Hindi akalain ni Cetrine na makikita niyang muli ang babaeng matagal na niyang hinihintay. Puro kasinungalingan ang lahat ng pagkatao niya at malinaw pa sa tubig kung saan talaga siya nagmula. Hindi totoong napulot siya ni Jenica Estanislao sa labas ng simbahan noong sanggol pa lang ito. Ang mala-asupre niyang mga mata ay ang katunayan na isa siyang Ishbalian at naubos ang kanilang lahi dahil sa pananakop ng gobyernong Pranses (French) noon. Ang Ishbala country ay nasakop ng mga Pranses at nasa kumulang na dalawang dekada na ang nakakaraan. Itinuring silang mga sumpa dahil ang mga Ishbalian ay ang mga tiwali at ayaw magpasakop sa mga Pranses. Nawala sila sa kasaysayan dahil sa maitim na hakbangin ng mga Pranses sa kanila noon. Ang kaniyang ina ay isang Espaniola at ang kaniyang ama ay isan

