Chapter Thirteen

2267 Words
Chapter Thirteen Gorgeous Chaperone "Mang Pedring, paki kuha nalang po ang mga gamit ni Daddy sa compartment." Sabi ko rito habang inaalalayan si Daddy na makapasok sa bahay. Isang linggo rin itong nagtagal sa hospital. Ayaw kasi siyang pauwiin ni Mommy hanggat hindi siya makatayo ng maayos. Malaking tao ang Daddy ko, pero lately nag gain siya ng weight dahil sa pananatili niya sa hospital. "Kaya ko na anak." Bulong nito ng makalapit na kami sa upuan. "Dad, mag-ingat naman po kayo. Papano nalang kung nabagok kayo or kung ano." Ginulo nito ang buhok ko at hinaplos ang mukha ko pagkatapos ay umupo na siya. "Yes mam." Natatawang sabi nito. "Seryoso Dad. Tsaka tingin ko may kailangan kayo.." May pag-aalala paring sabi ko. Nakita ko sa mukha niya ang pagkalito. "Anong kailangan ko?" Umupo ako sa tabi niya. "Kailangan niyo na pong mag diet!" Tumawa ito ng malakas kaya napatawa nalang din ako. Iniwan ko na si Daddy. Pumunta na ito sa office niya at meron daw siyang kailangang ayusin. Kahit na si Kuya Jacob na ang naghahandle ng business ay hindi niya parin ito tuluyang binibitawan. Patuloy parin siya sa pag train kay kuya kung paano i-manage ang aming Hotel chains. Bata ring nag simula si Daddy sa ganitong business. Sa pagkakataong 'yon ay ang Lola Velinda ko naman ang nag train sa kaniya. Bente uno palang ang Daddy ng mamatay sa car accident ang lolo Benjamin ko. Naguumpisa palang siya noon sa hotel industry. Pero nang alam niya na ang mga pasikot-sikot nito ay tuluyan nang siya ang nagmanage no'n. Isang anak lang din nila si Daddy kaya wala din siyang choice kung hindi ang sundan ang yapak ng kan'yang yumaong ama. Nagkakilala sila ni Mommy noong nasa college palang sila. Habang si Daddy ay busy sa kanyang hotel chains, si Mommy naman ay pumasok sa industriya ng jewelries. Mahilig talaga siya sa mga 'yon. Noong una ay nag aalinlangan pa siya sa pagtatayo ng sarili niyang kompanya pero nang maging patok 'yon ay tuloy tuloy na ang pag asenso nila. Ang mga magulang ni Mommy ay nasa new york. Minsan ay doon kami nagbabakasyon pero nang maka graduate na si Kuya Jacob ay minsan nalang ang aming pagbisita. "Oh kuya, why are you still here?" Tanong ko rito ng makasalubong ko ito sa hagdanan. Nagdikit ang makapal niyang kilay sa tanong ko. "This is still my house right?" Sagot nito. Minsan talaga ang hirap niyang kausapin. He's so snob and sarcastic! Nakakairita. "I mean. Wala ka bang trabaho ngayon? So... pwede mo na akong samahan sa mall?" Ikinurap kurap ko pa ang mata ko para mag mukha akong cute sa kanya. E kasi naman, isang linggong mahigit na akong walang ginagawa. Ang dami ko ng pinagpasahan ng curriculum vitae pero ni isa ay wala pa akong nakukuhang sagot. "Wag ka ngang magpacute, Babalik din ako sa office." Lumakad na ito palayo sakin pero nananatili akong nakabuntot sa kanya. "Sige na kuya! I'm so bored. Ni wala na nga akong makausap dito sa bahay e!" Pagmamaktol ko. Totoo naman kasi, tsaka hindi ko naman ugaling magbabad sa internet at mag halungkat ng kung ano anong issue doon. "Kausapin mo si Juliana." Matigas na sabi niya. Sakto naman na kakalabas lang ni Juliana ng kwarto niya. Siguro ay kakatapos lang nitong maglinis doon. Sa palagay ko nga ilang oras na siyang naglilinis e, halata kasi sa mukha niya ang pagod. Knowing Kuya, makalat talaga ang kwarto nito. Nakakaawa naman si Julia. I wonder why they... "Hi, Juliana!" Bati ko rito. Nahihiyang ngumiti ito at nagbaba ng tingin saka dali daling umalis sa harapan namin. Napatingin naman ako sa gawi ng kapatid ko na nakatanaw lang sa babaeng umalis. This is harder than I thought. What should I do now? "Kuya! Ano! Sige na kasi!" Pagpupumilit ko. Pumasok na ito sa kwarto niya pero pumasok din ako doon. "Kung ayaw mo, Sige ka. Maghahanap nalang ako ng lalaking sasama sa'kin..." Napahinto siya sa paghuhubad ng sapatos niya dahil sa sinabi ko. "Fine! And please don't say that again." Hindi maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa tuwa habang ang kan'ya naman ay nakabusangot. Ngayon na lang ulit kami magkakasama ni kuya. Dati ay tuwing weekend niya akong sinasamahan sa mall. Ayaw niya kasing makita akong may kasamang iba maliban nalang kina Hailey kaya siya na mismo ang sumasama sakin. Nakangiti parin ako ng tumikhim siya. "Wait for me outside, magbibihis lang ako. Lumabas kana, go!" Pagtataboy nito sa'kin. Lumabas na ako pero bago pa ako umalis ay sumigaw pa ako na bilisan niya. Bumaba na ako at naghintay sa labas ng sasakyan niya. Mabuti nalang at fresh pa ako. Sinundo ko lang naman kasi si Daddy sa hospital kaya hindi pa ako masyadong haggard. Parang bagong ligo parin. Nakita ko na itong nakalabas ng bahay at saka pinindot ang alarm ng kotse dahilan ng pag tunog nito. Binuksan ko na ang pintuan sa tabi ng driver's seat at umupo don. Pumasok narin siya ng sasakyan. Iniabot ko ang seatbelt ko at isinuot. "This isn't the way to the mall!" Pagalit ko sa kanya ng makita kong lumiko kami taliwas sa daan papunta sa Parissiene. "I know." Sabi nito habang ang tingin ay nasa daan lang. "Then where are we going?" Tanong ko. Gusto ko ng kurutin yung mukha niya dahil sa sobrang inis ko. "I need to see Trystan first. May ibibigay lang ako." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Tama ba? We're going to see Trystan? May tuwa sa dibdib ko ang sumibol dahil sa isiping 'yon. "Ah, okay." Nawala ang inis ko at napalitan ng kaba. Inayos ko ang upo ko at sumulyap sa side mirror na nasa labas ng bintana ko. Hinawi ko pa ng bahagya ang iilang mga buhok na nakakalat sa mukha ko. Naramdaman ko ang pag hinto ng sasakyan sa parking lot ng isang coffee shop. Tinanggal na ni kuya Jacob ang seat belt niya at binuksan ang pintuan niya. "Hindi ka pa ba tapos diyan?" Iritadong tanong nito ng makita niya akong inaayos muli ang sarili ko. Lumabas na ito ng sasakyan. Nakakainis naman eh! Hindi man lang ako na informed. Dapat pala ay naligo muna ako. Nagpalit ng dress, yung maganda. Feeling ko tuloy bigla akong na haggard ngayon! Relax si Trystan lang naman ang makikita mo. Bulong ng utak ko. Yun na nga eh! Si Trystan 'yon. "Pwede bang dito nalang ako?" Tanong ko sa kan'ya. Nakapamulsa na si Kuya Jacob at halata ang pagkairita dahil sa paghihintay sa'kin. Dinungaw niya ako simula sa labas ng kotse niya at tinitigan ng seryoso. "No. Baka may pag uusapan pa kaming dalawa. Samahan mo na ako tutal sasamahan naman kita pagkatapos. Now please get out." Nataranta ako sa sinabi niya. Nako, baka kanina pa naghihintay si Trystan. Baka mag-away pa silang dalawa dahil sa kaartehan ko. Umibis na ako ng sasakyan at pinantayan ang lakad ng kuya ko. Medyo masakit na sa balat ang sinag ng araw dahil mag aalas tres na ng tanghali. Pumasok kami sa Casa Cafe. Dito kami lagi nila Maddy kapag may vacant kami. Dito rin ako madalas nagrereview noong college pa ako. Hay, nakakamiss tuloy! "Hey bro, sorry I'm late." Maya-maya pa'y bati ni kuya kay Trystan. Tumayo ito at nakita ko ulit ang magandang built ng katawan niya. Nakasuot ito ng navy blue na long sleeve na nakatupi hanggang siko at isang dark blue pants. Parang gusto kong ma-intimidate sa tangkad nilang dalawa. "It's okay kakarating ko lang rin." Lumapit na ako at nakita kong nagiba ang aura niya. Lumiwanag ang mukha niya na para bang nakakita ng isang magandang anghel. "Hi!" Bati ko saka tuluyang umupo sa tabi ni Kuya Jacob. Umupo narin silang dalawa. "Here's the proposal. If you have any questions you can call me anytime." Binuklat ng kapatid ko ang iniabot nitong brown envelope at kinuha doon ang ilang mga papel. Pinasadahan niya ito ng tingin bago muling nagsalita. "I'll give this to my father just in case meron siyang gustong i-adjust. But it's all good to me." Nakangiting sabi ng kuya ko. "Good." Sabi nito. Grabe siya, Bakit ba para siyang isang charm na pag tinignan mo ay hindi mo pwedeng hindi magustuhan? Tapos yung labi niyang mapula. I kissed that lips a long time ago and I wouldn't mind kissing it again. Nawala lang ako sa pag nanasa ko sa kanya ng tumunog ang cellphone ni kuya Jacob. "Excuse me. I have to take this." Sabi nito at tumayo na papalayo samin. "Are you guys going somewhere?" Curious na tanong nito pero sa ngayon ay hindi na ito nakangiti. "Parisienne..." "Really? Chaperone mo pala ang Kuya mo." Natatawang sabi nito. "Kinda, ngayon na lang kami ulit nakaalis. Palagi na kasi siyang busy." Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko pagkatapos ay kung ano ano ang pinindot doon. Hindi ko kayang makipag titigan sa kanya. Hindi ko rin kayang kausapin siya ng hindi nakakaramdan ng kung anong awkwardness. "Sorry guys, But I have to go, may emergency sa office." Sabi ni Kuya Jacob ng makabalik na ito sa lamesa namin. Sinulyapan ako nito. What! No! "Jas, I'm sorry but I promise to make it up to you some other time." Nangungusap na baling nito sa'kin. Ano ba yan! Wala na talaga siyang panahon sakin. May sumibol na lungkot sa puso ko. "But kuya-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumabat na si Trystan sa usapan. "I'll accompany her Seth. Ihahatid ko nalang rin siya sa inyo pagkatapos niyang mamili." Nakita ko ang pagluwag ng hininga ng kapatid ko. Siguro nga ay sobrang importante ng gagawin niya. Wait... Si Trystan sasamahan ako?! Hell no! "Good! Bring her home bro. I have to go now." Paalam nito bago pa ako makatanggi. Niyakap pa ako nito bago umalis at tinapik naman sa braso si Trystan. Lagot na. Paano ako makakapagsalita ng maayos nito. Ano bang kailangan kong gawin para maging natural at casual ang kilos ko? Tumayo na kaming dalawa at iginiya ako sa isang itim na maserati ghibli niyang nakaparada sa labas ng coffee shop. Impressive! Pinagbuksan pa niya ako ng pinto bago siya sumakay sa driver's seat. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa ginawa niya. Ganito ba siya sa lahat ng babae niya? "Saang mall nga ulit tayo?" Tanong nito nang sinimulan niya ng buksan ang engine. "Sa... sa Parissiene." Nahihiyang sagot ko. "Okay." Maikling sagot niya. "Trystan, you don't have to do this. Pwede naman akong magsama ng kaibigan ko e. " Nakatingin lang ito sa daan pero nakita ko ang pag tiim bagang niya. "No, sinabi ko sa Kuya mo na sasamahan kita. Besides, naka leave ako ngayon." Seryoso paring sabi niya. "Leave? You supposed to be enjoying this on your own you know. Alam kong busy ka. Really, okay lang ako. Kaya kong mag-isa--" Pagpupumilit ko. "I said I can go with you." Sinabi niyang pinal. Napatigil ako dahil doon. Para akong batang pinagsabihan ng isang striktong teacher. Seryoso lang siya habang nagmamaneho pero ako, hindi ko mapigilang hindi siya lingunin. Sa natitirang biyahe namin ay hindi na ako nakapagsalita pa. Nakarating na kami sa Parissiene. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto bago siya pumasok sa entance ng mall. Ano ba kasing naisip niya at gusto niya akong samahan? Pumasok ako sa isang store at tumingin ng mga damit. Pagkatapos kong kunin ang mga napili ko ay dumiretso na ako sa fitting roon. Nakita ko siyang umupo sa couch. Pagkatapos kong magsukat ay pumunta na ako sa counter para bayaran ang mga napamili ko. Hanggang saan kaya niya ako kayang samahan? Isang store palang to pero nakita ko na sa mukha niya ang pagka-bored. Sinabi ko naman kasing wag na eh. Ang kulit niya! Bahala na nga siya. "Akin na." Kuha niya sa mga paperbag na iniabot ng cashier. Nakita ko pa ang pamumula ng cashier ng magkasanggi ang mga kamay nila ni Trystan. Landi nito! Hindi ko napigilan ang pag rolyo ng mga mata ko at ang dire diretsong paglabas ng store na 'yon. Gusto niya palang maging chaperone ko ha! Pumasok na ulit ako sa isang store at katulad ng nauna ay nagsukat ako pagkatapos ay binayaran ang mga kinuha ko. Halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa aming dalawa o baka nga sakanya lang? I don't care! Nakakainis! Nasundan pa 'yon ng tatlo pang boutique. Hindi pa sana ako titigil pero nakita kong puno na ang mga kamay niya. "Let me hold that." Turo ko sa iilang mga paper bag na nasa kanang kamay niya. "No." Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot. Ipinasok niya ang napamili ko. Nang mapuno na ang compartment ay sa loob niya na inilagay ang iba pa. Maya maya ay binabaybay na namin ay daan pauwi sa bahay. Nakakabingi ang katahimikan kaya nagsalita na ako. "Why don't you go out with your girlfriend." Mahinang sabi ko. Nakita ko ang paglingon niya sa'kin sabay balik ng mga mata sa daan. Really Jasmine? Eh wala akong maisip na ibang sasabihin ko eh! Kung pwede lang burahin ang mga sinabi ko ay gagawin ko. I should have ask him about business instead. "I don't have one." Bakas sa mukha niya ang galit. Hindi ko alam kung saang parte ako nagkamali. May nasabi ba akong masama? Oo nga pala, sabi ni kuya wala siyang girlfriend dahil playboy siya. Dapat pala sinabi ko girlfriends. "Edi f**k buddies or something..." Naramdaman ko ang biglang pag-ibis ng sasakyan at ang paghinto nito. Ilang milyong kaba ang dumaloy sa pagkatao ng harapin niya ako. Galit ba siya? Bakit? Nagtatanong lang naman ako. Sinubukan kong sulyapan siya at nakita ko ang nag-aalab na mga mata niya na diretsong nakatingin sa'kin. Inilayo ko ang tingin papalayo sa kanya. Para akong napapaso. Nakarinig ako ng isang malalim na paghinga kaya napalingon ako ulit sa kan'ya. Hindi pa man ako tuluyang nakakalingon ay tinawid na niya ang mga pagitan namin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pagkatapos ay siniil ako ng halik. Sari saring emosyon ang nararamdamn ko. Ito ang pangalawang halik ko. Pangalawang halik na galing sa iisang tao. Ngayon nalang ulit merong humalik sa mga labi ko! Gusto kong kumawala sa mga halik niya pero parang naubos ang lakas ko dahil do'n. Naramdaman ko ang dila niyang gustong pumasok sa labi ko. I parted my lips na dahilan para tuluyan kong matikman ang bibig niyang lasang mint. What the hell are you doing Jasmine! Pagalit ng isang side ng utak ko pero wala akong lakas para putulin ang mainit na halik na 'yon. Napapikit pa ako ng lumalim ang mga halik niya. Para akong nalulunod sa isang malalim at kulay asul na dagat. Para akong lumulutang sa isang ulap kasama siya. "Shut up or I'll kiss you again." Sabi niya sa baritonong boses ng matapos ang halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD