Greg's point of view continues
Na triple ang pag-iingat ko kay Abe nang nalaman ko na kambal ang kanyang dinadala. Lahat ng gusto niya ay sinunod ko maliban sa pag sama sa trial court para sa paglilitis kay Doc Glenn mahirap na baka mag kagulo.
Sinamahan namin si Mommy Jean kasama ang Presidente at si Josh. Halata sa mukha ni Mommy Jean ang takot ng makita si Doc Glenn.
Inamin ni Doc Glenn ang ginawa niyang pagpalit sa mukha ni Mommy Jean, lahat ay tinanggap niya at agad siyang nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo at bawiin ang kanyang lisensya sa pagka Doctor.
Ang akala namin tapos na pero kinausap kami ni Natan at marami kaming nalaman. Hindi pala si Doc. Glenn ang may kagagawan ng lahat kundi ang kanyang ama na namayapa na at inipit lang niya si Doc Glenn para gawin lahat ng kanyang pinag-uutos Lallo na at sinabi din ni Mommy Jean na hindi siya sinaktan at⁷ ginalaw ni Doc Glenn.
Maraming mga bagay ang sinabi ni General at may katibayan. Mula ng sinigurado ni Doc na mabuhay si Danna hanggang sa makatakas si Mommy Jean.
Hawak ng kanyang ama ang buhay ng kanyang babaeng mahal kaya wala siya nagawa kundi sumunod. Nalaman din namin na kambal pala ni Summer si Ramil na pagkasilang palang ay kinuha siya at ipinalit sa namatay nilang anak.
Dahil sa mga ito ay iniurong ni Mommy Jean ang kanyang demanda Laban kay Doc Glenn. Pero ang kanyang lisensiya ay tuluyan ng hindi maibabalik.
Buwan ang lumipas ay kabuwanan na rin nng mahal ko. Gusto ko siyang pakasalan pero hindi ko pa nahanap ang sing-sing.
Nawalan na ng pag-asa ang mga taong inutusan ko na hanapin ito sa ilog na kung saan nahulog. Kaya huminto na sila at problema ko ngayon kung paano mag propose sa aking mahal.
"Greg, may problema ka?" Tanong ng Presidente na kanina pa pala akong pinagmamasdan.
"Hindi ko alam kung paano mag propose ng kasal kay Abe sir. Hindi na nahanap ang sing-sing." Malungkot na sagot ko at tinapik ang aking balikat.
Pumunta siya sa kanyang mesa at ilang saglit ay lumapit sa akin sabay abot sa isang naka plastic na bagay.
Nagulat ako dahil ang sing-sing na pinapahanap ko.
"Sir, totoo ba ito? Tanong ko na naluluha.
"Oo, pinahanap ko noong huminto ang mga binayaran mo. Hindi yan nahulog sa ilog nakita nila na nasa awang ng tulay at na trap doon." Sabi ko at hindi ko napigilan n yakapin ang Presidente.
"Hindi naman ako makakapayag na maging bastardo ang aking mga apo." Masayang sabi niya at nakangiti akong tumutulo ang aking luha. Napaka swerte ko dahil kahit mahirap lang ako ay tinanggap ako ng Presidente.
Pinayagan na niya akong umalis para agad magpropose sa aking mahal. Ibinulsa ko agad ang sing-sing at sumakay na sa aking sasakyan. Pagdating ko sa bahay sa nagkakagulo sila.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kasambahay na natataranta.
"Si Ma'am Abe manganganak na!"Sigaw niya na patakbong umakyat kaya mabilis din akong umakyat sa hagdanan. Dinig na dinig ko na parang namimilipit sa sakit ang aking mahal sa kwarto niya.
Si Mommy Jean ay nagpunta daw sa palengke. Mabilis ko na binuhat ang aking mahal na basag na ang kanyang panubigan. Ingat na ingat ako sa hangdanan dahil baka mabitawan ko siya. Nang nasa baba na kami ay patakbo ko siyang dinala sa aking sasakyan at sumama ang dalawang kasambahay bitbit ang mga gamit ng mag-iina ko.
"Gregggggg ang sakitttttt ahhhjj!" sigaw ni Abe.
Napamura ako at tinawag ang isang driver nila. Hindi ako makapagdrive dahil hindi ko kayang naririinig na nasasaktan si Abe. Isang kasambahay ang umupo sa harap at ako ang umupo sa tabi niya.
