Chapter Five

1425 Words
Chapter Five Jasmine "Do you have homework?" Tanong ni Maddison sa akin. Napailing ako at sandaling natigilan sa kan'ya. "Yeah, bakit? Hindi ka ba nakagawa?" I asked. Umupo siya sa tabi ko. "Hindi ko natapos. Marami lang akong naiisip lately." Napailing ako ng makita ang problemado niyang mukha. "At ano naman ang kailangang problemahin ng isang Maddison Montealegre? Don't tell me it's still your brother?" "No. Not Harrison." "Your man?" Napangisi ako ng mapatuwid siya ng upo dahil sa sinabi ko. Hindi ko tuloy alam kung nagulat ba talaga siya o hindi lang siya sanay sa sinabi ko. "Oo?" "Oo? You're not sure about your problem? I mean, come on! Pwede bang namomroblema ka sa hindi mo alam?" Naghalukipkip ako sa kan'ya bago siya titigan ng mabuti. "Nevermind. Akin na nga lang 'yung homework mo. I'll copy what I didn't finished." Walang pag aalinlangang ibinigay ko sa kan'ya ang binder ko at ang libro kung saan ko kinuha ang mga sagot sa homework namin. "I check mo nalang din kung tama 'yung sagot ko. Okay? May fifteen minutes kapa naman para tapusin yan." Nakangisi siyang tumango at nagsimula ng magsulat kaya naman tumayo na ako at lumabas muna. I feel sticky today. Hindi ko sigurado kung mainit lang ba ang panahon o ako kaya pakiramdam ko'y gusto kong magbabad sa bath tub na puno ng yelo. I decided to go to the ladies bathroom to wash my face. Iniwan ko na muna si Maddison habang abala sa gingawa. Nakasalubong ko sila Gabriel sa hallway, ang matalik ring kaibigan ni Beatrice dito sa campus. Kumaway lang ako ng makita siyang kasama ang mga cheerleader. Siguro ay may practice na naman para sa huling taon ng cheer dance competition. Hindi ko pa man natatanggal ng tuluyan ang paningin ko sa kanila ay nahagip ko na si Hailey na halos takpan na ang buong mukha gamit ang hawak na panyo. My jaw dropped when I saw sadness in her eyes. Bukod sa lungkot ay namumugto rin ang mga mata nito at halata parin ang mga munting butil ng luha na bahagyang tumutulo pa. "Hailey! Gosh! Are you okay?" Tanong ko at agad siyang nilapitan. Tumingin lang siya sa'kin at maya maya pa ay niyakap niya nalang ako ng mahigpit. Napahaplos ako sa likuran niya ng marinig ang mga paghikbi niya. "Why?" Pag aalalang tanong ko. "S-Si Kelvin kasi, Jas..." Hinawakan ko ang mga kamay niya at dinala siya sa loob comfort room bago pa siya tuluyang mabasag. We can't burst our feeling in the hallway. Masyadong maraming makakakita at kahit na wala namang dapat pakialam ang mga tao, hindi parin maiiwasan ang may mga malalaking bibig. "Tell me..." Sabi ko pagkapasok namin sa comfort room. "Remember noong grad ball natin last day? At 'yung mistery caller sa bahay?" Emosyonal niyang sambit. Mabilis akong tumango bilang kumpirmasyong naaalala ko. "T-Totoong si Caleb ang tumatawag at naghahanap sa'kin, Jas..." Napahinto siya ng biglang bumuhos muli ang mga luha niya. What?! And so? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang umiyak ng ganito katindi ngayon! Simula ng naging sila ni Kelvin ay ngayon ko lang siya nakitang umiyak ulit ng ganito. 'Yung iyak niya na kagaya noong sila pa ni Caleb. Did they broke up? Pakiramdam ko'y sumakit ang ulo ko sa mga bagay na naisip ko. "What about Kelvin? At anong koneksyon nito kay Caleb?" Naguguluhang tanong ko. "He lied to me! Matagal na niyang alam na naaksidente si Caleb pero hindi niya sinabi sakin. Ang sama sama niya!" Nakita ko ang galit sa mga mata ni Hailey. Napaawang ang bibig ko sa narinig. Kaya pala bigla nalang silang nawala na parang bula sa graduation ball namin.  Isang buwan nalang ay ga-graduate na kami at ngayon pa talaga sila nagkaganito. Hindi ko itinigil ang mga haplos ko sa likod ni Hailey para i-comfort siya. Wala akong masabi sa lahat ng mga bagay na isinalaysay niya ngayon. Hindi ko alam na magagawa ni Kelvin ang magsinungaling kay Hailey pero alam kong may dahilan ito. Para saan pa ang mga katagang 'everything happens for a reason, right?' Hinayaan ko lang siyang umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob niya. I can see that she's really hurt. Matapos ang ilang sandali ay pinunasan na niya ang mga luha niya at nag ayos. Naghilamos na rin ako at sabay na kaming lumabas ng ladies room. Natapos ang buong araw na inaasikaso namin ang lahat ng requirements para sa graduation next month. Hanggang ngayon nga parang hindi parin ako makapaniwala na natapos na ang apat na taon at ngayon ay kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa realidad ng buhay. Gustohin ko mang tumulong sa family business namin ay parang mas gusto ko munang tuparin ang mga sarili kong pangarap. Isa na doon ay ang pagiging flight attendant. Noon pa mang nagkakilala kami nila Hailey ay iyon na ang plano naming lahat. Plano naming apat na libutin ang buong mundo kasama ang isat-isa pero may mga bagay nga sigurong dapat iprayoridad. Gaya nalang ni Maddison na uunahin ang business nila pagkatapos ng aming graduation. Papalabas na kami ng campus ng sikuhin ako ni Maddy. "Ano?" Bulong ko dito. "Tingin ka sa kaliwa mo dali!" Paglingon ko ay nakita ko si Garret. Ang long time crush ko. Para akong nalusaw ng makita kong nakatingin siya sa'kin. Ngayon niya lang ako tinignan ng ganito! Naghuramentado kaagad ang puso ko. 'Yun bang para akong nakalutang sa alapaap dahil sa saya. "OA ka Jasmine..." Sita ni Hailey. Napalingon ako sa kanilang tatlo at nakita ko silang nagtawanan. Gano'n na ba ako katagal nakatitig sa kan'ya? Hinawakan ko ang mainit kong pisngi. Ano ba 'to! Inilingon ko ulit ang mukha ko sa gawi ni Garret pero hindi na ito nakatingin sa'kin. May kausap na itong mga lalaki. "Nag de-day dream ka kasi e. Halika na nga!" Pagalit sa'kin ni Maddy. Sabay na kaming lumabas sa campus. Isa isa na kaming naghintay ng sundo at ngayon ay kami nalang ni Hailey ang naiwan. "Uy una na ako ha?" Sabi ni Hailey na ngayon ay nag beso na sa'kin. Sinundo narin siya ni tatay Duke. Nasaan na ba kasi si Mang Pedring. Alas sais na ay wala pa. Ayoko namang mag taxi pauwi dahil baka mamaya pag umalis ako saka naman siya dumating. Malalagot nanaman 'yon kay Mommy pag nagkataon. Lumipas ang thirty minutes ay wala parin siya. Halos mabutas na nga ang relo ko sa kakatitig ko sa oras e. Luminga ako sa paligid, bumababa na ang araw at nauubos narin ang mga tao doon. "Jasmine, my love!" Sigaw ng lalaki sa loob ng pulang sasakyan na ngayon ay nakaparada sa harapan ko. Nginitian ko siya ng isang plastik na ngiti sabay bumaling sa kabilang banda para hindi ko siya makita. Narinig ko ang pag baba nito sa kotse niya at ang pag lapit sakin. "Let me give you a ride!" Agad akong nangilabot sa mga pinagsasasabi niya. Kahit ni anino niya ay gusto kong sunugin ngayon! "No thank you..." Maikling sabi ko. Bakit kasi ang tagal ni Mang Pedring! Pangatlong beses na siyang nalelate ah. Dapat siguro ay nag taxi nalang talaga ako o di kaya ay tinawagan nalang si Kuya para magpasundo kaysa sa ganito. "Come on Jasmine. I know you want me." Kumindat pa siya. What the hell! Ilang irap ang pinakawalan ko sa ere. Napabaling ang tingin ko sa kan'ya at nakita ko sa madilim na paligid ang mukha niyang pangit. Kung baga sa standards merong tall, dark and handsome. Siya naman ay tall, dark and chaka! I just can't! Nakakapanindig balahibo ang taong 'to. Please God forgive me for being so honest! Tumayo na ako at hinarap siya. "Huwag ka ngang ambisyoso Crisostomo! Kahit ikaw nalang ang nag iisang lalaki sa mundo hindi kita magugustuhan, magbibigti nalang ako kapag nagkataon!" Singhal ko sa kan'ya. Grabe kasi e! Dati hindi naman kami ganito. Noong first year college kami ay palagi ko siyang ipinagtatanggol sa mga nambu-bully sa kan'ya. Pero makalipas lang ang isang buwan ay parang nag iba na ang pakikitungo niya sa'kin. To the point na mahal na daw niya ako. May pag ka psycho! Ang weird niya talaga. Nakita kong nagdilim pa lalo ang mukha niya na anytime ay para akong sasakmalin na kagaya ng isang leon. "Jasmine don't say that. Mahal mo ako 'di ba? Palagi mo akong pinagtatanggol dati. Alam ko 'yun at mahal na mahal kita..." Akmang hahawakan na niya ako ng biglang bumusina ang isang kotse na nasa likuran ng sasakyan ni Cris. "Manong!" Nasambit ko nalang at dali daling umalis sa harapan ni Burgos. Halos takbuhin ko ang sasakyan namin dahil sa sobrang takot ko. Madilim na rin kasi at baka kung anong magawa sakin ng lalaking 'to. Baliw na talaga siya. "Hija pasensya kana, may aksidente kasi sa highway kanina kaya na traffic tuloy ako." Usal ni Mang Pedring ng makasakay na ako. "Okay lang po Manong. Huwag nalang po sanang mauulit..." Mahinahong sabi ko. Hindi parin nawawala ang bilis ng pag t***k ng puso ko. Nakita ko si Crisistomo na naka tiim bagang habang pinagmamasdan ang sasakyan namin na papalayo sa kan'ya. Hindi naman halloween pero para akong nakakakita ng multo sa tuwing nakikita ko siya. Meron siyang aura na hindi ko maipaliwanag basta ang weird niya. Creepy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD