LEIGH Alalang-alala pang kinausap ako ni Abby bago kami naghiwalay pagkatapos ng trabaho. Baka daw kasi hindi na ako bumalik. "Naku, Liegh balik ka ha. Huwag mo na lang pansinin 'yun.Tama si Sir Denver, 'wag mong masyadong seryosohin at dibdibin 'yong mga sinasabi ni Sir Paul." Malungkot akong napangiti ng pilit sa kaniya. "Ang nakalimutan ko lang sabihin e, huwag na huwag mo na siyang tatawagin na Ysiah," ang pabulong niyang sabi. "Hate na hate niya kasi ang pangalan na iyan. Pangalan kasi 'yan nung lalaking dahilan kaya nasira ang kanilang pamilya. Nanlalake daw kasi ang Mommy niya, na kalaunan ay nalaman nilang tunay na ama pala ng Ate niya, si Ma'am Ysha, nadiskubre na magkapatid lang pala sila sa Ama." Halos paanas na ang boses niyang kuwento sa akin. Medyo natigilan ako. "T-

