftop. Kaso isang building lang dito ang may rooftop at pinagbabawal pa talagang tumambay doon. Pingbabawal ng anak nitong may-ari ng school. Siya lang 'ata ang pwedeng tumambay dun. Sa tagal ko ng nag-aaral dito 'di ko pa nakikita 'yong anak ng may-ari nitong school. Nagpapakita ba 'yon or sadyang wala lang akong interest sa kanila. Maganda pati sana dun tumambay kasi kita ang view ng buong university. Pero okay na 'tong tambayan ko. Umupo ako kaagad ng makarating ako sa tambayan ko. Namimis ko na si Zian almost 3 years na rin kaming 'di nagkikita. Siya 'yong lagi kong kasama pag sa mga ganitong bagay at siya din lagi kong kausap. Siya lang naman kasi ang nakakaintindi sa akin. Junior High School pa ako nung huli ko siyang makita at ngayon 1st year college na kami. Hindi ko rin nga alam kong paano kami naging close ni Zian dahil una sa lahat napaka introvert ko. Sobrang boring ko kaya kasama paano n'ya kaya ako napagtsagaan? Ipinikit ko ang mga mata ko, na saan na kaya 'yong lalake dito nakaraan? Bakit ko ba siya iniisip? Pero sobrang familiar siya sa akin kaso wala akong matandaan kong saan ko siya nakita. Sobrang tagal na naming 'di pumapasok sa underground kaya imposibleng doon. Tsaka kong isa man siya sa mga task namin kaya familiar dapat natandaan ko na. Kaso hindi naman talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD