CHAPTER 2

2035 Words
LEIGH Ladies and Gentlemen we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Philippines airways, welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Ramil Hasar with First officer Ramirez and the rest of the team, we thank you for choosing Philippines airways as your airline of choice. Napangiti ako nang marinig ang landing announcement ng sinasakyan kong eroplano. Kasabay ng pag-usbong ng sabik sa dibdib ko. Sa wakas. Nakauwi na rin ako ng Pilipinas! Nakapikit ang mga matang napahugot ako ng hangin. Sinamyo ko ang maalinsangan amoy ng Manila, amoy Pilipinas na talaga. Ang nakangiti kong sambit. Hindi ako makapaniwala. After three long years, sa wakas! May isang oras din siguro akong nanatili pa sa loob para sa bagahe ko. Pagdating sa arrival area ay agad humaba ang leeg ko para hanapin ang sundo ko. Actually, hindi alam nila Tatay na darating ako ngayong araw. Gusto ko kasi silang supresahin. Ang akala nila ay muli akong mag-e-extend ng isa pang taon. Iyon kasi ang pinapakiusap na naman ng boss ko. Nabanggit din iyon ni Tita Liza kay Tatay. Tinanong ako ni Tatay kung tatanggapin ko ba ang alok gayong tinaasan ang sahod ko. Sumagot ako na hindi ko pa alam pero pinag-iisipan ko ngang tanggapin dahil malaki rin kasi ang idinagdag nila sa sahod ko. Pero ang totoo, decided na akong umuwi na muna. May naging kaklase kasi ako noong college ang nakabase sa Italy at nakausap ko. Nagka-chat kami at saktong naghahanap ng pastry chef sa hotel na pag-aari ng napangasawa niya. Inalok ako ng libreng tirahan, may food allowance pa at malaki rin ang alok na sahod kaya siyempre 'di na ako nagpapatumpiktumpik pa at talagang tinanggap ko ang alok. Gusto sana niyang mula sa Dubai, ay deretso na ako ng Italy. Kaso ang problema, wala na akong sapat na oras para ayusin ang mga papeles ko. Halos patapos na rin kasi ang kontrata ko nang magkausap kami. Pero siyempre, kailangan ko muna ring umuwi ng Pilipinas upang kahit paano ay makapagbakasyon ako. Isa pa, kailangan ko rin naman talagang umuwi para makausap si Tatay at personal na makapagpaalam. Gagawin ko ang lahat para makumbinsi siya. Mas maiging makapagbakasyon na muna. Tatlong taon rin akong hindi nakauwi at talagang nami-miss ko na rin sila kahit pa nga madalas ko silang nakakausap sa mga video calls. Pumayag naman ang kaklase ko at desidido naman siyang kunin ako. Isang beses ko pang pinasadahan ang mga taong nakatayo sa arrival waiting area. Mga taong pawang mga naghihintay sa pagdating ng kani-kanilang kamag-anak o mahal sa buhay na galing ibang bansa. "Leigh, look at here, Bestfriend. I'm here!" nangibabaw ang boses palakang iyon na kilalang-kilala ko. Napalingon ako sa taong halos magtalon-talon na habang hawak ang malaking placard kung saan nakasulat ang pangalan ko. Siya lamang ang nakakaalam na darating ako at siya rin ang susundo sa akin. Ang bestfriend ko simula pa noong kinder garden kami! Ang mas nakakakilala sa akin at nakakaalam ng mga sekreto ko. Si Benjamin, aka Bentong! Kita ko ang pagwagayway niya ng placard niyang dala! Naks, naka-placard pa talaga pangalan ko a! Napangisi ako. "Bentong!" Masayang kaway ko. Tulak-tulak ang cart ng bagahe ko ay masaya akong lumapit sa kaniya. "Tang*na, lalo tayong pumupogi a," ang agad niyang puna sa akin habang agad akong pinasadahan ng tingin. Pailalim niya akong tiningnan. Isang magaan na kaltok ang agad na binigay ko rito. "Aray naman, Besh. Kakarating mo lang kaltok na agad pasalubong mo e," ang reklamo nito pero agad din na inagaw sa akin ang tulak-tulak kong cart. "Nakakaasar kasi 'yang tingin mo, tang*na ka! Parang may ibig sabihin! " Natawa rin siya at napailing. Damn s**t. Kahit ilang taon akong nawala at 'di nakasama ang abnormal na 'to e, kilalang-kilala ko pa rin ang ligaw ng bituka niya no! "Hindi na kasi bagay sa 'yo ang tibo-tibo! Lalo kang gumanda tol, at kahit yata magsuot ka pa ng barong, babaeng-babae pa rin ang dating mo," Anitong huminto sa tabi ng isang nangingintab at bagong-bagong sasakyan. Imbes na mag-react sa papuring sinabi nito ay napaawang labi ko sa sasakyang dala niya. Alam ko naman na kahit paano ay may kaya ang pamilya nila. Nasa Amerika kasi ang mga magulang nito pati ang tatlong kapatid nito ay naroon na rin. Siya na lamang ang namumukod tanging narito sa Pilipinas, at walang balak daw itong umalis at manirahan sa ibang bansa. "Sasakyan mo 'to tol? tang*na sobrang asensado ka na talaga. Dinaig mo pa ako a," palatak kong sabi habang namimilog pa rin ang mga mata kong nakatingin sa isang audi na kulay itim at bagong-bago. "Ang ganda nito ano?" nagyayabang pa niyang sabi. Habang nakapamaywang na pinagmasdan din ang sasakyan. "s**t, ganda talaga tol! Sarap ang biyahe natin nito," ang masayang palatak ko. Lalo akong na-excite makasakay. Napakamot siya sa batok. Napapangisi ang gagu! "Ganda talaga, pero hindi 'yan ang sasakyan ko, Besh. Ito ang sasakyan ko." Turo nito sa katabi no'ng mamahalin at bagong-bagong sasakyan. Isang lumang nissan na pula ang naroon. Maliit at kupas na ang kulay. "Nakakahiya nga napatabi dito sa bagong-bago at mamahaling sasakyan e, kanino kaya 'to?" ang aniyang nakangisi, at nagpalinga-linga pa ng tingin. Pero tulad ng sabi ko kilala ko 'to e, kaya alam kong sinadya ng gagu! Bago ko pa siya makaltokan na naman ay humahalakhak na siyang lumayo sa akin. "Pang gasolina natin tol, ready mo na!" nakatawa pa niyang banat sa akin. Binuksan nito ang trunk ng kotse nito at nilagay ang bagahe ko. Hirap pang pagkasyahin do'n 'yong isa kaya nilagay na nito sa backseat ang isa pa. Ako naman ay pumuwesto na sa unahan katabi ng driver seat. "Gusto ko sanang isama iyong mapapangasawa mo, si Isaiah. Kaso pumalaot kasama ni Landon," kapag kuway aniyang kuwento sa gitna ng biyahe. "Bentong nasa biyahe tayo, marihap kapag nakaltokan kita baka maaksidente pa tayo sa daan," may halo pagbabanta ang tono ko. Humagikgik siya. "Tol, ang guwapo no'ng ampon ni Kapitan, makalaglag salawal. Kahit ako, nababakla kapag nakikita siya, ginalingan talaga ni Kap ang pagpilili ng mapapangasawa mo!" Imbes na patulan pa pang-aasar nito ay natuon ang isip ko sa kaalamang wala roon ang isang kapatid ko. "Nagkita ba kayo ni Jena nang umuwi sila ni Jet?" ang pag-iiba ko ng usapan. "Oo. Sayang nga e, wala 'yong tropa. Pero masaya rin naman ang naging bakasyon nila dito sa Pilipinas. Naisama pa nila ako papuntang Bora." Masayang kuwento nito. Tumango-tango na lamang ako. Sana nga ay dumating ang araw na magkakasabay sabay ang bakasyon namin sa Pilipinas. Napaka busy rin kasi ang dalawang iyon sa mgq trabaho nila. TANGHALI na rin nang dumating kami sa bahay namin. Linggo ang pinili kong uwi para nariyan sana silang lahat. Pero wala nga si Landon at kasama raw pumalaot iyong Isaiah. Sayang. Nakita ko pang nakikipaglaro ang bunso namin sa mismong labas ng bahay namin. Napalingon ito sa nakahinto nang kotse ni Bentong pero parang wala lang na bumaling muli sa mga kalaro. Iyong isang kalaro niya pa ang unang nakakita sa akin pagkababa ko ng sasakyan at tinuro ako sa kapatid ko. "Si Ate Leigh! " masayang sigaw nito at naiiyak sa sayang tumakbo na palapit sa 'min. Napalingon na rin ang ilang kapit bahay na nagkukuwentuhan sa harap ng munti naming bario hall. Sabik kong niyakap si Lalaine ng mahigpit. Ang laki na niya. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon kumpara noong iniwan ko. Ngayon dalaginding na kasi. Nakatingin ako sa bahay namin nang may narinig akong sumigaw. "Kapitan, dumating na si Leigh," isa sa kapit bahay namin. Agad napalabas ng Bario hall ang Tatay ko at mabilis na lumapit sa akin at sinalubong ako ng yakap. "Bakit hindi ka nagpasabi bata ka, 'di sana nasundo ka namin," maluha-luha niyang sabi. "Sinadya ko Tay, gusto ko kasi kayong surpresahin," masaya kong sabi. Kasunod na rin noon ang pagdating ni, Larry. "Ate!" tulad ni Tatay ay mahigpit rin ang yakap niya sa akin. "Leigh, lalo kang naging singkamas a, nahiyang ka yata sa abroad!" ani Mang Karding. Isa sa mga tanod ni Tatay. "Lalong gumanda kahit tibo tibo," pasegunda ni Aling Carmen. "Huwag kayong mag-alala iyang mga pangbubola niyo may katapat na sabong mabango," ang sagot kong kinatawa nila. AGAD nagpakatay ng baboy si Tatay mula sa mga alaga ni Larry. Isang kapit bahay na kagawad din at ilang tanod ang nagtulong-tulong katayin ang baboy. Si Aling Carmen at Aling Beth na rin nagluto niyon. Maya-maya pa'y marami nang tao sa bahay namin para sa handaan. Ganito talaga sa Bario namin kapag may bagong dating mula sa abroad o 'di kaya'y bago umalis papuntang abroad. Pinaghahandaan at ang lahat ay nagsasaya. Nagpakuha rin si Bentong ng video ok. Isa kasi ito sa mga negosyo niya, ang pagpapaarkila ng mga video ok. Ipinuwesto iyon sa terrace ng bahay namin. Nag-umpisa na rin maglagay ng lamesa sa terrace namin. May dalawang lamesa pa sa labas ng bahay ang inilagay. Ilang mga kaklase at kaibigan ko noong high school at college ang pumunta pero wala akong mahagilap na kaibigan mula sa kabilang unibersidad. "Sayang no, wala sila Denver, Jophet at Jetro." "Hindi kasi sabay sabay ang mga bakasyon niyo." Sagot ni Bentong. Mag-aala sais na rin nang dumating sila Landon. Agaw dilim na rin ang paligid. Nagkakasiyahan na kami sa mesa namin at bumabaha ng inumin. "Narito na pala sila Landon at Isaiah e," ani Bentong. Napalingon ako. Nakita ko nang nanlalaki ang mga mata ni Landon na binitawan ang pasan na lambat. Napaawang ang labi nito at agad bumukas ang sobrang saya nang makita ako. "Ate Leigh!" masaya nitong tawag sa pangalan ko. Napatayo ako sa kinauupuan. Agad itong yumakap sa akin. Ginulo ko ang buhok nito. "Ay basa na ako o," ang natatawang sabi ko. Medyo basa kasi ang damit nito mula sa dagat. "Yakapin mo rin ang mapapangasawa mo Leigh," kapag kuway banat na biro ni Bentong. Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero humagikgik lang siya at ninguso pa ang kasama ni Landon. Agad rin akong napatingin sa lalaking may buhat ng malaking balde. Hindi naman siya nakatingin sa amin. Pero saglit ko siyang pinagmasdan. Wala sa sariling napalunok ako. Bahagya siyang nakayuko pero alam ko na agad na guwapo nga ito. Ibang iba ang itsura niya sa mga guwapong nakilala ko na noon. Parang ibang iba ang dating niya sa akin. Pinilig ko ang ulo. Tila ako rin ang nabigla sa naging takbo ng utak ko pagkakita sa lalake. May ganito pa palang kaguwapong nilalang sa mundo? O, namamalikmata lang ako? Kinurap kurap ko ang mga mata. Napakatangkad niya at napakamatipuno ang pangangatawan. Halatang batak sa trabaho. Kayumanggi ang balat na alam kong nababad sa araw. Wala sa awra nito ang pagiging masamang tao. Inilapag niya ang baldi at dinampot ang mga lambat at maayos na sinampay sa sanga ng puno ng manggang naroon. "Nariyan na pala kayo, Isaiah, Landon. Halina kayo't kumain," ani Tatay. Doon pa lamang nag-agat ng mukha ang lalake. Nagkasalubong ang tingin namin. Mas lalo yata akong natigilan nang mapagmasdan na siya nang tuluyan. "Ang dami niyo yatang huli, anak." Ang ani Tatay na humakbang na papalapit sa lalake. "Malalaki pa po, Tay." ang aniya. Tay? Hindi pa rin inaalis ang mata sa akin. "Pinakyaw na nga ng mga biyahirong nakaabang kanina sa daungan. Nagtira lang kami ng pang-ulam." Sabat ni Landon. May tumikhim mula sa mesa kung saan kami nag-iinom. Alam ko si Bentong 'yon e. "Naku, magtititigan lang ba kayo, diyan? Isaiah, may masarap na ulam sa loob, saka muna ulamin si Leigh kapag nakasal na kayo," ang sabi ng walang hiya. Kakaltokan ko na sana ito pero agad na nakaiwas ang gagu! Sira ulo. Nakakahiya kay... Shit nahihiya ko na tuloy banggitin ang pangalan niya. Nasa akin pa rin ang mga mata niya. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya. Kimi akong bumalik sa upunan ko. Umiwas ako ng tingin. Shuta, nanlalambot ang tuhod ko. Sanay naman ako sa kape, pero bakit ngayon lang ako ulit ninerbyos ng ganito? Shit, bakit ganito? Bakit sobrang bilis nang t***k ng puso ko? Ano bang meron sa lalaking ito? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, habang magkahinang ang mga mata namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD