Gabby Nagising ako sa boses ni Ethan. “Hoy prinsesa ng mga talon gising na!! Akala ko ba gusto mong pumunta sa talon?” Bulabog nito saakin. “Ano ka ba Ethan!! Ang aga aga pa oh istorbo ka!!” Tinignan ko ang relo 6 am palang. “Anong maaga? Dito sa probinsiya tanghali na ang 6am” Sagot nito. “Give me five minutes please antok pa talaga ako” sabay talukbong ko muli ng Kumot. “Bahala ka diyan May pandesal pa naman at liver spread akong binili” inalis ko ang pagkakatalukbong ko ng kumot at mabilis akong tumayo. “Really?! Sige tatayo na ako” paborito ko yun almusal pag nandito ako pero sa bahay ng mga magulang ko ayaw nila ako pakainin ng liver spread or any can goods masama daw. Mabilis akong nag hilamos at pumunta sa kusina. Amoy na Amoy ko ang pandesal mainit pa pati ang kape. “Nay kailan pa

