Chapter Eleven

1925 Words
Chapter Eleven About the deal Naalimpungatan ako dahil sa alarm clock na nasa itaas ng aking bedside table. Agad kong inabot 'yon ng hindi dumidilat. Masakit parin ang ulo ko pero hindi kagaya ng mga nakaraan na sobra 'yung sakit. Teka, bakit ba nag alarm 'to? Did my clock forgot that I already graduated in college? Iminulat ko ang mga mata ko tsaka pinatay ang alarm. Nag stretching pa ako bago ko tuluyang hiwalayan ang bed ko. That was the hardest good bye. Hindi narin naman ako makakatulog kahit na gustohin ko pa. Alas nuebe na ng umaga pero parang sobrang tahimik yata ng bahay namin. Parang walang tao sa labas. Kahit na kaluskos nga ay wala man lang akong marinig. Pagkatapos kong magshower at mag toothbrush ay agad na akong bumaba. Tama nga ang hinala ko dahil wala ngang tao doon at lahat ay malinis na. Bumaba ako sa grand staircase at agad na pumunta sa hardin. Malinis narin 'yon at dinidiligan na ni Masha ang mga halaman doon. Napangiti ako ng makita ang makukulay na rosas na alaga ni Mommy. Bumalik na ako sa loob ng hindi ko makita ang hinahanap ko. Napailing nalang ako ng tuluyan ng makapasok ulit sa loob. Teka? Ano nga bang hinahanap ko? Pagikot ko sa kusina ay nakasalubong ko si Manang Celia. "Oh, Hija gising kana pala. Saglit lang at maghahain ako para makakain ka na." Nakangiting bati at sabi nito sa akin at tsaka dali daling kumuha ng mga kobyertos at naghain sa harapan ko. "Nasaan po ang Mommy at Daddy Manang?" Tanong ko dito habang sinasalinan niya ang pink na mug ng gatas. "Ay si Sofia ay nagmamadaling umalis at aasikasuhin ang isa sa mga store habang si Joaquin naman ay ganoon din. Hinatid ang Mommy mo." Sabi nito. Umibis siya palabas at pagbalik niya ay dala na niya ang fried rice, bacon at itlog. "Eh, si Kuya po?" Tanong ko ulit. Kumuha ako ng bacon at inilagay 'yon sa plato ko. Inabot din ni manang ang fried rice sa'kin. "Nasa kwarto pa yata niya at natutulog. Halos umaga na ng natapos ang party niya e. Oh sige na, kumain ka na diyan at mag aayos pa ako." Paalam nito sa'kin. Tumango nalang ako. Mukhang lasing pa ang isang 'yon ah! Habang inuubos ko ang pagkain ko ay nagiisip naman ako ng pwede kong gawin ngayong araw. Wala ng school. Wala naman akong trabaho na ibinigay ng mga magulang ko. Gusto ko rin naman sanang makatulong sa kanila kahit papaano pero masyado nila akong baby rito sa mansion! Hindi bale, mamaya pag dating nila ay manghihingi ako ng kahit anong trabaho sa kanila. Kahit sa office pa ni Kuya. Napangisi ako sa naisip. Ilalagay ko na sana sa sink ang mga plato at kobyertos na ginamit ko ng may narinig akong nag doorbell. Inilapag ko na ng tuluyan 'yon at saka naglakad papalabas ng bahay. Maaga pa at wala naman sigurong maghahanap ng kahit na sino sa nakatira dito. Binuksan ko ang double door at tinungo ang mataas naming gate. Sumilip muna ako sa maliit na butas doon para tignan kung sino ang bisita. Muntik na akong mapatalon ng makita ko si Trystan na naka white v-neck shirt at maong pants. Halatang bagong ligo lang ito. Napapikit pa ako bago sumilip ulit sa butas. Hindi ko na napigilan ang lukso ng puso ko ng makita ang kabuuan niya. Shit! Parang ang bango bango at ang sarap niyang yakapin. Well, as always. I wonder kung masarap din ba siyang... Bago pa man ako makapagisip ng kung ano ay binuksan ko nalang ang gate. Bakit ba kasi ako ang nag bukas? Nasaan ba ang mga kasambahay namin? Si Manong? Si Masha? Jaja?Where are they? Parang wala silang lahat rito. "Hi..." Bati ni Trystan na ngayon ay malawak ang ngiting nakatingin sakin. Parang nanghihina ang mga tuhod ko. Matangkad pala talaga siya. Halos hanggang balikat niya lang ako. Hindi ko maisip kung sino ang mas matangkad sa kanila ni Kuya Jacob. "Hi." Sagot ko dito. Hindi ko kailangang pilitin ang pag ngiti ko kasi sa totoo lang ay masaya akong makita siya ulit. "Si Kuya ba ang hinahanap mo? Tulog pa kasi siya baka mamaya pa 'yon magigisi-" "Okay lang, maghihintay ako." Putol niya sa sasabihin ko. "Pwede ba kitang makausap?" Pagpapatuloy niya. Naririnig kong dumoble ang lakas ng t***k ng puso ko. Ano naman ang sasabihin ko sa kan'ya? Tungkol saan naman ang pag uusapan namin? At bakit? Just why does he wants to talk to me? "Tuloy ka." Hindi na ako nagtanong pa at pinagbuksan ko nalang siya. I don't wanna be rude. Masyado akong mabait para ipagtabuyan ko siya. Iginiya ko siya sa hardin namin. Mabuti nalang at tapos ng magdilig ng mga halaman si Mang Pedring. "Do you want anything? Coffee? Juice?" Ngarag ang boses na sabi ko. Nakaupo na siya sa harapan ko ngunit hindi parin inaalis ang mga mata sa'kin. "Anything..." Sagot niya. Hindi nga yata siya kumukurap e. Tumayo na ako at dali daling pumunta sa kitchen. Ako na mismo ang kumuha ng hot chocolate para ibigay dito. "Thank you..." Bulong niya at sabay inom ng ibinigay ko. "Bakit ka nga pala nandito?" Pag basag ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Gusto kong mawala ang tensiyon sa pagitan namin. Gusto kong makalimutan na ang lahat ng nangyari. "Seth and I have some business to deal with." Isang tango nalang ang naisagot ko sa kan'ya. "So graduate ka na rin, right?" Tanong nito sakin. Be casual Jasmine Sacha! "Yes." Maikling sagot ko. "What are your plans now?" Kinuha niya ang hot chocolate at uminom ulit doon. Plans? Ano nga ba ang plano ko? "I am just waiting for some airline..." "Flight attendant?" Tanong nito. Bakit ba feeling ko ay nasa isang job interview na ako? I nod. "Ikaw... I mean, what do you do?" I don't like him asking me too many questions. Kumakalabog kasi ang puso ko. "I'm now running the family business." Sagot niya. Oo nga pala, naalala ko na tinanong ko na rin sa kan'ya 'yon the first time we met. He took over his Dad's company shortly after he graduated. Actually ang bagay na 'yun lang talaga ang naaalala ko sa mga sinabi niya ng gabing 'yon. "CEO." Pabulong na sabi ko. Alam kong hindi kami magka edad pero he's still young to handle such kind of field. Kung sabagay, ganoon din naman si Kuya, kahit na hindi pa nagreretiro si Daddy ay inihahanda na niya ito para i-manage ang ibang business namin. "Aeroflot Lewis Airlines. If you heard about it." Seryosong sabi niya. Of course I heard about it! It is one of the biggest major airlines in this planet and I'm a fan! "Is that what you want to do? Or you just don't have any choice?" Curious na tanong ko. "Both. I am a pilot before taking over the company." He said humbly. Pilot... Is he good at steering and clicking all those different kinds of buttons inside the cockpit? Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero hindi ko lubos maisip na nasa loob siya ng cockpit doing things. Clicking things, holding things... I find it so sexy. I once dreamed about dating a pilot. Bakit nga ba hindi? Ipinilig ko ang ulo ko. "Cool!" Sa dami ng laman ng utak ko ay 'yon lamang ang nasabi ko. "Teka tatawagin ko na si Kuya. Siguro naman gising na 'yon." Tatayo na sana ako pero bigla niyang pinigilan ang isang kamay ko. Nakaramdam ako ng ilang milyong boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko na galing sa kan'ya. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya dahil baka kasi masunog ako sa init nito. "Can we just talk?" Seryoso at nag-aalab ang mga matang sabi niya sa'kin. "We just talked Trystan." Mabilis parin ang pagtibok ng puso ko pero pinipilit kong hindi isipin 'yon. "About what happened that night when-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang lumabas si Kuya Jacob sa hardin namin. Halos mailuwa pa nito ang iniinom ng makita kaming magkasama. "Seth!" "Kuya Jacob..." Sabay pa kaming nagsalita. Para kaming mga daga na may ginagawang kung anong masama at biglang nahuli ng isang pusa. "Oh s**t, I almost forgot about the deal." Sinapo niya ang kan'yang noo bago tuluyang lumapit sa kinaroroonan naming dalawa. "It's okay. Mabuti nalang at nandito si Jasmine." Napatingin si Kuya sakin na parang nanunuri kung ano ang nangyari at kung ano ang napaguusapan namin ng kaibigan niya. Nginitian ko siya at sinulyapan si Trystan. "Ang aga mo yatang magising Jas?" Nakakunot noong tanong nito sakin bago umupo sa upuang nasa harapan namin. "Maaga akong umakyat kagabi." Pagpapaliwanag ko. Tumango na ako sa kanilang dalawa at inihakbang ang mga paa paalis sa harapan nila. Pumunta ako sa sala at binuksan ang TV baka kasi ay palabas na ang inaabangan kong series. Umupo ako sa sofa habang yakap ang isang throw pillow. Ilang oras ang lumipas ay nakarinig ako ng sasakyan sa labas ng bahay. Siguro ay sila Mommy na 'yon. Pinatay ko ang TV at tinungo ang ingay ng pumaradang sasakyan.  