Umandar na ang sasakyan at hawak ko ang kanyang kamay na sobrang higpit ng hawakan namin.
"Gregg parang may lalabassss na! sigaw ni Abe na pinaghiwalay ang kanyang mga hita kaya ang kasambahay ang sumilip sa loob ng kanyang bistida.
"Lumalabas na ang ulo!" Sigaw din niya kaya mabilis ko na pinahiga ang aking mahal. Mahirap na baka mahulog ang anak namin sa ibaba.
Napalit kami ng pwesto ng kasambahay , siya sa ulo ni Abe at ako sa baba.
Napamura ako dahil may ulo n nga.
"Mahal, umire ka. 1 2 3 ire!" Malakas na utos ko at ginawa naman niya.
Lumabas ang unang baby namin at agad na pinahawak ko sa kasambahay na nasa harapan. Mabuti at umiyak agad ang bata.
"Sir, malapit na tayo sa hospital sabi ng driver."
"Love, may lalabas ulitttt ahhhjjj!," Namimilipit ulit na sigaw ng aking asawa.
Labas ulit ang ulo ng bata kaya pinaire ko siya ulit at mabilis kong sinalo ang pangalawa.
Napatingin ako sa mahal ko nakapikit kaya agad kong tinignan ang kanyang pulsuhan. Nakahinga ako ng maluwag dahil buhay. Pinaiyak ko ang pangalawang anak namin mabuti at umiyak din ito agad.
Pagdating namim sa hospital ay may naghihintay na sa amin. Mabilis na pinagtulugan na kinuha ang mahal ko at dinala sa kwarto. Ang mga sanggol ay mabilis na tinignan ng mga doctor at healthy naman daw sila kaya ang mga pusod nalang nila ang pinutol.
Ilang saglit lang ay dumating na si Mommy Jean kasama ang Presidente. Sinabi niya na tawagin siyang Daddy pero nahihiya ako.
Malaki na rin ang tiyan ni Mommy Jean kaya maingat din sila. Lalo na at nalaman na lalaki ang kanyang pinagbubuntis. May Jr. na Daw ang Presidente. Umalis din sila dahil hindi maganda kay Mommy Jean na nandito siya sa hospital.
Masayang binuhat ko ang aking kambal Hati ang mga ito. Hawig ko ang isa at ang isa. Naman kay Abe.
Nang magising si Abe ay agad niyang hinanap ang dalawa.
"Mahimbing silang natutulog mahal.",Sagot ko sabay lapit sa kanya ang dalawang maliliit n crib.
Gusto niyang tignan ang aming kambal kaya isa-isa kong binuhat ang mga ito. Naluluhang nakangiti ang aking mahal kaya napahalik ako sa kanyang labi.
"Maraming salamat Mahal." Sambit ko at inilagay ko na ulit ang mga anak namin sa ka nilang crib. Uminom na sila bg gatas kanina. Sabi ng nurse pag gising na sila ay subukan na padedehin sila sa dinedede ko.
Naalala ko ang sing-sing. kaninang naligo ako ay nilagay ko muna na sa bag. Agad kong kinuha ang bag at lumapit sa aking mahal.
Lumuhod ako sa kanya.
"Mahal pakasal na tayo please!. Sambit ko habang nakaluhod sabay bigay ang sing-sing.
Napangiti ako dahil hinawakan niya ang sing-sing at sinuri ito.
"Ito na ba you love? baka naman bumili ka nman ng bago?" Masungit na tanong niya at umiling ako.
"Sabi ni Sir nakita nilacsa tulay mismo na naipit sa mga awang ng tulay." Pagpapaliwag ko.
Ibinalik niya ang sing-sing at at pinasusuot na niya ito sa kanyang daliri kaya mabilis ko nang isinuot mahirap na baka mahulog ulit.
"I love you so mahal." Sabit ko at marubrub na hinalikan ang kanyang labi. Halos pumatong na ako sa kanya at tumitigas na ang aking alaga ng may pumasok na nurse at tumikhim ito kaya naghiwalay kaming dalwa.
"Misis, subukan po natin na painumin sila sa gatas ninyo. Pasensiya na sa abala." Nahihiyang sabi ng nurse
Nakangiti naman ang mahal ko ng sinabihan siya na misis. Ang kamukha ko muna nag kinuha ng nurse at inilabas na ang dede ng mahal ko. Nag-init ako agad kaya nagpa-alam akong lumabas mun dahil baka maiinggit lang ako sa aking mga anak.