LEIGH Tinitigan niya ako, pilit ang ngiti ko sa kaniya at sa ilalim naman ng upuan ay naroon ang kamay kong panay ang kurot ko sa mga daliri ko. Hindi ko maipaliwanag ang nerbyos na nararamdaman. "Ganun ba kahigpit ang Tatay mo?" kunot noo niyang tanong. Humikhim ako. "Hindi naman, pero may sakit kasi siya. Ang inaalala ko baka mabigla at makasama sa kalagayan niya." Sa parte na yan ay nagsasabi naman ako ng totoo. Yan kasi ang isang inaalala ko, baka mabigla masyado si Tatay kapag nakita siya, alam ko kasing medyo sumama rin ang loob niya sa pag aakalang pinili talaga ni Isaiah ang iwan ako ng walang paalam para bumalik sa totoong pamilya niya. Nasaksihan nila ang hirap ko at lungkot nang iwan niya ako. Napakagat siya sa ibabang labi at tila nag isip saglit. Kabado pa rin ako