Tama nga ako, sasakyan namin ang nandoon. Iniluwa nito si Daddy at agad na umibis ng sasakyan para pagbuksan ng pintuan ang Mommy. Sa halos twenty five years na nilang magkasama ay hindi parin nagsasawa si Daddy na ipakita kay Mommy ang sobrang effort at pagmamahal niya dito. Tuwing biyernes ay palagi niya paring dinadalhan si Mommy ng flowers at every month naman ay nagbabakasyon sila sa ibang bansa para i-celebrate ang kanilang monthsary. Sobrang swerte nila sa isat-isa. At swerte rin kami ni Kuya sa pagkakaroon ng mga magulang na sobrang mahal ang isat-isa. "Mom, Dad.." Bati ko sa mga ito at halik sa pisngi. "Jasmine Hija nag lunch na ba kayo? Asan ang kuya mo?" Tanong ni Mommy na niyakap rin ako. Pumasok na kami sa loob ng bahay. "May bisita po si Kuya Jacob. Yung bestfriend niya nung college." Nakita kong nagtinginan silang dalawa bago ako sagutin ulit. "Talaga?" Bakas sa mukha ni Mommy ang pagkagulat. Ni minsan kasi ay hindi nagdala ng kahit na sino sa bahay si Kuya maliban sa mga business partners niya o kaya naman ay tungkol sa trabaho. O baka sadyang wala lang ako noong mga panahong nagdadala siya? "Yes. They were discussing some kind of deal." Dagdag ko pa. "Let's meet the visitor, Hon." Baling ni Mommy kay Daddy. Tumango lamang ito. "Sumama ka Jasmine." Baling naman nito saakin ng mapansin na aalis na ako sa harapan nila. Gusto kong magdabog paalis pero may isang part ng pagkatao ko ang gusto ulit makita si Trystan. "Dad, Mom!" Sabi ni Kuya ng makalabas na kami. "I wan't you to meet Trystan Lewis. CEO of Aeroflot Lewis Airlines." Masayang pagpapakilala ni kuya kay Trystan kila Mommy. "Nice to meet you Hijo. Ikaw pala ang pumalit sa pwesto ni Theodore." Ani Daddy na masayang iniabot ang kamay ni Trystan. "This is my only daughter, Jasmine Sacha Delaney." Maya maya pa ay baling ni Daddy. "Nagkakilala na po kami." Sabi ni Trystan na nagpatibok ng puso ko na para bang may mga kabayong naghahabulan. Tinignan ko ang reaksiyon ng mga magulang ko. Malawak ang ngiti ni Mommy at Daddy pero ang kay Kuya ay seryoso lang na nakatingin kay Trystan. "Talaga? Kailan? Mabuti naman pala at nakilala mo na ang anak namin. Welcome ka dito anytime you want." Nababaliw na ba si Daddy? Ano bang pinagsasasabi niya?! "Dad!" Saway naman ni Kuya Jacob. "Nagkakilala na po kami kagabi sa party ni Kuya Dad." Pagsisinungaling ko. Nakita ko ang ngisi sa mukha ni Trystan. "He can't come over if we're not around, O kapag si Jasmine lang ang nasa bahay." Si Kuya. Kahit naman nakangiti siya ay alam kong seryoso siya sa bagay na 'yon. "Of course." Maagap na sagot ni Mommy. "Dito ka na mananghalian Hijo. Mag papahain na ako ng pagkain para makakain na tayo." Sabi ni Mommy. Tumango lang ito pero si kuya ay parang batang gustong pigilan ang suggestion niya. Maya maya pa ay pumasok na kami ng sa bahay at iniwan ang dalawa sa hardin namin. Mukhang marami pa silang kailangang pag-usapan. Ano naman kaya ang deal na gagawin nila? Teka, kailan pa ako naging interesado sa business ng pamilya ko? Hindi nga ba kaya ko gustong maging flight attendant ay para makaiwas sa paghahandle ng business namin? Ayokong ma-stuck sa apat na sulok ng isang kwarto at habang buhay na nakatapat sa computer. I am destined to be outside, exploring the world. Siya kaya? Forever na niyang gustong makulong sa office? Ano bang pakialam ko sa gusto niyang gawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD