LEIGH Nakayuko lamang ako habang masinsinan niyang pinagbibilinan ang mga security guards. Narinig ko pa sa bilin niya na kapag nangulit daw ulit ay bitbitin na 'yong lalaki sa labas kasama ng mga gamit niya Galit na galit pa ang pagkakasabi niya na parang ang laki ng nagawang atraso nung lalake e, may mas malala na nga kaming naging guest bukod dun. Bitbitin agad kasama ng mga gamit? Grabe naman ang gusto niya. Wala siyang sinabi sa akin pero, habang nakayuko ako alam ko at dama ko ang titig niya sa akin na nagtagal ng isang minuto. Parang maski huminga ayaw kow baka sa akin na maibaling ang galit at inis niya at masinghalan niya ako. Then, maya maya pa'y narinig na namin siyang may kausap sa phone niya. Galit na galit naman. Wala nang ginawa ang taong ito kun 'di

