LEIGH Sa pangatlo araw, wala pa rin maibigay sa akin si Bentong na matinong sagot kung kailan nga ba talaga uuwi si Isaiah sa bahay. Ang Tatay ko at mga kapatid ko ay tahimik lang, pero ramdam ko ang pag aalangan nilang magtanong. "Pupuntahan ko siya mamaya. Ano yun, doon na siya titira?" nakakaramdam na ako ng matinding inis at pagka inip sa paghihintay sa kaniya. "Hayaan mo muna siya Beshe, siyempre mahirap sa kaniya 'yong nakikita niya ang mahal niya, tapos hindi niya mahawakan-" "Puwede naman niya akong hawakan ah?!" Agad kong malakas na bara, sa kaniya. "Nang patago?" ganti niya. Natigilan ako't naumid muli ang dila ko, inaatake na naman ako ng kunsensya dahil sa ginawa ko. Huminga ng malalim si Bentong. "Kasi nga, ayaw mo pang ipaalam sa pamilya mo ang tungkol sa rel