LEIGH Nakita kong kakatapos lamang niyang iayos at siguraduhing matibay sa pagkakatali ang dalawang bangkang kanilang ginamit. Napatingin ako sa langit nang umihip muli ang malakas na hangin. Humuhit ang kidlat sa madilim na kalangitan. Tapos na siya sa ginagawa nang muli ko siyang balingan ng tingin. "Isaiah!" tawag ko. Dinadampot na nito ang lambat nang mapaangat ang mukha sa akin. Saglit siyang natigilan, nakaawang ng bahagya ang labi. "Anong ginagawa mo rito, bakit ka sumunod?" binitawan niya ang lambat nang mabilis ang mga hakbang ko palapit sa kaniya. Niyakap ko siya. Wala na siyang nagawa kun 'di yakapin rin ako pabalik. May ningning na ang mga matang tiningnan niya ako. He chuckled and kissed my neck. "Amoy araw at pawis pa ako love nakayakap ka na sa akin, na